Saturday, February 11, 2012

Pangarap Chronicles Scene 21: Six Months After

Sa kasalukuyan, Karen, ay inilalabas na ng pulisya sina Matt Camello, Henry Padilla, Kyle Hernandez at ang anak ni Cavite Representative Ferdinand Arguelles na si Dom Arguelles palabas ng korte. Pupunta na ang apat sa National Bilibid Prison dahil sa sentensya sa kanilang reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo sa kasong attempted rape, attempted murder at multiple counts of rape na isinampa ng mga babaeng napatunayang kanilang naagrabyado. Ito ay sa pangunguna ni Mariel Velasco...


"That's misleading," comment ni Michael habang pinapanood nila ang recorded video sa internet ng mga nangyari sa korte kahapon. Nasa sala sila ng mga sandaling iyon. Nagkibit-balikat lang si Mariel at kumuha ng jelly ace.
Naging sensational ang mga kasong isinampa nila ni Neil sa apat. Bukod kasi sa anak ng congressman ang isa doon ay naging daan iyon upang magkalakas ng loob ang ibang mga babaeng nabiktima ng mga ito upang magsampa ng kaso.
"At least, nanalo kami sa kaso," aniya habang binubuksan ang jelly ace gamit ang ngipin niya. "Saka, mga chunga-chunga lang ang mami-mislead."
"That's gross."
"Ang mang-mislead?"
"Hindi. Ang magsalita habang nagbubukas ng jelly ace."
Sinimangutan niya ito. "Nanliligaw ka pa lang, ang lakas mo nang manlait. Paano pa kaya pag sinagot na kita?"
Nakakalokong ngumisi ang lalaki. "Bakit malapit na ba?"
"Sana." Binelatan niya ito. "Kaya lang, I change my mind."
Magwo-walk out sana siya para mas dramatic ang effect nang bigla siyang hinila ni Michael. Na-off balance tuloy siya at napakapit dito. Hindi inaksaya ni Michael ang pagkakataong iyon at niyakap siya nito sa baywang, forcing her to sit down again. Nagpumiglas siya.
"Bitiwan mo nga ako!"
"Sabihin mo muna sa akin na boyfriend mo na ako."
"Kailangang ipilit?!"
"Sa 'yo na rin nanggaling na sasagutin mo na ako. Ano bang mapabilis natin ang process, sweetheart."
Hindi siya nakasagot. Tumigil na rin siya sa pagpiglas. Kahit kailan talaga pag nilalandi siya nito, hindi siya makapalag. At habang tumatagal, lumalala ang kalandian nito sa kanya.
"Sige na nga."

"A-anong sabi mo?" Of course, narinig ni Michael ang tatlong salitang sinambit ni Michael. Hindi siya bingi. Pero gusto lang niyang makatiyak kung tama ang pagkakaintindi niya sa simpleng tatlong salita na sinabi nito.
"Ay, hindi mo ba narinig?"
"Narinig ko pero gusto kong ulitin mo," aniya. "P-pwede ba?"
"Sige na nga."
"Ha?"
"Iyon yung sinabi ko," anito at kumawala sa kanya. Pero as usual, hindi niya ito hinayaan.
"So, ibig sabihin sinasagot mo na ako?"
"Ay hindi po sir," pilyang sabi nito. "Tinatanong ko po kayo."
"Ah, ganon!" Kiniliti niya ito. Tawa lang ito nang tawa. Alam niya kasi ang lahat ng ticklish spots nito.
"T-tama na!" Naiiyak na ito sa kakatawa. Isama pa ang hingal. Tumigil na siya.
"Ano nga? Ibig bang sabihin nito, you're now my girlfriend?"
"Ayaw mo ba?"
"Sweetheart!"
Hinalikan siya nito sa pisngi. "Alam mo, lalo kang gumagwapo kapag napu-frustrate ka na sa akin."
"Talaga?"
Mariel nodded, a wide smile in her lovely face. Then she pressed a kiss on his chin. Michael lovingly cupped her face with his hands, his smile reflected hers. This cutie pie yet naughty girl is finally his. He closed the distance and between them and kissed her on the lips.
Of course, it was a gentle one. His sweetheart was very innocent and it was her first kiss. But when she hesitantly and innocently kissed him back, he lost control. He let out a moan and deepened the kiss. His tongue exploring the sweetness of her mouth and he can't get enough of her.
When the kiss broke, Mariel buried her face on his neck. Michael can feel the hotness of her face. He chuckled. She's just so cute! Using his fingers, he lifted her chin. Natawa siya nang makitang pulang pula ang mukha nito. Hinampas siya nito at nag-pout. He chuckled again and pressed a light kiss on her pouting lips.
"You don't like it?" he teased. Lalo itong namula. Oh, this will be fun!
"K-Kailangan ko bang sagutin yan?" nakasimangot nitong tanong.
"You look cute when you're shy," aniya at niyakap ito nang mahigpit. "And you're so small. Perfect in my arms."
"Kailan ka pa naging poetic, sir?"
Sasagot sana siya nang may tumikhim. Agad na humiwalay sa kanya si Mariel.

"N-nay, Tatang, ang aga ninyo naman yata!" Ramdam man ni Mariel ang pag-iinit ng pisngi niya ay hinarap niya ang nanay niya at si Tatang na ngayon ay stepfather na niya. After three months of being a masugid na manliligaw, bumigay ang nanay niya at sinagot ito. After a month, nagpakasal ang dalawa. At ngayon ay nakatira na sila sa bahay nitong mala-mansion.
"So, pumpkin, anong ibig sabihin ng nakita namin ni Tindeng, my love?"
"Sana nagpaligoy-ligoy muna kayo," comment niya. "Anyway, uhm, s-sinagot ko na si sir M-Michael."
"Boyfriend mo na ako, sir pa rin ang tawag mo sa akin?"
"Kesa naman sweetheart!" Kunwari ay kinilabutan siya. "So gross!"
Natawa ito at hinalikan siya sa sentido. Pinaghiwalay sila ng naiiritang nanay niya.
"Pwede ba, huwag nga kayong mag-PDA sa harap ko," nakapamaywang nitong sabi. Nilapitan ito ni Tatang at inakbayan.
"Naiinggit ata ang aking my loves." Hinalikan nito sa pisngi ang nanay niya at nangisay siya kunwari sa kilig.
"Ang sweet naman!" aniya. "Baka mamaya, magkaroon pa ako ng kapatid niyan."
"Magtigil ka nga diyan, Mariel," saway ni Tindeng sa anak. Binalingan nito ang anak at ang boyfriend nito. "Kayong dalawa, alam ninyo naman siguro ang limitasyon ninyo. Michael, alagaan mo 'yang anak ko, ha. May pagkalukaluka 'yan pero mabait naman."
"Huwag po kayong mag-alala, tita. Ako pong bahala dito."
"Mabuti naman," ani Tatang. "O siya, dun muna kami sa kwarto at gagawa pa kami ng kapatid ni Mariel."
Napakamot sa batok si Mariel. "Kailangan pa ba talagang ipaalam ang mga ganyang detalye?"
Natawa lang ang mag-asawa at umalis na.

