Sunday, January 29, 2012

Pangarap Chronicles Scene 20: The First Official Date Part 1

"Ano ba yan, bakla, makikita ka na nga lang namin sa TV, dahil pa sa di magandang bagay," pagrereklamo ng kaibigan niyang si Tess. Kasalukuyan niyang sinasamahan ito sa paghihintay sa boyfriend nitong varsity.
"Kasalanan ko pa pala na muntik na akong ma-rape," sarcastic niyang sabi. "Kasalanan ko bang ako ang naroon ng umiral ang pagka-L ng mga hayop na 'yun?"
"Teh, wala akong sinasabing ganyan," anito. "Ano palang balak mo dun?"
"Ano pa, eh di, idemanda sila."
"Hindi pa sila dumadalaw sa 'yo? You know, para sa out of court settlement? Di ba, anak nung congressman 'yung isa sa mga manyak?"
Nagkibit-balikat siya. Hinihintay nga rin niya ang kampo ng mga ito. Handa na ang makabagbag-damdamin niyang speech.
"Ayan na pala ang jowa mo," sabi niya nang matanaw ang boyfriend nito. Excited namang kumaway ang bruha.
"Bakit ba?" tanong nito nang makitang nakasimangot siya. Nagkibit-balikat na lang siya. Hindi niya sasabihin dito na parang tanga ang kaibigan niya sa sobrang pagkainlababo sa jowa nito. Oo, gwapo na ito at matangkad pero tama ba naman na para itong fan ng lalaki? Kumaway pa! Ugh!
"Kapag nagka-boyfriend ka na, maiintindihan mo rin ako," madramang sabi ni Tess na nabasa yata ang nasa isip ni Mariel.
"Yeah right," aniya at nag-roll eyes. Puro pasakit lang naman ang dala ng love na yan bakit pa niya susubukan?
Kung magsalita naman si Inday, akala mo hindi inlababo.
Hindi naman talaga eh.
Asus! Is that your final answer?
"Hi, Mariel!" bati sa kanya ng boyfriend ni Tess. Nakaakbay na ito sa kaibigan niya.
"Hello!" Natawa ang magjowa. Nagsimula nang maglakad ang mga ito patungong gate. Sumunod naman siya. "Bakit?"
 "Nakatulala ka na naman kasi."
"Sorry naman."
"Huwag mo kasing isipin 'yun," nakangising payo ng jowa. "Mahal ka nun, huwag kang mag-alala."
"Ay hindi ko alam na close pala kayo," sarcastic na sabi ni Mariel. Kaasaran niya ang boyfriend ni Tess. Para lang kasi itong si Neil.
"Ka-text ko kasi yun, di ba, babe?"
"Dinamay mo na naman ako sa kalokohan ninyo."
"And you love it!"
"I love it more when you kiss me."
"Mamaya na kayo maglandian pag wala na ako."
"Oo nga naman babe. Maawa tayo sa isa diyan na walang nagmamahal."
"Excuse me, Bernardo, ha! Mahal ako ng nanay ko."
Natawa uli ang dalawang ito.
"Ay, may artista?" Para kasing may pinagtitinginan ang mga tao sa labas ng gate. Hagikhikan pa ang mga babae.
"Sana si Enrique!" kilig na kilig na sabi ni Tess. Ang tinutukoy nito ay si Enrique Gil na crush nito ngayon. Sawa na raw ito kay Papa P.
"Nagseselos na ako, babe." Agad namang nag-inarte ang jowa nito. Nakapout pa.
"Ikaw naman, babe. Fling ko lang naman yun, eh. Ikaw ang mahal ko."
"Kilabutan nga kayo diyan!" ani Mariel sa mga ito at nag-walkout.
Napanganga siya nang makita kung sino ang nasa labas. Nilapitan niya iyon.
"Sir, anong ginagawa mo rito?"

