Friday, February 3, 2012

Pangarap Chronicles Scene 20.3: The First Official Date Part 3

The awkward silence went on as they continued eating. Hanggang sa natapos sila, nagbayad at nakapunta sa sasakyan ni Michael.
Toot toot! Toot toot!
Napasulyap din si Michael kay Mariel habang nilalabas niya ang cellphone.
One Message Received
Tess:
hoy bakla, asan k n?
Nag-reply siya. At least, may magagawa siya.
Mariel: nsa lbas pa..bkit?
Tess: ksama mo si boylet?
Mariel: d ko boylet un pwede ba?
Tess: ok.
Tess: favor naman bakla, sabi kasi ng leader natin, kailangan daw nating bumili ng sariling book ng pedagogy of hope..hanap ka naman..pasensya na bakla, ikaw kasi ang mapera ngayon. babayaran ka namin, promise
Mariel: siya sige..saan ba ako makakahanap nun?
Tess: di ko rin alam bakla..alam ko lang wala siya sa national
Mariel: salamat sa napakauseful na info, teh. sige, akong bahala

"Sir." Pagkatapos ng ilang minutong internal battle at sulyap dito at sa cellphone, binasag din sa wakas ni Mariel ang katahimikan. Sa pamamagitan ng isang salita na may isang babay. Lumingon naman sa kanya si Michael sabay focus uli sa daan.
"Ibaba mo na lang ako dito," mahina niyang sabi. Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy siya. "May pinapahanap kasi sa akin si Tess para sa project namin."
"Sasamahan na kita."
"Kahit huwag na," aniya. Napakagat-labi siya. "Hindi ko rin alam kung saan hahanapin 'yung libro."
"The more na dapat kitang samahan," anito. "And no more arguments."
Tumango na lang siya.
"So, where to?"
"Sa Recto." Iyon lang naman ang alam niyang maraming bilihan ng libro. Siguro naman, meron yun dun.

"Meron pa bo kayong alam na bookstore dito?" Mixed emotions kung mixed emotions ang drama ni Mariel. Hiya kay Michael, pagod dahil sa kakalakad (pinapark niya rito ang kotse nito sa malapit na mall), frustration dahil hindi niya mahanap-hanap ang libro and more frustration dahil sa hiya kay Michael.
Hindi pa ito nagsasalita. Basta nakabuntot lang sa kanya.
"Ay, wala na 'Neng," anang tindera. Napabuntong-hininga na lang siya. Binalingan niya ang kasama niya.
"Pagod ka na ba, sir?"
"Don't mind me."
"Uwi ka na lang kaya," aniya. "Kaya ko na naman na."
"I said, don't mind me."
"Sungit," pabulong niyang sabi.
"What?"
"Sabi ko, baka sa SM meron."
"Let's go then."

And so, nagpunta sila sa SM. Dahil wala raw sa National Bookstore, ayon na rin kay Tess, nagpunta sila sa Powerbooks. Agad niyang in-approach ang staff.
"Miss, meron po kayong stock ng Pedagogy of Hope?"
"Saglit lang, ha, Miss," anito at pumunta sa monitor. Tin-ype nito ang book and presto, meron daw ayon sa monitor.
"Salamat naman!" excited na sabi ni Mariel sabay yakap kay Michael sa sobrang tuwa. Gumanti naman ito ng yakap na tinapik-tapik pa ang likod niya. Nang nakangiting nagtungo ang staff sa kinaroroonan ng libro ay naghiwalay sila upang sundan ito. Pero ang isang kamay ni Michael ay nakaakbay sa balikat niya.
Pero di niya pinansin. Patay-malisya lang. Baka mamaya kasi, magkailangan na naman sila at siyempre, kinikilig din siya. Feeling niya, secured na secured siya. At bango nito! Hanggang sa nabayaran na nila, di pa rin ito bumibitaw sa kanya.
Mabuti naman.

"Gutom ka na ba?" tanong ni Michael kay Mariel nang makalabas sila sa bookstore. Sa layo ng nilakad nila sa Recto, at sa SM na rin, baka pagod na ito. At gutom uli. At siyempre, ang main reason, gusto pa niyang makasama ito nang matagal.
Tiningala siya nito at nahihiyang tumango. She's so adorable!
"Saan mo gustong kumain?"
"Mcdo tayo," sagot naman nito. "Libre ko dahil mapera ako ngayon."
"Not gonna happen, sweetheart." He playfully pinched her nose. She frowned and tried to distance herself from him. But he didn't let her.
"Dali na!" Parang batang nag-pout pa ito at nagmamakaawang tumingin sa kanya. "Ikaw na nga ang sumagot sa pagkain kanina tapos ginawa pa kitang bodyguard sa Recto. Para makabawi naman ako sa 'yo."
"Kiss mo na lang ako para makabawi ka sa akin."
Natulala ito. Mayamaya ay namumulang nakayuko ito.
"Uwi na nga lang tayo."
"Wala nang bawian, sweetheart. Halika na't ililibre mo pa ako."
Nakangiting tumango ito.