Pagkaalis ng mag-asawa ay agad na yumakap si Michael sa kasintahan.
"Sweetheart..."
"Hmmm?"
"Wala nang bawian, ha."
Gets agad ni Mariel ang statement na iyon.
"Oo naman," aniya sa boyfriend. "I'll tell you a secret."
"Ano 'yun?"
"Alam mo bang nung napatunayan ko na sincere ka sa akin, gusto na kitang sagutin? Mahal na kasi kita noon pa."
"Really?" tanong naman nito na pa-smack na hinalikan siya sa lips. Tumango siya. "Bakit?"
"Dalagang Pilipina po ako, sir," paliwanag niya. Sumandig siya sa dibdib nito. "Siyempre, kailangan kong magpakipot."
Natawa ito.
Marami pa siguro silang dadaanan na pagsubok na yayanig sa kanilang love life. Pero malalampasan nila siguro ang mga iyon. Sana ito na ang maging kasama niya sa habang buhay.
"Anong iniisip mo, sweetie?"
Ganon ba ako ka-transparent?
"Saka ko na sasabihin sa 'yo. Kapag andun na tayo sa next level."
"Are you talking about marriage?"
Tumango siya. "Masyado ba akong excited?"
"I have something to confess, sweetie," anito. "The day, I realized my love for you is the day I realized I want to be with you forever."
They stared each other in the eye and smiled.
That would be the day.

THE END


Thank you po sa lahat ng natiyagang sumubaybay at nag-comment sa aking ff na ito. Sana ay nagustuhan ninyo ang ilusyon kong love story nina Michael at Mariel. Hehehe!

Friday, February 3, 2012

Pangarap Chronicles Scene 20.3: The First Official Date Part 3

The awkward silence went on as they continued eating. Hanggang sa natapos sila, nagbayad at nakapunta sa sasakyan ni Michael.
Toot toot! Toot toot!
Napasulyap din si Michael kay Mariel habang nilalabas niya ang cellphone.
One Message Received
Tess:
hoy bakla, asan k n?
Nag-reply siya. At least, may magagawa siya.
Mariel: nsa lbas pa..bkit?
Tess: ksama mo si boylet?
Mariel: d ko boylet un pwede ba?
Tess: ok.
Tess: favor naman bakla, sabi kasi ng leader natin, kailangan daw nating bumili ng sariling book ng pedagogy of hope..hanap ka naman..pasensya na bakla, ikaw kasi ang mapera ngayon. babayaran ka namin, promise
Mariel: siya sige..saan ba ako makakahanap nun?
Tess: di ko rin alam bakla..alam ko lang wala siya sa national
Mariel: salamat sa napakauseful na info, teh. sige, akong bahala

"Sir." Pagkatapos ng ilang minutong internal battle at sulyap dito at sa cellphone, binasag din sa wakas ni Mariel ang katahimikan. Sa pamamagitan ng isang salita na may isang babay. Lumingon naman sa kanya si Michael sabay focus uli sa daan.
"Ibaba mo na lang ako dito," mahina niyang sabi. Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy siya. "May pinapahanap kasi sa akin si Tess para sa project namin."
"Sasamahan na kita."
"Kahit huwag na," aniya. Napakagat-labi siya. "Hindi ko rin alam kung saan hahanapin 'yung libro."
"The more na dapat kitang samahan," anito. "And no more arguments."
Tumango na lang siya.
"So, where to?"
"Sa Recto." Iyon lang naman ang alam niyang maraming bilihan ng libro. Siguro naman, meron yun dun.

"Meron pa bo kayong alam na bookstore dito?" Mixed emotions kung mixed emotions ang drama ni Mariel. Hiya kay Michael, pagod dahil sa kakalakad (pinapark niya rito ang kotse nito sa malapit na mall), frustration dahil hindi niya mahanap-hanap ang libro and more frustration dahil sa hiya kay Michael.
Hindi pa ito nagsasalita. Basta nakabuntot lang sa kanya.
"Ay, wala na 'Neng," anang tindera. Napabuntong-hininga na lang siya. Binalingan niya ang kasama niya.
"Pagod ka na ba, sir?"
"Don't mind me."
"Uwi ka na lang kaya," aniya. "Kaya ko na naman na."
"I said, don't mind me."
"Sungit," pabulong niyang sabi.
"What?"
"Sabi ko, baka sa SM meron."
"Let's go then."

And so, nagpunta sila sa SM. Dahil wala raw sa National Bookstore, ayon na rin kay Tess, nagpunta sila sa Powerbooks. Agad niyang in-approach ang staff.
"Miss, meron po kayong stock ng Pedagogy of Hope?"
"Saglit lang, ha, Miss," anito at pumunta sa monitor. Tin-ype nito ang book and presto, meron daw ayon sa monitor.
"Salamat naman!" excited na sabi ni Mariel sabay yakap kay Michael sa sobrang tuwa. Gumanti naman ito ng yakap na tinapik-tapik pa ang likod niya. Nang nakangiting nagtungo ang staff sa kinaroroonan ng libro ay naghiwalay sila upang sundan ito. Pero ang isang kamay ni Michael ay nakaakbay sa balikat niya.
Pero di niya pinansin. Patay-malisya lang. Baka mamaya kasi, magkailangan na naman sila at siyempre, kinikilig din siya. Feeling niya, secured na secured siya. At bango nito! Hanggang sa nabayaran na nila, di pa rin ito bumibitaw sa kanya.
Mabuti naman.

"Gutom ka na ba?" tanong ni Michael kay Mariel nang makalabas sila sa bookstore. Sa layo ng nilakad nila sa Recto, at sa SM na rin, baka pagod na ito. At gutom uli. At siyempre, ang main reason, gusto pa niyang makasama ito nang matagal.
Tiningala siya nito at nahihiyang tumango. She's so adorable!
"Saan mo gustong kumain?"
"Mcdo tayo," sagot naman nito. "Libre ko dahil mapera ako ngayon."
"Not gonna happen, sweetheart." He playfully pinched her nose. She frowned and tried to distance herself from him. But he didn't let her.
"Dali na!" Parang batang nag-pout pa ito at nagmamakaawang tumingin sa kanya. "Ikaw na nga ang sumagot sa pagkain kanina tapos ginawa pa kitang bodyguard sa Recto. Para makabawi naman ako sa 'yo."
"Kiss mo na lang ako para makabawi ka sa akin."
Natulala ito. Mayamaya ay namumulang nakayuko ito.
"Uwi na nga lang tayo."
"Wala nang bawian, sweetheart. Halika na't ililibre mo pa ako."
Nakangiting tumango ito.

Pagkatapos kumain ay nagyaya si Michael na mag-time zone. Gusto raw nitong makipag-showdown sa kanya sa Dance Dance Revolution. Pumayag naman siya. Siyempre, may pustahan. Kung sino ang manalo, siya ang masusunod sa susunod nilang lalaruin doon.
And so, pumwesto na sila at nagsimula na ang tugtog. Dahil dancer si Mariel, hindi siya nahirapan dito kahit na may talon-talon iyon. Si Michael man ay magaling din. Hindi ito sumasablay. Kaya naman pumalibot na sa kanila ang mga tao, bilib sa pinamalas nila. Palakpakan pa ang mga ito nang matapos ang isang game.
Regarding sa pustahan, si Michael ang nanalo. Nag-bow pa ito.
"So, paano ba 'yan, ako ang nanalo," nakakaloko pang sabi nito at umakbay sa kanya. Dinala siya nito sa game na may basketball ring. Paramihan naman ng mai-su-shoot. Mariel sucks at basketball kaya talo uli. Tumawa lang si Michael na ine-enjoy ang pagkatalo niya.
Ang sunod naman nilang game ay sa car racing. Pabilisan naman ang labanan. Nanalo si Mariel.
"Yes!" Tumalon-talon pa siya at binelatan si Michael. Natatawang ginulo lang nito ang buhok niya.
"So, saan tayo?"
"Sa karaoke!" excited niyang sabi. Siyempre, may evil plan siya.

