Thursday, January 26, 2012

Pangarap Chronicles Scene 19: Doubts and Insecurities

"Ano na? Magkwento ka na diyan!" Nakamata lang si Mariel sa kilig na kilig na si Via. Kasalukuyan silang nasa kwarto nito. Kinidnap siya nito pag-uwi nila sa mansion. Kaya heto sila ngayon, nakaupo sa kama nito habang ang boylet nito ay nakatambay sa sala kasama ang manliligaw DAW niya.
"Ano naman ang ikukwento ko, teh?"
"Ano pa e di yung tungkol sa inyo ni Michael," anito. "I know you have a crush on him."
"Dati yun, ngayon..."
"Ngayon?"
"Hindi ko na alam." Napabuntong-hininga si Mariel. "Hindi ako naniniwala sa press release niya. Manliligaw daw eh may katukaan nga sa resort kahapon."
"You mean, you saw him kissing a girl?"
Tumango siya.
"At girl, nakakatibo 'yung babae sa sobrang seksi," aniya. Hindi niya pinahalata na bigla siyang inatake ng insecurity. "Nakanganga pa nga si Neil habang pinapanood namin ang kissing scene nila eh."
"The kiss was that hot?!"
Tumango siya.
"So, wala siyang pag-asa sa 'yo?"
Nagkibit-balikat siya. Hindi niya kasi ito masagot nang matino habang hindi niya pa alam kung ano ba talaga ang plano ng magaling niyang amu-amuhan. Kailangan muna niyang makausap ito.

Something's wrong.
Alam ni Via. Nararamdaman niya. It's not like it's her business to be nosy to someone else's love life but there is really something wrong. First, kahit noon pa, alam niyang Michael respects Mariel. Enough not to play with the latter's feelings. Besides, Michael might be a bit of a playboy but he is definitely not stupid to court the girl who saw him kissing with another girl! Saka nakita niya kung paanong tingnan nito sina Mariel at Neil kanina. Ugh! So it just doesn't make any sense to her.
You actually have options, Via. Either team Michael or nothing.
Napabuntong-hininga na lang siya. Looks like Mariel's love life will also be complicated like hers before.

Sa wakas, nagkasarilinan din si Mariel at ang manliligaw niya kuno. Inihatid niya ito sa labas ng mansion.
"May balak ka bang sabihin sa akin, sir?"
"Sir? Lahat ba ng nanliligaw sa 'yo, sir ang tawag mo?"
Tiningan niya lang si Michael. Naghihintay ng sasabihin nito. Pero sinalubong nito ang tingin niya. Ang nangyari, nagkaroon sila ng staring contest. Poker face lang siya samantalang si Michael ay parang enjoy na enjoy sa nangyayari. Nakangisi pa. Pero siya rin ang unang nagbaba ng tingin.
"Mariel---"
"Ano bang plano mo?" Tuluyan na siyang yumuko. "Bakit mo sinabing nanliligaw ka?"
"Ang plano ko?" Hinawakan ng lalaki ang baba niya upang iangat ang mukha niya. Involuntarily, napalunok si Mariel nang magtama ang mga paningin nila. "Ang ligawan ka."
"S-seryoso ka nga?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"H-Hindi p-pero---" Napailing si Mariel. Obvious naman kasing di pa ito nakaka-move on kay Via.
Pero hindi ka rin naman niya paglalaruan, girl. And you know it!
Ugh!
"May problema ba, sweetheart?"
"Tawagin mo ako sa pangalan ko," nakasimangot at namumula niyang sabi. "My name is Mariel. M-A-R-I-E-L."
Ngumisi lang ito. "I will if you call me by my name...sweetheart. It's Michael, M-I-C-H-A-E-L. Not sir."
Napakamot siya sa batok. Sabi na nga ba at iyon ang ibabato nito. Ugh! Huminga siya nang malalim.
"M-Michael." Lalo lumuwang ang pagkakangisi ng loko. Hinayaan na lang niya ito sa trip nito at nang hindi na kung saan-saan aabot ang usapan nila. "Tapatin mo nga ako. Ikaw ba nakamove on ka na kay Via o ano? Baka mamaya, kung anong plano ang nasa utak mo diyan, sabihin mo na sa akin, please."

