Sunday, January 8, 2012

Pangarap Chronicles Scene 17: A Misunderstanding, An Admission And A Plan

Agad na niyakap ni Tindeng ang kanyang anak. Kanina pa siya alalang-alala dito. Tiyak na takot na takot ito ngayon at kung hindi pa tumawag si Michael kay Gabriel ay hindi pa niya malalaman ang mga nangyari dito. Kailangan siya ng anak niya ngayon. Kaya iyong nakita niya, saka na lang niya ito uusisasin.

Hindi naman ganon ang trip ni Gabriel. Nung nagpaalam sa kanila ang ex ng asawa niya ay kinutuban na siya. Iba ang kinikilos nito sa dapat na kinikilos ng isang lalaki sa isang kakilala lang. Iba...may malisya. At ang masama, wala man lang kamalay-malay si Mariel.
Oh, not that he didn't trust Michael. He may not be close to him but Gabriel knows that the guy can be trusted. Pero mahirap na. Mayaman ito, gwapo pa kaya maraming babae ang tiyak na magkakandarapa dito. Bukod pa sa bali-balita ang pagiging emo nito sa opisina. Siyempre pa dahil sa asawa niya. Hindi naman siya papayag na magagamit si Mariel para sa isang rebound relationship. Masasaktan ito at hindi pwede iyon. Para na niyang kapatid ito.
Kaya by hook or by crook, kailangan niyang alamin ang feelings ni Michael para sa kaibigan niya.

Pareho lang ang nararamdaman ng asawa ni Gabriel na si Via. Alam niya dati pa na may crush si Mariel sa ex niya. Hindi nga lang niya alam ang kay Michael but there were times---when Michael was...winning her back--- that he will have this expression when they talked about Mariel a bit or when he saw her. It's like they have this private moment he cherished a lot or something. Get the picture? And the weird part is, she hadn't really saw them talked. Oh, except in her wedding. But it just happened once...
But she wasn't surprised when Michael kinda asked them about Mariel being with him in the resort. It is sort of...inevitable. She actually wondered if they are in a relationship or something. Maybe they are. The vibes were a give away. But it seemed so soon. Or maybe, it's a secret. Ugh?! Via would seriously find out.

"Mariel, anak, ayos ka lang ba?" Binasag ng tanong na iyon ni Tindeng ang katahimikan. Tumango naman ang anak niya.
"Mabuti naman you're alright," nakangiting sabi ni Via.
"Kumusta nga pala si Neil?" tanong naman ni Gabriel.
"Okay na raw siya sabi ng doctor." Si Michael ang sumagot.
"At salamat nga pala pare." Si Gabriel ulit. "Buti na lang tinawagan mo kami sa nangyari sa bubwit na ito. Pati na rin sa pagliligtas sa kanya at kay Neil."
"It's alright, dude," ani Michael. "I promised you right? Aalagaan ko 'yan."
"Kitang-kita nga eh." Ngumisi si Gabriel. Pinalo siya ni Mariel. "Bakit? Wala akong ibig sabihin dun."
"Alam kong meron," naiiling na sabi ni Mariel. "Kaya uunahan na kita, iyong nakita ninyo kanina, walang ibig sabihin iyon."
"Nakita namin? Meron ba?"
"'Ta mo 'to! Pakisipa nga ang asawa mo, Via."
Natawa lang si Via. Si Michael naman ay lihim na napailing. Sabi na nga ba. It's just a hug, though. It's not like he hugged Mariel because he wanted to but because the girl needed some comforting.
But that doesn't mean that you didn't like it.
Of course! Mariel's soft body so close to his? Darn! It just felt so right. He can't explain it but yeah, it felt right. And kinda addicting as well.
Hmmm, that's deep!
He ignored that annoying voice on his head. He's tired fighting it. He's fighting a losing battle anyway. Napatingin siya kay Via. Pinakiramdaman niya ang sarili kung may damdamin pa siya para dito. But there's nothing. It's kinda neutral. The usual emotions he had when she's around...they're not here. Not anymore.
Come to think of it. He hasn't thought about her all day. Okay, he mentioned moving to that annoying voice on his head but that is to argue. And the culprit? Guess what? It's not Via. It's Mariel!
"Wala na, dinala na ng engkanto si sir," narinig niyang sabi ni Mariel. Napalingon siya rito.

Sinasabi na nga ba. May gusto pa rin si sir Michael kay Via.
Ibang klase kasi ang titig nito kanina. Umaaraw lang ang peg na tila gustong manunaw. At ang tagal. Mga isang minuto rin at na-lost pa ito dahil kailangan pa niyang untagin. Ayaw sana niyang istorbohin ito sa uhm, pagtitig sa friendship niyang saksakan ng ganda pero ilang saglit lang, maghahamon na si Gabriel ng away.
Hay! Ang talino ko talaga! Buti na lang, buti na lang...
"Wala, tinatanong ka lang namin kung sinong pumatay kay Lapu Lapu."
"Didn't he die because of old age?"
"Eennngk! Wrong answer!" Hindi ba nito alam ang pinaka-common joke sa Pilipinas? Michael rolled his eyes.
Sorry naman, sir. Naistorbo ba ng corny kong joke ang pagbangla mo kay Via? (NOTE: sarcastic po siya)
"Okay, then what is the answer?" Parang pinagbibigyan lang siya nito sa tono ng pananalita ng among fake.
Ouch naman. Parang ang sarap umiyak.
"Yung kusinero, duh!" Pinaarte pa niya ang tono niya para di halatang bigla siyang nabadtrip dito. Natawa naman ang nasa paligid niya. Ginulo pa ni Michael ang buhok niya.
Ano ako, aso?!
"Ano, may joke ka pa ba diyan?" tanong ni Gabriel, pang-asar lang.
Oo na. Corny na joke ko.
"Wala na eh," kibit balikat niyang sabi. "Punta muna akong canteen, gutom na ako. 'Nay penge pong pera."
"Samahan na kita anak."
Patay tayo diyan.