"So, this is what you're planning," naiiling na sabi ni Michael. Loko talaga ang mahal niya.
"So, you're refusing me," tumatangong pag-conclude agad nito. "Oh, well, I understand sir. Sintunado pala ikaw."
"Excuse me sweetie but you don't know what you're talking about." He crossed his arms. "Baka di mo alam, women are falling in love with my voice."
"Prove it." Ibinigay nito ang microphone sa kanya, challenging him. And he never backed down on a challenge kaya tinanggap niya iyon.
"Ang puso mo, sweetheart, pakiingatan." Kumindat pa siya at pinindot na nito ang song number na nasa karaoke menu list.
Can't Lose You By F4
Sinimulan na niyang kumanta at simula pa lang, nabubulol na siya. He's really not familiar with the song nor the band. Hindi pa nakatulong na hindi English ang kanta kundi Chinese. Chinese! Ugh. Tinatawanan lang tuloy siya ni Mariel. Nang-aasar lang.
Lagot ito mamaya sa kanya.
Pagkalipas ng four minutes and thirty seven seconds niyang pagkakabulol-bulol ay nairaos din niya ang kanta. Ang lukaret niyang kasama, pinalakpakan pa siya at standing ovation pa. Sinakyan na lang niya ito at nag-bow dito.
"So, sweetie, how's the heart?"
OA naman nitong hinakawakan ang tiyan. "Nahulog yata dito, sir. Wait lang, ibabalik ko lang."
Natawa siya at kinuha niya ang menu list at naghanap ng kanta.
"So, alin sa dalawa? Ibabangon mo ang dignidad mo o gaganti ka sa akin?"
Kinurot lang niya ang pisngi nito. Then he found the song and give the mic to her.
"Ready to make me forget my name?"
"Di ba sa kiss lang sinasabi---" Hindi na tinuloy ni Mariel ang sasabihin nang ma-realize nito ang sinasabi. Natutop nito ang bibig nito.
Napangiti siya. "You want to kiss me?"
"Hindi no!" namumulang tanggi nito sabay snatch sa kanya ng mic.
Pinindot niya ang song number.
Kiss Me by Sixpence None the Richer
"Sir naman eh!"
"Backing out, I see."
"Hindi noh!" Inirapan siya nito at hinintay ang cue.
Oh... kiss me... out of the bearded barley
Darn! She has one sexy voice. It's feminine and RnBish. And it goes straight to his heart. He can't help but be mesmerized. And so, after three minutes and eleven seconds of heaven, he still can't get over it.
"Ano, sir, pakisabi nga sa akin kung anong pangalan mo."
"Ha?"
"Pangalan mo, sir," natatawang sabi nito. "Alam mo pa ba?"
"Huh? Of course."
Lalo itong natawa. "Uuuuyyyyy! Nainlababo sa boses ko."
"Sweetheart, matagal na akong in love sa 'yo. Ikaw lang naman ang hindi naniniwala diyan, eh."
"Huwag kang mag-alala sir, naniniwala na ako sa iyo."

"Talaga?!" Gustong matawa ni Mariel sa automatic na pagkislap ng mata ni Michael. Kung naiba lang ang sitwasyon, kakantyawan na niya ito nang bonggang bongga.
"Ayaw mo, sir? Eh di wag."
"Hindi, hindi. Gusto ko, siyempre."
"Very good," aniya na tinapik-tapik ang balikat nito. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong hilahin at yakapin nang mahigpit. Damang-dama niya ang init ng katawan nito at ang malakas na pintig ng puso nito. Maybe, nararamdaman din nito ang pagka-excite bigla ng heartbeat niya.
"K-kung makayakap ka naman, sir, parang sinagot kita."
Pinakawalan siya nito.
"Would you?"
"Kung sabihin kong hindi, titigilan mo na ba ako?"
"Of course not," anito. "Let's go, princess. Marami pa tayong games na lalaruin."
Ganyan nga, sir. Maghintay ka. Dalagang Pilipina yata ito.


------------


Kyaaaaa! Isang chapter na lang :D Thank you sa lahat ng nagtiyaga sa aking writing skills! Mga friends ko talaga kayo. I'm so touched ^______^

Tuesday, January 31, 2012

Pangarap Chronicles Scene 20.2: The First Official Date Part 2

Michael patiently waited for the orders to settle. Nang tanungin sila ng waiter kung meron pa silang kailangan ay agad siyang sumangot nang "None, that would be all. Thank you." Alam niyang tatakasan na naman siya ni Mariel kaya inunahan na niya ito.
"Why, Mariel?"
"Hindi mo ba ako pwedeng pakainin muna?"
"You can eat while talking to me."
"That's a bad table manner, sir."
Napailing siya. Kailan ba siya nanalo dito pagdating sa word war?
"I guess, you really have feelings for me," aniya. Bigla itong nabilaukan. Binigyan niya ito ng tubig. Tiningnan siya nito nang masama bagaman tinanggap nito ang baso na inabot niya. "Sorry."
"You should be."
"I had no choice. You won't talk to me about this."
"Hindi lang maalis ang hinala sa isip ko since nakita ko na may kahalikan kang sexy sa resort."
"It was just a kiss!"
"And there's Via."
"Bakit nasama na naman siya dito?"
"Dahil kasama naman siya dito. Siya ang dahilan kung bakit ka nagpunta sa resort. Para makawala ka na sa pagsintang pururot mo sa kanya. At yung actions mo sa resort, it shows how you're struggling."
"Another dose of that wild imagination of yours, I see."
"Kapag nasasama ko si Via sa usapan, 'yan na lang lagi ang sinasabi mo."
"Because you really have one."

Mariel groaned. Hindi niya kayang ispelengin ang isang ito. Binalingan na lang niya ang pagkain.
"So tatakasan mo na naman ako."
"Kung tatakasan kita, nagpaalam na sana akong pupunta sa CR tapos, pupuslit ako."
Natawa naman ito.
"Seryoso ako dun."
"Okay, sige, hindi na," pagsuko na lang nito. Then, they ate in silence, nagpapakiramdaman. Pero si Mariel rin ang unang sumuko.
"Iuuwi mo na ba ako pagkatapos nating kumain?"
He smiled. Yung smile na akala mo nang-aakit lang.
"Gusto mong iuwi na kita?"
"Bakit ba feeling ko iba ang ibig mong sabihin sa ibig kong sabihin?"
"Ano bang tingin mong ibig kong sabihin?" Kumislap na ang mga mata nito. Napaghahalataan ang kalokohan.
"Iniisip mo 'yan, kaya ikaw ang magsabi sa akin."
"It's just exactly what I've said, honey. Tinatanong lang kita kung gusto mo na bang iuwi kita."
Bago pa maka-reply si Mariel ay lumapit na sa kanilang babae.
"Hi, handsome," bati ng bagong dating.
Ano nga uling pangalan nito ni Sexy? Fe? Faith?
"Oh, hi Faye!" bati ni Michael dito.
Ahhh! Faye pala. So, anong ginagawa niya rito? May communication ba sila? Sabi na nga ba di dapat ako naniniwala dito sa Michael na 'to!
"So, it seems that I have to congratulate you or something." Si Michael ang kausap ng babae pero sinulyapan nito si Mariel.
Ngumiti lang si Michael.
"I think, it's too early for that."
"Oh, well, good luck then."
"W-wait lang po." Nabaling ang tingin ng dalawa sa kanya. "Pasensya na kung tsismosa pero bakit kailangang i-congratulate si sir? Well, I don't usually care pero nakita ko po kasi yung sulyap mo sa akin."
"You mean you still don't know?"

