Friday, January 6, 2012

Pangarap Chronicles Scene 16: Knight In Shining Armour

"Pumps, costume mo." Agad na tinanggap ni Mariel ang paperbag na bigay ni Tatang Shark. Iyon din ang costume niya kanina.
"Samahan mo 'kong magbihis," ungot niya kay Neil.
"Ang arte mo talaga," naiiling naman nitong sabi.
"Eeeehhh! Sige na!"
"Heto na nga, nanginginig pa."
"Weh?! Bakit hindi ka nanginginig diyan? Manginig ka na."
Sumunod naman si Neil. Nagmukha itong human cellphone na nagba-vibrate. Tawa naman nang tawa si Mariel pati na rin si Junjun at ang tatang. Si Michael ay ngumiti lang para hindi masabing hindi siya naki-join sa kalokohan ng dalawa.
Nang umalis ang dalawa ay in-interrogate si Michael ni Tatang.
"So, pretty boy, anong meron sa inyo ni Mariel?" Hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa. Inaasahan naman na ni Michael ang tanong nito.
"What do you mean, sir?" Siyempre, kunwari maang-maangan.
"Huwag mo akong ganyanin, pretty boy," naiiling nitong sabi. "Mga style ninyong mga bata kayo, bulok."
"Sir, there's nothing going on between me and Mariel," aniya. "She's just---"
Teka lang? Ano nga ba niya si Mariel? Maid ng ex niya?
"She's just..."
"An acquaintance."
No, no, no! They're definitely on a higher level.
Friends?
Hmm..are they? Ngayon lang niya ito nakasama nang matagal-tagal. Marami pa siyang di alam dito at gayun din ito sa kanya. But he's really comfortable with her. And he feels like he can he can tell her his life or something. At alam niya sa sarili niya na kung hihingi ito ng tulong sa kanya, gagawin niya ang makakaya niya upang matulungan ito.
"Pretty boy, is that your final answer?"
"Huh?"
Napatawa si Junjun. Binuhat naman ito ni Tatang.
"Nawala ka agad sa sirkulasyon, tinatanong lang naman kita," naiiling na sabi nito.
Magsasalita sana siya nang may marinig silang sigaw.
Shit! That's Mariel!
Walang sali-salitang tumakbo siya sa direksyon na pinuntahan nito at ni Neil.

"Hi, sexy!" Pilit na ngiti ang isinukli ni Mariel sa mga nakasalubong nila ni Neil. Makakalaban nila ang mga iyon sa showdown. Hindi niya gusto ang tingin ng mga ito sa kanya lalo na nang pinasadahan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa saka ngumisi.
"Halika na, Neil," sabi niya sa kasama na nakatiim na tumango. Ngunit hinarangan sila ng mga lalaki. "Padaanin ninyo kami."
"Aba! Matapang si sexy!" sabi ng isa. Hinablot nito ang kamay niya at napatili siya agad. "Mas gusto ko 'yan!"
"Pare, wag mong bastusin ang kasama ko," banta ni Neil dito na kinuha ang isa niyang kamay at hinila palayo sa manyak na lalaki.
"Huwag kang makialam dito, pare!" Napatili siya nang biglang sinuntok nito si Neil. Siyempre, gumanti naman ito. Nakita yata ng mga manyak na kayang lumaban ni Neil kaya sinaksak na ang huli. Napauklo ito, sapo ang sikmurang nasaksak.
"Tulong!" Nagsisigaw na siya. Bakit ba hindi niya nadala ang cellphone niya?  "Tulungan ninyo kami!"
"Huwag kang maingay diyan!" Nagulat siya nang biglang sampalin siya ng isa. Malakas iyon, parang sapak. Napatumba siya sa daan.
"M-mariel..." Gusto man siyang tulungan ni Neil pero hindi niya magawa. Masakit masyado ang pagkakasaksak sa kanya. Malapit na siyang mawalan ng ulirat. At trip na trip pa ng mga lalaki na pagtatadyakan siya...
Putris naman, oh!
"Pwede nang kama 'to," anang lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Mariel nang maghubad na ito ng T-shirt. Gusto niyang tumayo pero nanginginig ang mga tuhod niya. Sinulyapan niya si Neil. Napaiyak na siya sa takot nang makitang nakahandusay na ito sa sahig.  "Huwag kang mag-alala sexy, mag-e-enjoy ka rin naman."
Bato, kahit anong pwedeng sandata! Diyos ko, tulungan Ninyo kami ni Neil.
Susunggaban na siya nito nang makakapa siya ng mga maliliit na bato. Agad niyang binato ang mga iyon sa mukha nito. Napamura ito sa sakit. Doon niya nakuha ang lakas niya. Tumayo siya at sinipa ang pagkalalaki nito. Pero bago siya makatakbo para makahingi ng tulong ay sinunggaban agad siya ng isa dalawang nagmamasid lang at tinakpan ang bibig niya. Ang isa naman ay tinulungan ang nanunggab sa kanya.
"Putang ina mong babae ka!" Galit na galit ito. "Dalhin yan sa sasakyan! Yung kasama niya, idispatsa na ninyo."
Kayo na pong bahala...
Pero hindi pa sila nakakahakbang nang biglang may tumadyak sa pinaka-leader. Si sir Michael! Nanlaki ang mga mata ni Mariel habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ng isang goon. Nang akmang susugod ang isa pa ay sinapak ito ni Michael.
"Bitiwan mo si Mariel!" utos nito sa nakahawak sa kanya. Pero siyempre hindi nito ginawa. Lalapitan na sana sila ni Michael nang may biglang sumapak dito. Agad na nakabawi ito at sinapak ang nanapak dito. Pagkatapos ay nilabanan na ni Michael ang tatlong lalaki.
Nang maglabas na ng kutsilyo ang isa, ay pinilipit ni Michael ang kamay ng madayang lalaki. Doon dumating ang rebak sa pangunguna ni Tatang. Tinulungan ng iba si Neil habang ang iba naman ay tinulungan si Michael na laban ang apat na manyak. Ilang sandali pa ay nakatali na ang mga ito, hinihintay ang tinawag na pulis.