Alam ni Tindeng na d-in-eny na ng anak niya ang tungkol sa kanila ni Michael pero hindi pa rin siya mapalagay. Nababahala siya sa kinikilos nito, idagdag pa ang nakita niya kanina. Kaya naman niyaya niya itong kumain na lang sa canteen kesa doon i-take out ang pagkain. Pumayag naman ito.
"Ako nga anak, tapatin mo---"
"Wala po, 'Nay. Promise."
"Hindi pa ako tapos."
Ngumuya muna ito bago sumagot. "Nay, obvious naman po ang tatanungin ninyo. Kung may relasyon kami ni sir Michael. At ang sagot po at isang malaking wala. Bold letters at caps lock pa po."
"Hindi 'yan ang tanong ko."
"Aahh." Tumango pa ito. "Wala po."
"O sige, ano ang dapat kong itanong."
"Kung may gusto ako kay sir Michael."
"Sigurado ka ba?"
"Opo naman!"
"Anak, sigurado ka bang wala kang gusto kay Michael?"
"Oo naman, 'Nay." Lalo siyang kinutuban. Hindi kasi ito tumingin sa kanya nang sinabi iyon. Kilala niya ang anak niya. May pagkalukaret ito pero hindi pa ito nagsisinungaling sa kanya. At kung magsinungaling man ito, mahahalata niya.
Diyos ko, anong gagawin ko sa anak kong 'to?
Hindi naman sa ayaw niya kay Michael. Mabait namang bata ito at mapagkakatiwalaan. Pero corny na kung corny, langit ang lupa ito at ang anak niya. Tiyak na sakit sa bangs at sakit sa puso lang ang mapapala ng anak niya. Ang mga mayayaman para lang sa mayayaman. Oo, sige, may exceptions sa rule pero di naman lahat exempted.

"Spill it out." Kanina pa di mapakali si Michael sa tinginan ng mag-asawa sa tabi niya. Kanina pa ang mga ito. Mula pa nung umalis si Mariel kasama ng nanay nito. "Alam kong may gusto kayong itanong sa akin."
"Uhm, about that..." Tila hindi malaman ni Via ang mga dapat sabihin. Napabuntong-hininga na lang si Michael. "We just wanna know if---you know---uhm---"
"Pare, gusto lang naming malaman kung totoo bang wala ngang namamagitan sa inyo ni Mariel," salo na ng asawa nito.
"Gabriel!"
"Via babes, 'yun din naman ang gusto mong itanong di ba?"
"But still---"
"Uhm, hindi ninyo narinig ang sinabi ni Mariel kanina?"
"Pare, lalaki rin ako," ani Gabriel.
"And your point is?"
"My point is this. Anong balak mo kay Mariel?"
"Balak?" Michael parroted.
"Nakita ko kanina ang titig mo sa asawa ko."
"What?!" This is crazy! Kelan niya tinitigan si Via? "Look, dude, I don't have feelings for your wife. Not anymore."
"W-wait lang---you told me you've moved on a long time ago!" That was Via. Hindi ito makapaniwala. Marahas na napahinga si Gabriel. While Michael just kept silent for a moment. Then he spoke.
"I just told you that so you won't be guilty," aniya. "You were my everything. You just can't expect me to forget about my feelings in a snap. In fact, I just realized it now. And I mean it this time. I don't love you anymore. Not the way I used to, at least."
"Is there someone new?"
Tumango siya. Of course there is. It was too fast that he didn't even realized she wrapped him with her little finger. Heck! Michael was sure she didn't even knew what she did to him. But he really didn't mind. He will have his revenge anyway. She will be his and she won't be able to get away.
His pretty little Mariel...

Anyare?
Bigla kasing tila kinabahan si Mariel. Iyong kabang umabot sa sikmura niya. Para tuloy may mga paruparo dun. Nawala tuloy ang concentration niya sa pagcha-chant habang kumakain.
Uminom siya ng tubig at huminga nang malalim.
Okay, Mariel. From the top. Iwasan si sir Michael. Mind over matter...mind over heart...mind over matter...mind over heart...

4 comments:

jak said...

mare!!nice!!:))

Anonymous said...

Anyare.....

Iwasan na naman toooooo

pnphrpan lng nla arili nlang dlwa...

-Blue♥

JulianaRoberta said...

nice eksena lang ang magasawa.. hahha..

i wonder kung kasama dito si Thadeus.. wala lang i remember na i was wishing thadeus and mariel nung may MSP pa.. may titigan moment kasi un dati na pansin na pansin ko.. hhaha..

good job, writer! :DD

Lhee said...

jak ---> salamat mare :D

blue ---> sadista kasi ang writer :P

thanatos ---> pinag-iisipan ko nga kung isasali ko si thadeus. pwede siyang bagong pang-asar kay michael :P