"Ano ang hindi ko alam?"
Lalong naguluhan si Mariel sa tinatakbo ng usapan. May secret ba ang dalawang ito? Ganun ba naging close ang mga ito para magtaguan ng sikreto?
Ugh!
"You mean, you're still not together?"
Umiling siya. "Dapat bang maging kami?"
"Oh, gosh!" Natawa ito. "Dapat ba akong maawa sa 'yo, Michael. You're obviously crazy for this girl!"
"I am."
"At least, you're admitting it already. About time, hotshot."
"Hindi ako maka-relate."
"Do I really need to spell it out for you? Michael here is thinking about you even when the time we were together. And it's kinda insulting."
And awkward.
"Anyway, it was nice meeting you again. Good luck, handsome."
Iyon lang at umalis na ito.
And there was awkward silence.

Sunday, January 29, 2012

Pangarap Chronicles Scene 20: The First Official Date Part 1

"Ano ba yan, bakla, makikita ka na nga lang namin sa TV, dahil pa sa di magandang bagay," pagrereklamo ng kaibigan niyang si Tess. Kasalukuyan niyang sinasamahan ito sa paghihintay sa boyfriend nitong varsity.
"Kasalanan ko pa pala na muntik na akong ma-rape," sarcastic niyang sabi. "Kasalanan ko bang ako ang naroon ng umiral ang pagka-L ng mga hayop na 'yun?"
"Teh, wala akong sinasabing ganyan," anito. "Ano palang balak mo dun?"
"Ano pa, eh di, idemanda sila."
"Hindi pa sila dumadalaw sa 'yo? You know, para sa out of court settlement? Di ba, anak nung congressman 'yung isa sa mga manyak?"
Nagkibit-balikat siya. Hinihintay nga rin niya ang kampo ng mga ito. Handa na ang makabagbag-damdamin niyang speech.
"Ayan na pala ang jowa mo," sabi niya nang matanaw ang boyfriend nito. Excited namang kumaway ang bruha.
"Bakit ba?" tanong nito nang makitang nakasimangot siya. Nagkibit-balikat na lang siya. Hindi niya sasabihin dito na parang tanga ang kaibigan niya sa sobrang pagkainlababo sa jowa nito. Oo, gwapo na ito at matangkad pero tama ba naman na para itong fan ng lalaki? Kumaway pa! Ugh!
"Kapag nagka-boyfriend ka na, maiintindihan mo rin ako," madramang sabi ni Tess na nabasa yata ang nasa isip ni Mariel.
"Yeah right," aniya at nag-roll eyes. Puro pasakit lang naman ang dala ng love na yan bakit pa niya susubukan?
Kung magsalita naman si Inday, akala mo hindi inlababo.
Hindi naman talaga eh.
Asus! Is that your final answer?
"Hi, Mariel!" bati sa kanya ng boyfriend ni Tess. Nakaakbay na ito sa kaibigan niya.
"Hello!" Natawa ang magjowa. Nagsimula nang maglakad ang mga ito patungong gate. Sumunod naman siya. "Bakit?"
 "Nakatulala ka na naman kasi."
"Sorry naman."
"Huwag mo kasing isipin 'yun," nakangising payo ng jowa. "Mahal ka nun, huwag kang mag-alala."
"Ay hindi ko alam na close pala kayo," sarcastic na sabi ni Mariel. Kaasaran niya ang boyfriend ni Tess. Para lang kasi itong si Neil.
"Ka-text ko kasi yun, di ba, babe?"
"Dinamay mo na naman ako sa kalokohan ninyo."
"And you love it!"
"I love it more when you kiss me."
"Mamaya na kayo maglandian pag wala na ako."
"Oo nga naman babe. Maawa tayo sa isa diyan na walang nagmamahal."
"Excuse me, Bernardo, ha! Mahal ako ng nanay ko."
Natawa uli ang dalawang ito.
"Ay, may artista?" Para kasing may pinagtitinginan ang mga tao sa labas ng gate. Hagikhikan pa ang mga babae.
"Sana si Enrique!" kilig na kilig na sabi ni Tess. Ang tinutukoy nito ay si Enrique Gil na crush nito ngayon. Sawa na raw ito kay Papa P.
"Nagseselos na ako, babe." Agad namang nag-inarte ang jowa nito. Nakapout pa.
"Ikaw naman, babe. Fling ko lang naman yun, eh. Ikaw ang mahal ko."
"Kilabutan nga kayo diyan!" ani Mariel sa mga ito at nag-walkout.
Napanganga siya nang makita kung sino ang nasa labas. Nilapitan niya iyon.
"Sir, anong ginagawa mo rito?"

Here we go again with the sir thing.
"Uy, Mariel, kilala mo pala siya?" Bago pa makasagot si Michael ay naunahan na siya ng isang babae na may kasamang lalaki. Mukhang kaibigan ito ni Mariel.
"Ah, oo," ani Mariel. "Sir, sina Tess at Bernardo. Tess, Bern, si sir Michael."
"Kumusta, pare?" Nakangiting nilahad ni Bernardo ang kamay nito sa kanya. Inabot niya iyon at nakipagkamay sa lalaki.
"Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala si Via," anang Tess. So, close nga ang mga ito kay Mariel.
"I'm not Via's brother," pagtatama niya.
"Oh! So anong ginagawa mo rito?"
"Sinusundo ang isang 'to," sagot niya sabay akbay kay Mariel. "May utang pa kasing date sa akin ito."
Siniko siya ni Mariel. Napangiti siya. Nakarinig naman siya ng singhap sa paligid sabay biglang lapit sa kanila ng ibang mga estudyanteng kanina pa siya pinagtitinginan.
"Mariel, boyfriend mo?!"
"OMG! He's hot!"
"Oy, punasan mo nga yang bibig mo, may laway!"
"So, kailangang maglapitan kayo," naiiling na sabi ni Mariel sabay kawala sa kanya. He didn't let her anyway and put his arms around her waist. Tiningnan siya nito nang masama. Nginitian lang niya ito.
"Punishment, sweetie!"
"Parusahan mo rin ako, kuya!"
"Kilabutan ka nga diyan, Mikaela!" singhal ni Mariel sa babae. "Una sa lahat, di ko boyfriend si SIR MICHAEL."
"Eh ano mo pala siya."
"Manliligaw." Siya na ang sumagot nang mag-alangan si Mariel.
"Mukhang di lang pala ang nanay mo ang nagmamahal sa 'yo."
"Shut up, Bernardo!"
"Uuuuy, namumula ang bata!"
"Tigilan ninyo nga ako," napipikong sabi ni Mariel. Binalingan siya nito. "Tara na nga, sir!"
Tumango siya kay Mariel at tinanguhan na rin ang mga kaibigan nito bilang pagpapaalam. "Nice meeting you, all."
Pagkuwa'y tumungo na sila patungong sasakyan niya.
"Uuuuyy, gustong masolo si Kuya!" pahabol pang tukso ni Bernardo. Binelatan lang ito ni Mariel na ikinatawa ng mga kaibigan nito.

"So, where do you wanna go?"
Narinig niya ang tanong pero hindi pinansin ni Mariel si Michael. Naiinis pa rin siya dito.
"Wanna go to my house?" Nagpatuloy ito. Hindi pa rin niya pinapansin ito. "Okay, dun tayo."
"Sa bahay ninyo?!" Hindi rin siya nakatiis.
"Yes, ma'am."
"Bakit?! Anong gagawin natin dun?"
"Magde-date."
"Sa bahay ninyo?!"
"E ayaw mo kasi akong sagutin so nag-decide na ako."
Ugh! Bakit feeling ko, naisahan niya ako?
"So, where do you wanna go?"
Naisahan nga ako.
"Sa kainan."
"Huh?"
"Nagugutom na ako."
"Shoot!"

"So, sir, baka gusto mo nang mag-explain."
Naka-settle na sila sa isang table na malayo sa ibang customers. Hinihintay na lang nila ang orders nila.
"It's starting to be an endearment."
"Ha?"
"The 'sir' thing," sabi naman nito. "You really like calling me that, huh."
Nagkibit-balikat lang siya.
"I like calling you 'sweetie' so I guess we're quits."
"Parang lugi ako naman ako diyan." Natawa lang si Michael. "Anyway, may utang ka pa sa aking explanation."
"Oh, that."
"Yes, that."
"Hindi ba pwedeng explanation na bigla na lang akong na-in love sa 'yo?" Ikinapula niya ang sinabi nito.
Nasaan na ba ang order namin?
"Why can't you accept it, Mariel?"
"Paano ko ba tatanggapin ang isang lalaking nagtatapat ng pag-ibig?"
Natahimik sila pareho. Mayamaya, nagsalita uli si Michael.
"Do you have feelings for me?"
"Don't you think it's still early for me to answer that?"
"Bakit ba hindi mo matanggap na may gusto ako sa 'yo at nililigawan na kita?"
Dumating ang waiter dala ang order nila.

Thursday, January 26, 2012

Pangarap Chronicles Scene 19: Doubts and Insecurities

"Ano na? Magkwento ka na diyan!" Nakamata lang si Mariel sa kilig na kilig na si Via. Kasalukuyan silang nasa kwarto nito. Kinidnap siya nito pag-uwi nila sa mansion. Kaya heto sila ngayon, nakaupo sa kama nito habang ang boylet nito ay nakatambay sa sala kasama ang manliligaw DAW niya.
"Ano naman ang ikukwento ko, teh?"
"Ano pa e di yung tungkol sa inyo ni Michael," anito. "I know you have a crush on him."
"Dati yun, ngayon..."
"Ngayon?"
"Hindi ko na alam." Napabuntong-hininga si Mariel. "Hindi ako naniniwala sa press release niya. Manliligaw daw eh may katukaan nga sa resort kahapon."
"You mean, you saw him kissing a girl?"
Tumango siya.
"At girl, nakakatibo 'yung babae sa sobrang seksi," aniya. Hindi niya pinahalata na bigla siyang inatake ng insecurity. "Nakanganga pa nga si Neil habang pinapanood namin ang kissing scene nila eh."
"The kiss was that hot?!"
Tumango siya.
"So, wala siyang pag-asa sa 'yo?"
Nagkibit-balikat siya. Hindi niya kasi ito masagot nang matino habang hindi niya pa alam kung ano ba talaga ang plano ng magaling niyang amu-amuhan. Kailangan muna niyang makausap ito.

Something's wrong.
Alam ni Via. Nararamdaman niya. It's not like it's her business to be nosy to someone else's love life but there is really something wrong. First, kahit noon pa, alam niyang Michael respects Mariel. Enough not to play with the latter's feelings. Besides, Michael might be a bit of a playboy but he is definitely not stupid to court the girl who saw him kissing with another girl! Saka nakita niya kung paanong tingnan nito sina Mariel at Neil kanina. Ugh! So it just doesn't make any sense to her.
You actually have options, Via. Either team Michael or nothing.
Napabuntong-hininga na lang siya. Looks like Mariel's love life will also be complicated like hers before.

Sa wakas, nagkasarilinan din si Mariel at ang manliligaw niya kuno. Inihatid niya ito sa labas ng mansion.
"May balak ka bang sabihin sa akin, sir?"
"Sir? Lahat ba ng nanliligaw sa 'yo, sir ang tawag mo?"
Tiningan niya lang si Michael. Naghihintay ng sasabihin nito. Pero sinalubong nito ang tingin niya. Ang nangyari, nagkaroon sila ng staring contest. Poker face lang siya samantalang si Michael ay parang enjoy na enjoy sa nangyayari. Nakangisi pa. Pero siya rin ang unang nagbaba ng tingin.
"Mariel---"
"Ano bang plano mo?" Tuluyan na siyang yumuko. "Bakit mo sinabing nanliligaw ka?"
"Ang plano ko?" Hinawakan ng lalaki ang baba niya upang iangat ang mukha niya. Involuntarily, napalunok si Mariel nang magtama ang mga paningin nila. "Ang ligawan ka."
"S-seryoso ka nga?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"H-Hindi p-pero---" Napailing si Mariel. Obvious naman kasing di pa ito nakaka-move on kay Via.
Pero hindi ka rin naman niya paglalaruan, girl. And you know it!
Ugh!
"May problema ba, sweetheart?"
"Tawagin mo ako sa pangalan ko," nakasimangot at namumula niyang sabi. "My name is Mariel. M-A-R-I-E-L."
Ngumisi lang ito. "I will if you call me by my name...sweetheart. It's Michael, M-I-C-H-A-E-L. Not sir."
Napakamot siya sa batok. Sabi na nga ba at iyon ang ibabato nito. Ugh! Huminga siya nang malalim.
"M-Michael." Lalo lumuwang ang pagkakangisi ng loko. Hinayaan na lang niya ito sa trip nito at nang hindi na kung saan-saan aabot ang usapan nila. "Tapatin mo nga ako. Ikaw ba nakamove on ka na kay Via o ano? Baka mamaya, kung anong plano ang nasa utak mo diyan, sabihin mo na sa akin, please."

"What?!" gulat na sabi ni Michael.
Seriously?! What the hell?!
"Ay, dude, halata ka kasi masyado," sarcastic na sabi ni Mariel na umiiling-iling pa. Seems like she got the wrong conclusion.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo."
"On the contrary, alam ko ang sinasabi ko," confident nitong sabi. "Para po sa inyong kaalaman, kung yelo lang si Via kanina, natunaw na siya sa sobrang pagkakatitig mo. And it makes sense dude. Kissing with a hot chick, flirting with me and other girls in the resort. Hay, napa-English tuloy ako."
"You really have a wide imagination."
"Maybe, but at least what I've said is the truth."
"It's not, Mariel. It might make sense to you but it's far from the truth."
"Really." That wasn't a question but a challenging statement. "But that's the most logical conclusion one can come up with."
"Maybe. If you didn't happen."
"Hindi ka ba nakikinig sa akin? Sinama ko po kaya ang sarili ko sa mga factors before I get into my conclusion," anito na pinamaywangan pa siya. Ang cute talaga nito.
"Then, wanna hear my side of the story?"
Mariel just looked at him, challenging him while slightly pouting her lips. It took him a lot of self-control not to grab her and kiss those pouting lips senselessly. Napangiti siya.
"But first, how about going out with me on a date."
Mariel blinked. "Pakiulit nga, sir."
Hay! Hindi rin matigas ang ulo ng isang ito.
"Niyayaya kitang makipag-date, sweetheart."