Nang makuhanan sina Mariel, Michael at ang ibang saksi ng statement ng mga pulis ay agad nagtungo sila sa hospital na pinagdalhan kay Neil. Ayos naman ang kalagayan nito, sabi ng doctor. Tiyempo lang daw ang pagdala dito at kung nagtagal pa ay baka malala na ang naging lagay nito.
"K-kailangan kong tawagan si Gabriel," ani Mariel.
"I already did that, sweetheart," sabi naman ni Michael. Nagpapasalamat siyang tama lang ang pagdating niya. Na hindi pa ito nagagalaw ng mga tarantadong lalaking iyon. Pero hindi niya gusto ang takot na nababasa niya sa mga mata nito. Kanina lang ito tumigil sa kakaiyak nang sabihin ng doktor na ligtas na si Neil.
Tumango si Mariel at tumingin sa kawalan. Natatakot pa rin siya kahit na tapos na ang lahat. Kung na-late ng dating si Michael siguradong na-rape na siya at baka namatay si Neil.
"Sweetheart." Inakbayan siya ni Michael. "Everything's okay now. Hindi mo na kailangang matakot."
Tumango siya at nginitian ito.
"Salamat nga pala, sir."
"Anything for you, sweetie."
Katahimikan...
"Ano palang sabi ni Gabriel nang tinawagan mo siya?"
"They're going to the hospital. Kasama ang nanay mo."
Tumango uli si Mariel.
"Sorry nga pala, sir. Nang dahil sa akin, nasira ang bakasyon mo."
"Hindi mo kasalanan ang nangyari, ano ka ba?"
Nagkibitbalikat lang siya. Pero mayamaya ay nangilid ang luha niya.
"Come on, sweetie." Kinabig siya ni Michael papalapit lalo dito. He kissed her hair. "It's already over. No one's gonna hurt you now. I'm here, okay."
"Kung hindi ka dumating, baka patay na kami ni Neil," pahikbing sabi niya. Tuluyan na siyang ikinulong ni Michael sa mga bisig nito, saying sweet words. "Ngayon lang ako naka-encounter ng rapist, apat pa! T-tapos anak pa ng pulitiko. Na-broadcast tuloy sa buong Pilipinas na muntik na akong ma-rape. Nakakahiya!"
"Sweetheart, there's nothing to be ashamed of. Hindi mo ginusto iyon."
"Gusto ko lang namang magkapera, masama ba iyon? Tapos, nasira pa ang bakasyon mo. Dahil sa akin, muntik nang mamatay si Neil."
"Mariel..." Pinakawalan siya nito at iniharap dito. "First of all, hindi nasira ang bakasyon ko dahil sa 'yo. I honestly enjoyed it. Well of course, you can scrap the police scenes and all but I won't blame you for that. I'm glad you're fine. Kayo ni Neil. And second, if you want to fight those bastards on court, I will support you...all the way. They actually deserve to be dead!"
"Itutuloy ko talaga ang demanda sa mga hayop na 'yun."
"That's my girl," anito at niyakap siya uli. Mariel realized she likes to be hugged by her 'sir Michael.' She just felt safe and his warmth feels good. And his manly scent too. "Kaya tahan na, ha? I don't regret coming here with you."
And then, may tumikhim. Agad siyang kumawala sa yakap nito.
"Nay!"

3 comments:

jak said...

mare!!!kilig!!!!!its getting more exciting!!next na!!next na!!!

Anonymous said...

Lintik na mga gagong rapist yan sakdskin ba naman si neil
yan tuloy di nsli ang dlwa sa contest dyang ung ten kyae
dapat mbtay ung mga apat na rapist
how dare them na gawin un kay mariel....kainissss
buti n lng umabot cna tatang at michael the night and dhinning glimmering armor ni mariel hehehe
chap 17 post it

-blue ♥

Lhee said...

jak---> mare may kasunod na :D

blue---> chill lang dude chill :D