Sa kasalukuyan, Karen, ay inilalabas na ng pulisya sina Matt Camello, Henry Padilla, Kyle Hernandez at ang anak ni Cavite Representative Ferdinand Arguelles na si Dom Arguelles palabas ng korte. Pupunta na ang apat sa National Bilibid Prison dahil sa sentensya sa kanilang reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo sa kasong attempted rape, attempted murder at multiple counts of rape na isinampa ng mga babaeng napatunayang kanilang naagrabyado. Ito ay sa pangunguna ni Mariel Velasco...
"That's misleading," comment ni Michael habang pinapanood nila ang recorded video sa internet ng mga nangyari sa korte kahapon. Nasa sala sila ng mga sandaling iyon. Nagkibit-balikat lang si Mariel at kumuha ng jelly ace.
Naging sensational ang mga kasong isinampa nila ni Neil sa apat. Bukod kasi sa anak ng congressman ang isa doon ay naging daan iyon upang magkalakas ng loob ang ibang mga babaeng nabiktima ng mga ito upang magsampa ng kaso.
"At least, nanalo kami sa kaso," aniya habang binubuksan ang jelly ace gamit ang ngipin niya. "Saka, mga chunga-chunga lang ang mami-mislead."
"That's gross."
"Ang mang-mislead?"
"Hindi. Ang magsalita habang nagbubukas ng jelly ace."
Sinimangutan niya ito. "Nanliligaw ka pa lang, ang lakas mo nang manlait. Paano pa kaya pag sinagot na kita?"
Nakakalokong ngumisi ang lalaki. "Bakit malapit na ba?"
"Sana." Binelatan niya ito. "Kaya lang, I change my mind."
Magwo-walk out sana siya para mas dramatic ang effect nang bigla siyang hinila ni Michael. Na-off balance tuloy siya at napakapit dito. Hindi inaksaya ni Michael ang pagkakataong iyon at niyakap siya nito sa baywang, forcing her to sit down again. Nagpumiglas siya.
"Bitiwan mo nga ako!"
"Sabihin mo muna sa akin na boyfriend mo na ako."
"Kailangang ipilit?!"
"Sa 'yo na rin nanggaling na sasagutin mo na ako. Ano bang mapabilis natin ang process, sweetheart."
Hindi siya nakasagot. Tumigil na rin siya sa pagpiglas. Kahit kailan talaga pag nilalandi siya nito, hindi siya makapalag. At habang tumatagal, lumalala ang kalandian nito sa kanya.
"Sige na nga."
"A-anong sabi mo?" Of course, narinig ni Michael ang tatlong salitang sinambit ni Michael. Hindi siya bingi. Pero gusto lang niyang makatiyak kung tama ang pagkakaintindi niya sa simpleng tatlong salita na sinabi nito.
"Ay, hindi mo ba narinig?"
"Narinig ko pero gusto kong ulitin mo," aniya. "P-pwede ba?"
"Sige na nga."
"Ha?"
"Iyon yung sinabi ko," anito at kumawala sa kanya. Pero as usual, hindi niya ito hinayaan.
"So, ibig sabihin sinasagot mo na ako?"
"Ay hindi po sir," pilyang sabi nito. "Tinatanong ko po kayo."
"Ah, ganon!" Kiniliti niya ito. Tawa lang ito nang tawa. Alam niya kasi ang lahat ng ticklish spots nito.
"T-tama na!" Naiiyak na ito sa kakatawa. Isama pa ang hingal. Tumigil na siya.
"Ano nga? Ibig bang sabihin nito, you're now my girlfriend?"
"Ayaw mo ba?"
"Sweetheart!"
Hinalikan siya nito sa pisngi. "Alam mo, lalo kang gumagwapo kapag napu-frustrate ka na sa akin."
"Talaga?"
Mariel nodded, a wide smile in her lovely face. Then she pressed a kiss on his chin. Michael lovingly cupped her face with his hands, his smile reflected hers. This cutie pie yet naughty girl is finally his. He closed the distance and between them and kissed her on the lips.
Of course, it was a gentle one. His sweetheart was very innocent and it was her first kiss. But when she hesitantly and innocently kissed him back, he lost control. He let out a moan and deepened the kiss. His tongue exploring the sweetness of her mouth and he can't get enough of her.
When the kiss broke, Mariel buried her face on his neck. Michael can feel the hotness of her face. He chuckled. She's just so cute! Using his fingers, he lifted her chin. Natawa siya nang makitang pulang pula ang mukha nito. Hinampas siya nito at nag-pout. He chuckled again and pressed a light kiss on her pouting lips.
"You don't like it?" he teased. Lalo itong namula. Oh, this will be fun!
"K-Kailangan ko bang sagutin yan?" nakasimangot nitong tanong.
"You look cute when you're shy," aniya at niyakap ito nang mahigpit. "And you're so small. Perfect in my arms."
"Kailan ka pa naging poetic, sir?"
Sasagot sana siya nang may tumikhim. Agad na humiwalay sa kanya si Mariel.
"N-nay, Tatang, ang aga ninyo naman yata!" Ramdam man ni Mariel ang pag-iinit ng pisngi niya ay hinarap niya ang nanay niya at si Tatang na ngayon ay stepfather na niya. After three months of being a masugid na manliligaw, bumigay ang nanay niya at sinagot ito. After a month, nagpakasal ang dalawa. At ngayon ay nakatira na sila sa bahay nitong mala-mansion.
"So, pumpkin, anong ibig sabihin ng nakita namin ni Tindeng, my love?"
"Sana nagpaligoy-ligoy muna kayo," comment niya. "Anyway, uhm, s-sinagot ko na si sir M-Michael."
"Boyfriend mo na ako, sir pa rin ang tawag mo sa akin?"
"Kesa naman sweetheart!" Kunwari ay kinilabutan siya. "So gross!"
Natawa ito at hinalikan siya sa sentido. Pinaghiwalay sila ng naiiritang nanay niya.
"Pwede ba, huwag nga kayong mag-PDA sa harap ko," nakapamaywang nitong sabi. Nilapitan ito ni Tatang at inakbayan.
"Naiinggit ata ang aking my loves." Hinalikan nito sa pisngi ang nanay niya at nangisay siya kunwari sa kilig.
"Ang sweet naman!" aniya. "Baka mamaya, magkaroon pa ako ng kapatid niyan."
"Magtigil ka nga diyan, Mariel," saway ni Tindeng sa anak. Binalingan nito ang anak at ang boyfriend nito. "Kayong dalawa, alam ninyo naman siguro ang limitasyon ninyo. Michael, alagaan mo 'yang anak ko, ha. May pagkalukaluka 'yan pero mabait naman."
"Huwag po kayong mag-alala, tita. Ako pong bahala dito."
"Mabuti naman," ani Tatang. "O siya, dun muna kami sa kwarto at gagawa pa kami ng kapatid ni Mariel."
Napakamot sa batok si Mariel. "Kailangan pa ba talagang ipaalam ang mga ganyang detalye?"
Natawa lang ang mag-asawa at umalis na.
Pagkaalis ng mag-asawa ay agad na yumakap si Michael sa kasintahan.
"Sweetheart..."
"Hmmm?"
"Wala nang bawian, ha."
Gets agad ni Mariel ang statement na iyon.
"Oo naman," aniya sa boyfriend. "I'll tell you a secret."
"Ano 'yun?"
"Alam mo bang nung napatunayan ko na sincere ka sa akin, gusto na kitang sagutin? Mahal na kasi kita noon pa."
"Really?" tanong naman nito na pa-smack na hinalikan siya sa lips. Tumango siya. "Bakit?"
"Dalagang Pilipina po ako, sir," paliwanag niya. Sumandig siya sa dibdib nito. "Siyempre, kailangan kong magpakipot."
Natawa ito.
Marami pa siguro silang dadaanan na pagsubok na yayanig sa kanilang love life. Pero malalampasan nila siguro ang mga iyon. Sana ito na ang maging kasama niya sa habang buhay.
"Anong iniisip mo, sweetie?"
Ganon ba ako ka-transparent?
"Saka ko na sasabihin sa 'yo. Kapag andun na tayo sa next level."
"Are you talking about marriage?"
Tumango siya. "Masyado ba akong excited?"
"I have something to confess, sweetie," anito. "The day, I realized my love for you is the day I realized I want to be with you forever."
They stared each other in the eye and smiled.
That would be the day.
THE END
Thank you po sa lahat ng natiyagang sumubaybay at nag-comment sa aking ff na ito. Sana ay nagustuhan ninyo ang ilusyon kong love story nina Michael at Mariel. Hehehe!
1 comment:
yeeeeee mare!!its a happy ending:)kilig!!
Post a Comment