"Niyayaya mo akong makipag-date?" parang tanga lang na ulit ni Mariel. Ano na naman bang balak nitong Michael na 'to sa buhay? "Bakit?"
Tinitigan muna siya ng mga 10 seconds ni Michael saka tumawa. Nakasimangot na hinampas niya ito sa braso pero tila lalo pa itong natuwa at kumislap pa ang mga mata. May pagka-addict rin talaga.
"Bakit ba niyayayang makipagdate ang babae?" balik-tanong nito sa kanya. Lalo siyang napasimangot.
"Paano mapupunta sa pakikipagdate ang pagpapaliwanag sa akin ng side mo," naiiling niyang sabi. "Ang mabuti pa, umuwi ka na. Hindi rin naman ako papayagan ni Nanay, eh."
Napabuntong-hininga ito.
"Tama ka."
Tumango siya. "Ba-bye."
Amused na napangiti ito. "Can't wait to get away from me?"
"May sasabihin ka pa ba sa akin?" Ganoon ba ako ka-obvious?
"Meron pa nga." Tinitigan siya nito. Siya naman ay napatingin din dito. Hay, ang gwapo talaga nito. Talaga bang panliligaw nga ang intensyon nito sa kanya? Pwede ba siyang umasa kahit na malabo? Ano ba naman kasi ang magugustuhan nito sa kanya e latak lang naman siya kung ikukumpara kay Via o kahit dun sa sexy'ng Fay na yun.
O baka naman sasabihin na nito sa kanya ang plano nito. Naghintay pa siya sa sasabihin nito.
"Mariel, totoo 'yung sinabi ko kay Aling Tindeng sa ospital. I will pursue you and rest assured that my intentions are pure. Kaya sana, huwag mo akong itataboy palayo o iwasan gaya ng ginawa mo ngayon. Alam mo namang hindi kita sasaktan di ba?"
Tumango siya. In her heart, alam niya iyon. Kaduda-duda man ang intensyon nito, alam niyang hindi siya nito paglalaruan at sasaktan. Not intentionally.
"Pero di pa rin ako naniniwala na gusto mo akong ligawan."
"It's okay." Ngumiti ito. "It's enough for me to know that you won't push me away."

Monday, January 23, 2012

Pangarap Chronicles Scene 18: A Sudden Declaration

Matapos kumain, pinuntahan na nina Mariel at Tindeng ang mga kasama.
Mariel, ang mantra. Mind over matter...mind over matter...mind over---
"Mariel, huy!"
"Ay, matter!" nagulat niyang sabi. Pagkuwa'y hinampas niya si Gabriel na siyang tumawag sa kanya. "Bakit ka ba nanggugulat?"
"Trip," anito. Napailing na lang siya. Binalingan na lang niya si Neil na gising na pala. Nakangiting nilapitan niya ito.
"Yoh! Kumusta ang kapreng bakulaw?" H-in-yper-an niyang sadya ang pagbati dito. Naiiyak na naman kasi siya.
"Buhay pa naman," nakangiting sabi nito. "Kumusta naman ang bubwit?"
"Heto handa nang mangulit."
"Handa nang mangulit eh ano to." Dinampi nito ang hintuturo sa gilid ng mata niya at pinakita sa kanya.
"Pawis." Pumiyok na siya. Hindi kasi niya alam na naluluha na pala siya.
"Huwag ka ngang umiyak diyan, di naman ako namatay eh," mahinang sabi nito na hinaplos ang likod ng ulo niya. Hinampas niya ito, umiiyak na.
"Kailangan talagang sabihing muntik ka nang mamatay?!" singhal niya. Marahas na pinahid niya ang luhang naglandas sa pisngi niya saka niyakap ito.
"Talaga naman." Napabuntung-hininga na lang ito. "Payakap nga. Dali!"
"Demanding much?!" Pero niyakap niya si Neil at umiyak na nang todo. Drama queen na siguro ang tingin sa kanya ni sir Michael niya dahil natigil lang siya sa kakaiyak ng dumating sina Gabriel. Pero anong gagawin niya? Muntik nang mamatay ang kaibigan niya dahil sa kanya? Hindi niya kayang magpakahinahon sa ganoong sitwasyon.
At sa lahat ng pwedeng isipin, si sir pa. Namang buhay to oh!

Oh, sweetheart! Huwag mo naman siyang yakapin nang ganyan.
Yep. Michael is jealous. He has always been possessive. That's why he became a jerk to Gabriel before. And he didn't want it to happen again. Based from experience, it will just make the one he wants to stay away. It happened once and the history won't happen again.
Kaya pinipigilan niya ang pagnanais na hablutin si Mariel kay Neil. It won't do him any good. Lalo pa't close ang dalawang ito and Neil was the one who was with her when the shit happened. It's just like when Via was kidnapped and Gabriel was the one on her side...
Oh, darn! Do I have to go through this shit again? Si Neil ba this time ang makakalaban ko?

Nanlaki ang mga mata ni Neil ng magtama ang mga mata nila ni Michael. Bigla na lang eh.
Anak ng pating!
Lihim siyang napaungol. Bigla ay parang gusto niyang alisin ang pagkakayakap sa kanya. Ikaw ba naman ang tingnan nang masama pagkatapos ay biglang makikita mo sa mukha niya na nasasaktan ang kapwa mo lalaki, hindi ka ba maiilang? Aaminin niya, may gusto siya kay Mariel DATI. Ngayon, kaasaran at kaibigan na lang ang turing niya rito. Though, may mga times na ang ganda ganda nito sa paningin niya. Maganda naman kasi talaga ito. At ang mga tipo nito ang type niya.
Manhid ba siya talaga? May gusto pala itong Michael na ito kay Mariel. Kailan pa? Naisip niya ang mga pangyayari sa resort at napaungol siya.
Patay!
Kumawala sa yakap si Mariel.
"Okay ka lang ba?" concerned na tanong nito. Narinig siguro nito ang pag-ungol niya at akala ay nasaktan siya. Tumango naman siya pagkatapos ay sinimangutan ito.
"Ang pangit mong umiyak!"
Hinampas lang siya nito. At naramdaman niya ang pagtaas ng intensity ng titig sa kanila ni Michael. Naman talaga!
Anak ng pating! Mukhang kailangan ko na talaga ng girlfriend! Ugh!

Pagkalipas ng mga ilang saglit pa, may dumating uling bisita si Neil...
"Yoh! Wazz up, kiddo!" masiglang bati ni Tatang nang makarating na ito sa kama ni Neil. Kasama nito sina Junjun at ang mga magulang ng bata, sina tito George at tita Melanie. Si tito George pa nga ang magiging abogado ni Mariel.
"Eto, tang, buhay pa naman," nakangiting sagot naman ni Neil. Sinabunutan ito ni Mariel na hindi umalis sa tabi ng una.
"Nakita ko nga." Natawa naman si Tatang. "Kaya kinakarinyo brutal ka na naman nitong bubwit na katabi mo."
"Hindi karinyo brutal ang tawag diyan, tang," sarcastic na sabi ni Neil. "Torture po 'yan. Torture."
Torture na sa pangangarinyo brutal, torture pa sa killer eyes ni Michael. And to be honest, mas torture para kay Neil ang nagbabantang tingin sa kanya ng una.
"Kuya Neil, ate Mariel, sino po sila?" biglang sabat ni Junjun na tinuro pa sina Gabriel, Via at Nanay Tindeng.