Here we go again with the sir thing.
"Uy, Mariel, kilala mo pala siya?" Bago pa makasagot si Michael ay naunahan na siya ng isang babae na may kasamang lalaki. Mukhang kaibigan ito ni Mariel.
"Ah, oo," ani Mariel. "Sir, sina Tess at Bernardo. Tess, Bern, si sir Michael."
"Kumusta, pare?" Nakangiting nilahad ni Bernardo ang kamay nito sa kanya. Inabot niya iyon at nakipagkamay sa lalaki.
"Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala si Via," anang Tess. So, close nga ang mga ito kay Mariel.
"I'm not Via's brother," pagtatama niya.
"Oh! So anong ginagawa mo rito?"
"Sinusundo ang isang 'to," sagot niya sabay akbay kay Mariel. "May utang pa kasing date sa akin ito."
Siniko siya ni Mariel. Napangiti siya. Nakarinig naman siya ng singhap sa paligid sabay biglang lapit sa kanila ng ibang mga estudyanteng kanina pa siya pinagtitinginan.
"Mariel, boyfriend mo?!"
"OMG! He's hot!"
"Oy, punasan mo nga yang bibig mo, may laway!"
"So, kailangang maglapitan kayo," naiiling na sabi ni Mariel sabay kawala sa kanya. He didn't let her anyway and put his arms around her waist. Tiningnan siya nito nang masama. Nginitian lang niya ito.
"Punishment, sweetie!"
"Parusahan mo rin ako, kuya!"
"Kilabutan ka nga diyan, Mikaela!" singhal ni Mariel sa babae. "Una sa lahat, di ko boyfriend si SIR MICHAEL."
"Eh ano mo pala siya."
"Manliligaw." Siya na ang sumagot nang mag-alangan si Mariel.
"Mukhang di lang pala ang nanay mo ang nagmamahal sa 'yo."
"Shut up, Bernardo!"
"Uuuuy, namumula ang bata!"
"Tigilan ninyo nga ako," napipikong sabi ni Mariel. Binalingan siya nito. "Tara na nga, sir!"
Tumango siya kay Mariel at tinanguhan na rin ang mga kaibigan nito bilang pagpapaalam. "Nice meeting you, all."
Pagkuwa'y tumungo na sila patungong sasakyan niya.
"Uuuuyy, gustong masolo si Kuya!" pahabol pang tukso ni Bernardo. Binelatan lang ito ni Mariel na ikinatawa ng mga kaibigan nito.

"So, where do you wanna go?"
Narinig niya ang tanong pero hindi pinansin ni Mariel si Michael. Naiinis pa rin siya dito.
"Wanna go to my house?" Nagpatuloy ito. Hindi pa rin niya pinapansin ito. "Okay, dun tayo."
"Sa bahay ninyo?!" Hindi rin siya nakatiis.
"Yes, ma'am."
"Bakit?! Anong gagawin natin dun?"
"Magde-date."
"Sa bahay ninyo?!"
"E ayaw mo kasi akong sagutin so nag-decide na ako."
Ugh! Bakit feeling ko, naisahan niya ako?
"So, where do you wanna go?"
Naisahan nga ako.
"Sa kainan."
"Huh?"
"Nagugutom na ako."
"Shoot!"

"So, sir, baka gusto mo nang mag-explain."
Naka-settle na sila sa isang table na malayo sa ibang customers. Hinihintay na lang nila ang orders nila.
"It's starting to be an endearment."
"Ha?"
"The 'sir' thing," sabi naman nito. "You really like calling me that, huh."
Nagkibit-balikat lang siya.
"I like calling you 'sweetie' so I guess we're quits."
"Parang lugi ako naman ako diyan." Natawa lang si Michael. "Anyway, may utang ka pa sa aking explanation."
"Oh, that."
"Yes, that."
"Hindi ba pwedeng explanation na bigla na lang akong na-in love sa 'yo?" Ikinapula niya ang sinabi nito.
Nasaan na ba ang order namin?
"Why can't you accept it, Mariel?"
"Paano ko ba tatanggapin ang isang lalaking nagtatapat ng pag-ibig?"
Natahimik sila pareho. Mayamaya, nagsalita uli si Michael.
"Do you have feelings for me?"
"Don't you think it's still early for me to answer that?"
"Bakit ba hindi mo matanggap na may gusto ako sa 'yo at nililigawan na kita?"
Dumating ang waiter dala ang order nila.

2 comments:

Anonymous said...

nakorner ang mariel....
nkkktwa twag nla kay tang tatay procorps....

cge lng mariel pahrpan mo mna yang c mikel

Lhee said...

bwahahaha! natatawa rin ako sa procorps