Pagkatapos kumain ay nagyaya si Michael na mag-time zone. Gusto raw nitong makipag-showdown sa kanya sa Dance Dance Revolution. Pumayag naman siya. Siyempre, may pustahan. Kung sino ang manalo, siya ang masusunod sa susunod nilang lalaruin doon.
And so, pumwesto na sila at nagsimula na ang tugtog. Dahil dancer si Mariel, hindi siya nahirapan dito kahit na may talon-talon iyon. Si Michael man ay magaling din. Hindi ito sumasablay. Kaya naman pumalibot na sa kanila ang mga tao, bilib sa pinamalas nila. Palakpakan pa ang mga ito nang matapos ang isang game.
Regarding sa pustahan, si Michael ang nanalo. Nag-bow pa ito.
"So, paano ba 'yan, ako ang nanalo," nakakaloko pang sabi nito at umakbay sa kanya. Dinala siya nito sa game na may basketball ring. Paramihan naman ng mai-su-shoot. Mariel sucks at basketball kaya talo uli. Tumawa lang si Michael na ine-enjoy ang pagkatalo niya.
Ang sunod naman nilang game ay sa car racing. Pabilisan naman ang labanan. Nanalo si Mariel.
"Yes!" Tumalon-talon pa siya at binelatan si Michael. Natatawang ginulo lang nito ang buhok niya.
"So, saan tayo?"
"Sa karaoke!" excited niyang sabi. Siyempre, may evil plan siya.

"So, this is what you're planning," naiiling na sabi ni Michael. Loko talaga ang mahal niya.
"So, you're refusing me," tumatangong pag-conclude agad nito. "Oh, well, I understand sir. Sintunado pala ikaw."
"Excuse me sweetie but you don't know what you're talking about." He crossed his arms. "Baka di mo alam, women are falling in love with my voice."
"Prove it." Ibinigay nito ang microphone sa kanya, challenging him. And he never backed down on a challenge kaya tinanggap niya iyon.
"Ang puso mo, sweetheart, pakiingatan." Kumindat pa siya at pinindot na nito ang song number na nasa karaoke menu list.
Can't Lose You By F4
Sinimulan na niyang kumanta at simula pa lang, nabubulol na siya. He's really not familiar with the song nor the band. Hindi pa nakatulong na hindi English ang kanta kundi Chinese. Chinese! Ugh. Tinatawanan lang tuloy siya ni Mariel. Nang-aasar lang.
Lagot ito mamaya sa kanya.
Pagkalipas ng four minutes and thirty seven seconds niyang pagkakabulol-bulol ay nairaos din niya ang kanta. Ang lukaret niyang kasama, pinalakpakan pa siya at standing ovation pa. Sinakyan na lang niya ito at nag-bow dito.
"So, sweetie, how's the heart?"
OA naman nitong hinakawakan ang tiyan. "Nahulog yata dito, sir. Wait lang, ibabalik ko lang."
Natawa siya at kinuha niya ang menu list at naghanap ng kanta.
"So, alin sa dalawa? Ibabangon mo ang dignidad mo o gaganti ka sa akin?"
Kinurot lang niya ang pisngi nito. Then he found the song and give the mic to her.
"Ready to make me forget my name?"
"Di ba sa kiss lang sinasabi---" Hindi na tinuloy ni Mariel ang sasabihin nang ma-realize nito ang sinasabi. Natutop nito ang bibig nito.
Napangiti siya. "You want to kiss me?"
"Hindi no!" namumulang tanggi nito sabay snatch sa kanya ng mic.
Pinindot niya ang song number.
Kiss Me by Sixpence None the Richer
"Sir naman eh!"
"Backing out, I see."
"Hindi noh!" Inirapan siya nito at hinintay ang cue.
Oh... kiss me... out of the bearded barley
Darn! She has one sexy voice. It's feminine and RnBish. And it goes straight to his heart. He can't help but be mesmerized. And so, after three minutes and eleven seconds of heaven, he still can't get over it.
"Ano, sir, pakisabi nga sa akin kung anong pangalan mo."
"Ha?"
"Pangalan mo, sir," natatawang sabi nito. "Alam mo pa ba?"
"Huh? Of course."
Lalo itong natawa. "Uuuuyyyyy! Nainlababo sa boses ko."
"Sweetheart, matagal na akong in love sa 'yo. Ikaw lang naman ang hindi naniniwala diyan, eh."
"Huwag kang mag-alala sir, naniniwala na ako sa iyo."

"Talaga?!" Gustong matawa ni Mariel sa automatic na pagkislap ng mata ni Michael. Kung naiba lang ang sitwasyon, kakantyawan na niya ito nang bonggang bongga.
"Ayaw mo, sir? Eh di wag."
"Hindi, hindi. Gusto ko, siyempre."
"Very good," aniya na tinapik-tapik ang balikat nito. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong hilahin at yakapin nang mahigpit. Damang-dama niya ang init ng katawan nito at ang malakas na pintig ng puso nito. Maybe, nararamdaman din nito ang pagka-excite bigla ng heartbeat niya.
"K-kung makayakap ka naman, sir, parang sinagot kita."
Pinakawalan siya nito.
"Would you?"
"Kung sabihin kong hindi, titigilan mo na ba ako?"
"Of course not," anito. "Let's go, princess. Marami pa tayong games na lalaruin."
Ganyan nga, sir. Maghintay ka. Dalagang Pilipina yata ito.


------------


Kyaaaaa! Isang chapter na lang :D Thank you sa lahat ng nagtiyaga sa aking writing skills! Mga friends ko talaga kayo. I'm so touched ^______^

1 comment:

jak said...

mare!!kinikilig ako!kaso matatapos na pala?ay,happy and sad naman ako.gawa ka ulit ha!