Napatingin sina Tatang sa direksyong tinuro ni Junjun. At napatulala ito nang madayo ang tingin kay Tindeng. As in. Titig kung titig at nakanganga pa.
"Tang, baka matunaw ang nanay ko." Napatingin si Tatang kay Mariel.
"Pasensya na...anak..."
"Ang creepy mo, Tang ha," nakasimangot na sabi ni Mariel. Napakamot siya sa ulo nang muling ibaling ng lalaki ang tingin sa nanay niya. Ang nanay naman niya ay nag-iwas ng tingin, biglang nairita.
"Ayaw mo ba akong magiging tatay, pumpkin?" tanong nito. Inikot niya ang mga mata niya.
"Wala ka nang magagawa, Neng," nakangising sabi ni tito George. "Tinamaan si Tatang sa nanay mo."
"Tatang, lahat ng mga gustong manligaw na saklaw ng teritoryo ko, dumadaan sa akin."
Inulit ni Gabriel ang sinabi niya habang tinatapik ang balikat ni Michael.
"Narinig mo 'yun dude. Lahat ng mga gustong manligaw na saklaw ng teritoryo ko, dumadaan sa akin."
Hindi niya pinansin ang mga ito.
"Huwag kang mag-alala, future daughter," buong kumpiyansang sabi ni Tatang. "Papasa ako sa iyo."
"Weh?! Kaya mo ba kaming buhayin ng nanay ko?"
"Oh pare." Umepal uli si Gabriel. "Kaya mo raw ba silang buhayin ng nanay niya?"
"Oo naman, dude," sagot ni Michael. "I'm a very wealthy guy, you know."
"Bakit, sir? Tinamaan ka rin ba sa nanay ko?"
"Sweetie, I think you know the answer for that." Kumindat pa talaga si Michael.
"Yun yun eh!"
Umugong ang tuksuhan. Nahiya naman si Mariel lalo dahil ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya. Napasubsob tuloy siya sa kama. Si Michael naman ay amused na tiningnan siya.
"Hija, walang magagawa ang pagtatakip mo sa mukha mo," naaaliw na sabi tito George. "Pati tainga mo, pulang pula."
"I thought sina Neil at Mariel---"
"Utang na loob, tita Melanie, wala akong malisya sa bubwit na 'yan!" tila nanririmarim na sabi ni Neil.
"Well, now I know," naaaliw na sabi ni tito George.
"T-teka lang, Michael, nililigawan mo ang anak ko?"
"Tindeng, my love, hayaan mo na ang mga 'yan."
"Ikaw ba ang kausap ko, Procorpio?"

"Procorpio?!" maang na sabi nina Neil, Michael at Mariel. Napaangat pa ito sa pagkakasubsob.
"Bakit po ninyo alam ang name ng isa't isa?" maang na tanong ni Junjun. "Ako nga, hindi ko alam eh."
"Oo nga, bakit ninyo alam ang pangalan ng isa't isa?" nakangising tanong ni Mariel. Nakabawi na.
"At in fairness, ang bantot ng pangalan mo, Tang," pambubuska ni Neil. "Anong itatawag sa 'yo ni Aling Tindeng niyan? Procorps?"
Nag-appear sina Mariel at Neil.
"So, Tatang Procorps----pffft!" Natawa na rin ang lahat. Mayamaya, nagpatuloy si Mariel. "Sagutin mo ang tanong ko."
"Kung kaya kong buhayin ang aking my loves? Of course. I'm a very wealthy guy, too, you know."
"Very good, very good!"
"Tigilan ninyo nga ang kalokohan ninyo," pagsusungit ni Aling Tindeng. "At sagutin ninyo muna ang tanong ko."
Natahimik naman ang lahat.
"Michael, nililigawan mo ba ang anak ko o kasama na naman 'yan sa kagagahan ng anak?"
"Nay naman, hindi no!"
"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Pinandilatan ni Tindeng ang anak. "Michael, sagot."
Huminga muna nang malalim si Michael habang si Gabriel naman ay minasahe ang mga balikat nito. Siniko tuloy ito nang kanina pang nanahimik na si Via.
"Simula po ngayong araw na ito, opo, nililigawan ko na po ang anak ninyo," ani Michael pagkatapos ng ilang sandali. "And I won't stop until she says yes."
Napasinghap si Mariel sa deklarasyon na iyon ng sir Michael niya.

Sunday, January 8, 2012

Pangarap Chronicles Scene 17: A Misunderstanding, An Admission And A Plan

Agad na niyakap ni Tindeng ang kanyang anak. Kanina pa siya alalang-alala dito. Tiyak na takot na takot ito ngayon at kung hindi pa tumawag si Michael kay Gabriel ay hindi pa niya malalaman ang mga nangyari dito. Kailangan siya ng anak niya ngayon. Kaya iyong nakita niya, saka na lang niya ito uusisasin.

Hindi naman ganon ang trip ni Gabriel. Nung nagpaalam sa kanila ang ex ng asawa niya ay kinutuban na siya. Iba ang kinikilos nito sa dapat na kinikilos ng isang lalaki sa isang kakilala lang. Iba...may malisya. At ang masama, wala man lang kamalay-malay si Mariel.
Oh, not that he didn't trust Michael. He may not be close to him but Gabriel knows that the guy can be trusted. Pero mahirap na. Mayaman ito, gwapo pa kaya maraming babae ang tiyak na magkakandarapa dito. Bukod pa sa bali-balita ang pagiging emo nito sa opisina. Siyempre pa dahil sa asawa niya. Hindi naman siya papayag na magagamit si Mariel para sa isang rebound relationship. Masasaktan ito at hindi pwede iyon. Para na niyang kapatid ito.
Kaya by hook or by crook, kailangan niyang alamin ang feelings ni Michael para sa kaibigan niya.

Pareho lang ang nararamdaman ng asawa ni Gabriel na si Via. Alam niya dati pa na may crush si Mariel sa ex niya. Hindi nga lang niya alam ang kay Michael but there were times---when Michael was...winning her back--- that he will have this expression when they talked about Mariel a bit or when he saw her. It's like they have this private moment he cherished a lot or something. Get the picture? And the weird part is, she hadn't really saw them talked. Oh, except in her wedding. But it just happened once...
But she wasn't surprised when Michael kinda asked them about Mariel being with him in the resort. It is sort of...inevitable. She actually wondered if they are in a relationship or something. Maybe they are. The vibes were a give away. But it seemed so soon. Or maybe, it's a secret. Ugh?! Via would seriously find out.