"What?!" gulat na sabi ni Michael.
Seriously?! What the hell?!
"Ay, dude, halata ka kasi masyado," sarcastic na sabi ni Mariel na umiiling-iling pa. Seems like she got the wrong conclusion.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo."
"On the contrary, alam ko ang sinasabi ko," confident nitong sabi. "Para po sa inyong kaalaman, kung yelo lang si Via kanina, natunaw na siya sa sobrang pagkakatitig mo. And it makes sense dude. Kissing with a hot chick, flirting with me and other girls in the resort. Hay, napa-English tuloy ako."
"You really have a wide imagination."
"Maybe, but at least what I've said is the truth."
"It's not, Mariel. It might make sense to you but it's far from the truth."
"Really." That wasn't a question but a challenging statement. "But that's the most logical conclusion one can come up with."
"Maybe. If you didn't happen."
"Hindi ka ba nakikinig sa akin? Sinama ko po kaya ang sarili ko sa mga factors before I get into my conclusion," anito na pinamaywangan pa siya. Ang cute talaga nito.
"Then, wanna hear my side of the story?"
Mariel just looked at him, challenging him while slightly pouting her lips. It took him a lot of self-control not to grab her and kiss those pouting lips senselessly. Napangiti siya.
"But first, how about going out with me on a date."
Mariel blinked. "Pakiulit nga, sir."
Hay! Hindi rin matigas ang ulo ng isang ito.
"Niyayaya kitang makipag-date, sweetheart."

"Niyayaya mo akong makipag-date?" parang tanga lang na ulit ni Mariel. Ano na naman bang balak nitong Michael na 'to sa buhay? "Bakit?"
Tinitigan muna siya ng mga 10 seconds ni Michael saka tumawa. Nakasimangot na hinampas niya ito sa braso pero tila lalo pa itong natuwa at kumislap pa ang mga mata. May pagka-addict rin talaga.
"Bakit ba niyayayang makipagdate ang babae?" balik-tanong nito sa kanya. Lalo siyang napasimangot.
"Paano mapupunta sa pakikipagdate ang pagpapaliwanag sa akin ng side mo," naiiling niyang sabi. "Ang mabuti pa, umuwi ka na. Hindi rin naman ako papayagan ni Nanay, eh."
Napabuntong-hininga ito.
"Tama ka."
Tumango siya. "Ba-bye."
Amused na napangiti ito. "Can't wait to get away from me?"
"May sasabihin ka pa ba sa akin?" Ganoon ba ako ka-obvious?
"Meron pa nga." Tinitigan siya nito. Siya naman ay napatingin din dito. Hay, ang gwapo talaga nito. Talaga bang panliligaw nga ang intensyon nito sa kanya? Pwede ba siyang umasa kahit na malabo? Ano ba naman kasi ang magugustuhan nito sa kanya e latak lang naman siya kung ikukumpara kay Via o kahit dun sa sexy'ng Fay na yun.
O baka naman sasabihin na nito sa kanya ang plano nito. Naghintay pa siya sa sasabihin nito.
"Mariel, totoo 'yung sinabi ko kay Aling Tindeng sa ospital. I will pursue you and rest assured that my intentions are pure. Kaya sana, huwag mo akong itataboy palayo o iwasan gaya ng ginawa mo ngayon. Alam mo namang hindi kita sasaktan di ba?"
Tumango siya. In her heart, alam niya iyon. Kaduda-duda man ang intensyon nito, alam niyang hindi siya nito paglalaruan at sasaktan. Not intentionally.
"Pero di pa rin ako naniniwala na gusto mo akong ligawan."
"It's okay." Ngumiti ito. "It's enough for me to know that you won't push me away."

No comments: