Monday, January 23, 2012

Pangarap Chronicles Scene 18: A Sudden Declaration

Matapos kumain, pinuntahan na nina Mariel at Tindeng ang mga kasama.
Mariel, ang mantra. Mind over matter...mind over matter...mind over---
"Mariel, huy!"
"Ay, matter!" nagulat niyang sabi. Pagkuwa'y hinampas niya si Gabriel na siyang tumawag sa kanya. "Bakit ka ba nanggugulat?"
"Trip," anito. Napailing na lang siya. Binalingan na lang niya si Neil na gising na pala. Nakangiting nilapitan niya ito.
"Yoh! Kumusta ang kapreng bakulaw?" H-in-yper-an niyang sadya ang pagbati dito. Naiiyak na naman kasi siya.
"Buhay pa naman," nakangiting sabi nito. "Kumusta naman ang bubwit?"
"Heto handa nang mangulit."
"Handa nang mangulit eh ano to." Dinampi nito ang hintuturo sa gilid ng mata niya at pinakita sa kanya.
"Pawis." Pumiyok na siya. Hindi kasi niya alam na naluluha na pala siya.
"Huwag ka ngang umiyak diyan, di naman ako namatay eh," mahinang sabi nito na hinaplos ang likod ng ulo niya. Hinampas niya ito, umiiyak na.
"Kailangan talagang sabihing muntik ka nang mamatay?!" singhal niya. Marahas na pinahid niya ang luhang naglandas sa pisngi niya saka niyakap ito.
"Talaga naman." Napabuntung-hininga na lang ito. "Payakap nga. Dali!"
"Demanding much?!" Pero niyakap niya si Neil at umiyak na nang todo. Drama queen na siguro ang tingin sa kanya ni sir Michael niya dahil natigil lang siya sa kakaiyak ng dumating sina Gabriel. Pero anong gagawin niya? Muntik nang mamatay ang kaibigan niya dahil sa kanya? Hindi niya kayang magpakahinahon sa ganoong sitwasyon.
At sa lahat ng pwedeng isipin, si sir pa. Namang buhay to oh!

Oh, sweetheart! Huwag mo naman siyang yakapin nang ganyan.
Yep. Michael is jealous. He has always been possessive. That's why he became a jerk to Gabriel before. And he didn't want it to happen again. Based from experience, it will just make the one he wants to stay away. It happened once and the history won't happen again.
Kaya pinipigilan niya ang pagnanais na hablutin si Mariel kay Neil. It won't do him any good. Lalo pa't close ang dalawang ito and Neil was the one who was with her when the shit happened. It's just like when Via was kidnapped and Gabriel was the one on her side...
Oh, darn! Do I have to go through this shit again? Si Neil ba this time ang makakalaban ko?

Nanlaki ang mga mata ni Neil ng magtama ang mga mata nila ni Michael. Bigla na lang eh.
Anak ng pating!
Lihim siyang napaungol. Bigla ay parang gusto niyang alisin ang pagkakayakap sa kanya. Ikaw ba naman ang tingnan nang masama pagkatapos ay biglang makikita mo sa mukha niya na nasasaktan ang kapwa mo lalaki, hindi ka ba maiilang? Aaminin niya, may gusto siya kay Mariel DATI. Ngayon, kaasaran at kaibigan na lang ang turing niya rito. Though, may mga times na ang ganda ganda nito sa paningin niya. Maganda naman kasi talaga ito. At ang mga tipo nito ang type niya.
Manhid ba siya talaga? May gusto pala itong Michael na ito kay Mariel. Kailan pa? Naisip niya ang mga pangyayari sa resort at napaungol siya.
Patay!
Kumawala sa yakap si Mariel.
"Okay ka lang ba?" concerned na tanong nito. Narinig siguro nito ang pag-ungol niya at akala ay nasaktan siya. Tumango naman siya pagkatapos ay sinimangutan ito.
"Ang pangit mong umiyak!"
Hinampas lang siya nito. At naramdaman niya ang pagtaas ng intensity ng titig sa kanila ni Michael. Naman talaga!
Anak ng pating! Mukhang kailangan ko na talaga ng girlfriend! Ugh!

Pagkalipas ng mga ilang saglit pa, may dumating uling bisita si Neil...
"Yoh! Wazz up, kiddo!" masiglang bati ni Tatang nang makarating na ito sa kama ni Neil. Kasama nito sina Junjun at ang mga magulang ng bata, sina tito George at tita Melanie. Si tito George pa nga ang magiging abogado ni Mariel.
"Eto, tang, buhay pa naman," nakangiting sagot naman ni Neil. Sinabunutan ito ni Mariel na hindi umalis sa tabi ng una.
"Nakita ko nga." Natawa naman si Tatang. "Kaya kinakarinyo brutal ka na naman nitong bubwit na katabi mo."
"Hindi karinyo brutal ang tawag diyan, tang," sarcastic na sabi ni Neil. "Torture po 'yan. Torture."
Torture na sa pangangarinyo brutal, torture pa sa killer eyes ni Michael. And to be honest, mas torture para kay Neil ang nagbabantang tingin sa kanya ng una.
"Kuya Neil, ate Mariel, sino po sila?" biglang sabat ni Junjun na tinuro pa sina Gabriel, Via at Nanay Tindeng.

Napatingin sina Tatang sa direksyong tinuro ni Junjun. At napatulala ito nang madayo ang tingin kay Tindeng. As in. Titig kung titig at nakanganga pa.
"Tang, baka matunaw ang nanay ko." Napatingin si Tatang kay Mariel.
"Pasensya na...anak..."
"Ang creepy mo, Tang ha," nakasimangot na sabi ni Mariel. Napakamot siya sa ulo nang muling ibaling ng lalaki ang tingin sa nanay niya. Ang nanay naman niya ay nag-iwas ng tingin, biglang nairita.
"Ayaw mo ba akong magiging tatay, pumpkin?" tanong nito. Inikot niya ang mga mata niya.
"Wala ka nang magagawa, Neng," nakangising sabi ni tito George. "Tinamaan si Tatang sa nanay mo."
"Tatang, lahat ng mga gustong manligaw na saklaw ng teritoryo ko, dumadaan sa akin."
Inulit ni Gabriel ang sinabi niya habang tinatapik ang balikat ni Michael.
"Narinig mo 'yun dude. Lahat ng mga gustong manligaw na saklaw ng teritoryo ko, dumadaan sa akin."
Hindi niya pinansin ang mga ito.
"Huwag kang mag-alala, future daughter," buong kumpiyansang sabi ni Tatang. "Papasa ako sa iyo."
"Weh?! Kaya mo ba kaming buhayin ng nanay ko?"
"Oh pare." Umepal uli si Gabriel. "Kaya mo raw ba silang buhayin ng nanay niya?"
"Oo naman, dude," sagot ni Michael. "I'm a very wealthy guy, you know."
"Bakit, sir? Tinamaan ka rin ba sa nanay ko?"
"Sweetie, I think you know the answer for that." Kumindat pa talaga si Michael.
"Yun yun eh!"
Umugong ang tuksuhan. Nahiya naman si Mariel lalo dahil ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya. Napasubsob tuloy siya sa kama. Si Michael naman ay amused na tiningnan siya.
"Hija, walang magagawa ang pagtatakip mo sa mukha mo," naaaliw na sabi tito George. "Pati tainga mo, pulang pula."
"I thought sina Neil at Mariel---"
"Utang na loob, tita Melanie, wala akong malisya sa bubwit na 'yan!" tila nanririmarim na sabi ni Neil.
"Well, now I know," naaaliw na sabi ni tito George.
"T-teka lang, Michael, nililigawan mo ang anak ko?"
"Tindeng, my love, hayaan mo na ang mga 'yan."
"Ikaw ba ang kausap ko, Procorpio?"

"Procorpio?!" maang na sabi nina Neil, Michael at Mariel. Napaangat pa ito sa pagkakasubsob.
"Bakit po ninyo alam ang name ng isa't isa?" maang na tanong ni Junjun. "Ako nga, hindi ko alam eh."
"Oo nga, bakit ninyo alam ang pangalan ng isa't isa?" nakangising tanong ni Mariel. Nakabawi na.
"At in fairness, ang bantot ng pangalan mo, Tang," pambubuska ni Neil. "Anong itatawag sa 'yo ni Aling Tindeng niyan? Procorps?"
Nag-appear sina Mariel at Neil.
"So, Tatang Procorps----pffft!" Natawa na rin ang lahat. Mayamaya, nagpatuloy si Mariel. "Sagutin mo ang tanong ko."
"Kung kaya kong buhayin ang aking my loves? Of course. I'm a very wealthy guy, too, you know."
"Very good, very good!"
"Tigilan ninyo nga ang kalokohan ninyo," pagsusungit ni Aling Tindeng. "At sagutin ninyo muna ang tanong ko."
Natahimik naman ang lahat.
"Michael, nililigawan mo ba ang anak ko o kasama na naman 'yan sa kagagahan ng anak?"
"Nay naman, hindi no!"
"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Pinandilatan ni Tindeng ang anak. "Michael, sagot."
Huminga muna nang malalim si Michael habang si Gabriel naman ay minasahe ang mga balikat nito. Siniko tuloy ito nang kanina pang nanahimik na si Via.
"Simula po ngayong araw na ito, opo, nililigawan ko na po ang anak ninyo," ani Michael pagkatapos ng ilang sandali. "And I won't stop until she says yes."
Napasinghap si Mariel sa deklarasyon na iyon ng sir Michael niya.

3 comments:

jak said...

yeeeeeeeee!!!!kilig!!!at last!!may formal courtship nang mangyayari!!!i cant wait!!mare!!!next chapter na!!!

JulianaRoberta said...

oh may gas! un lang ang makokoment ko sa chapter na to.. :)

update agad! #demandingLANG. :P

Lhee said...

may next na :)