"Mariel, anak, ayos ka lang ba?" Binasag ng tanong na iyon ni Tindeng ang katahimikan. Tumango naman ang anak niya.
"Mabuti naman you're alright," nakangiting sabi ni Via.
"Kumusta nga pala si Neil?" tanong naman ni Gabriel.
"Okay na raw siya sabi ng doctor." Si Michael ang sumagot.
"At salamat nga pala pare." Si Gabriel ulit. "Buti na lang tinawagan mo kami sa nangyari sa bubwit na ito. Pati na rin sa pagliligtas sa kanya at kay Neil."
"It's alright, dude," ani Michael. "I promised you right? Aalagaan ko 'yan."
"Kitang-kita nga eh." Ngumisi si Gabriel. Pinalo siya ni Mariel. "Bakit? Wala akong ibig sabihin dun."
"Alam kong meron," naiiling na sabi ni Mariel. "Kaya uunahan na kita, iyong nakita ninyo kanina, walang ibig sabihin iyon."
"Nakita namin? Meron ba?"
"'Ta mo 'to! Pakisipa nga ang asawa mo, Via."
Natawa lang si Via. Si Michael naman ay lihim na napailing. Sabi na nga ba. It's just a hug, though. It's not like he hugged Mariel because he wanted to but because the girl needed some comforting.
But that doesn't mean that you didn't like it.
Of course! Mariel's soft body so close to his? Darn! It just felt so right. He can't explain it but yeah, it felt right. And kinda addicting as well.
Hmmm, that's deep!
He ignored that annoying voice on his head. He's tired fighting it. He's fighting a losing battle anyway. Napatingin siya kay Via. Pinakiramdaman niya ang sarili kung may damdamin pa siya para dito. But there's nothing. It's kinda neutral. The usual emotions he had when she's around...they're not here. Not anymore.
Come to think of it. He hasn't thought about her all day. Okay, he mentioned moving to that annoying voice on his head but that is to argue. And the culprit? Guess what? It's not Via. It's Mariel!
"Wala na, dinala na ng engkanto si sir," narinig niyang sabi ni Mariel. Napalingon siya rito.

Sinasabi na nga ba. May gusto pa rin si sir Michael kay Via.
Ibang klase kasi ang titig nito kanina. Umaaraw lang ang peg na tila gustong manunaw. At ang tagal. Mga isang minuto rin at na-lost pa ito dahil kailangan pa niyang untagin. Ayaw sana niyang istorbohin ito sa uhm, pagtitig sa friendship niyang saksakan ng ganda pero ilang saglit lang, maghahamon na si Gabriel ng away.
Hay! Ang talino ko talaga! Buti na lang, buti na lang...
"Wala, tinatanong ka lang namin kung sinong pumatay kay Lapu Lapu."
"Didn't he die because of old age?"
"Eennngk! Wrong answer!" Hindi ba nito alam ang pinaka-common joke sa Pilipinas? Michael rolled his eyes.
Sorry naman, sir. Naistorbo ba ng corny kong joke ang pagbangla mo kay Via? (NOTE: sarcastic po siya)
"Okay, then what is the answer?" Parang pinagbibigyan lang siya nito sa tono ng pananalita ng among fake.
Ouch naman. Parang ang sarap umiyak.
"Yung kusinero, duh!" Pinaarte pa niya ang tono niya para di halatang bigla siyang nabadtrip dito. Natawa naman ang nasa paligid niya. Ginulo pa ni Michael ang buhok niya.
Ano ako, aso?!
"Ano, may joke ka pa ba diyan?" tanong ni Gabriel, pang-asar lang.
Oo na. Corny na joke ko.
"Wala na eh," kibit balikat niyang sabi. "Punta muna akong canteen, gutom na ako. 'Nay penge pong pera."
"Samahan na kita anak."
Patay tayo diyan.

Alam ni Tindeng na d-in-eny na ng anak niya ang tungkol sa kanila ni Michael pero hindi pa rin siya mapalagay. Nababahala siya sa kinikilos nito, idagdag pa ang nakita niya kanina. Kaya naman niyaya niya itong kumain na lang sa canteen kesa doon i-take out ang pagkain. Pumayag naman ito.
"Ako nga anak, tapatin mo---"
"Wala po, 'Nay. Promise."
"Hindi pa ako tapos."
Ngumuya muna ito bago sumagot. "Nay, obvious naman po ang tatanungin ninyo. Kung may relasyon kami ni sir Michael. At ang sagot po at isang malaking wala. Bold letters at caps lock pa po."
"Hindi 'yan ang tanong ko."
"Aahh." Tumango pa ito. "Wala po."
"O sige, ano ang dapat kong itanong."
"Kung may gusto ako kay sir Michael."
"Sigurado ka ba?"
"Opo naman!"
"Anak, sigurado ka bang wala kang gusto kay Michael?"
"Oo naman, 'Nay." Lalo siyang kinutuban. Hindi kasi ito tumingin sa kanya nang sinabi iyon. Kilala niya ang anak niya. May pagkalukaret ito pero hindi pa ito nagsisinungaling sa kanya. At kung magsinungaling man ito, mahahalata niya.
Diyos ko, anong gagawin ko sa anak kong 'to?
Hindi naman sa ayaw niya kay Michael. Mabait namang bata ito at mapagkakatiwalaan. Pero corny na kung corny, langit ang lupa ito at ang anak niya. Tiyak na sakit sa bangs at sakit sa puso lang ang mapapala ng anak niya. Ang mga mayayaman para lang sa mayayaman. Oo, sige, may exceptions sa rule pero di naman lahat exempted.

"Spill it out." Kanina pa di mapakali si Michael sa tinginan ng mag-asawa sa tabi niya. Kanina pa ang mga ito. Mula pa nung umalis si Mariel kasama ng nanay nito. "Alam kong may gusto kayong itanong sa akin."
"Uhm, about that..." Tila hindi malaman ni Via ang mga dapat sabihin. Napabuntong-hininga na lang si Michael. "We just wanna know if---you know---uhm---"
"Pare, gusto lang naming malaman kung totoo bang wala ngang namamagitan sa inyo ni Mariel," salo na ng asawa nito.
"Gabriel!"
"Via babes, 'yun din naman ang gusto mong itanong di ba?"
"But still---"
"Uhm, hindi ninyo narinig ang sinabi ni Mariel kanina?"
"Pare, lalaki rin ako," ani Gabriel.
"And your point is?"
"My point is this. Anong balak mo kay Mariel?"
"Balak?" Michael parroted.
"Nakita ko kanina ang titig mo sa asawa ko."
"What?!" This is crazy! Kelan niya tinitigan si Via? "Look, dude, I don't have feelings for your wife. Not anymore."
"W-wait lang---you told me you've moved on a long time ago!" That was Via. Hindi ito makapaniwala. Marahas na napahinga si Gabriel. While Michael just kept silent for a moment. Then he spoke.
"I just told you that so you won't be guilty," aniya. "You were my everything. You just can't expect me to forget about my feelings in a snap. In fact, I just realized it now. And I mean it this time. I don't love you anymore. Not the way I used to, at least."
"Is there someone new?"
Tumango siya. Of course there is. It was too fast that he didn't even realized she wrapped him with her little finger. Heck! Michael was sure she didn't even knew what she did to him. But he really didn't mind. He will have his revenge anyway. She will be his and she won't be able to get away.
His pretty little Mariel...

Anyare?
Bigla kasing tila kinabahan si Mariel. Iyong kabang umabot sa sikmura niya. Para tuloy may mga paruparo dun. Nawala tuloy ang concentration niya sa pagcha-chant habang kumakain.
Uminom siya ng tubig at huminga nang malalim.
Okay, Mariel. From the top. Iwasan si sir Michael. Mind over matter...mind over heart...mind over matter...mind over heart...