Wednesday, December 28, 2011

Pangarap Chronicles Scene 15: The Master, His Sweetheart and Her Tall Guy Friend

Agad na nagtungo sina Mariel at Michael sa table nina Neil. Of course, nauna si Mariel na nalungkot nang slight ang among fake. But he can't blame her. If she hadn't received that untimely text message, he would surely have tasted that luscious lips of hers. And maybe even more. Why does she have to be so beautiful?
"Ate, siya 'yung lalaki kanina, di ba?"
They're talking about me?
Napatingin siya sa bata.
"The one and only," anito na kinindatan ang bata.
"Hi! I'm Michael," pakilala naman niya. "I hope we are not disturbing you."
"Alam namin," anang bata. "Pinakilala ka na kanina ni ate Mariel. Kinuwento na nga kita sa mommy at daddy ko. Nasaan po ang girlfriend ninyo, sir Michael?"
"Kuya Michael na lang, Junjun."
Ang nanay naman ni Junjun ay agad na sinaway ito.
"Naku, pasensya ka na sa anak ko, madaldal lang talaga 'yan," anito. "Anyway, share na lang kayo dito sa amin."
"I hope we're not disturbing you."
Naupo na sila.
And the position: Michael - Mariel - Neil. Sa kabilang side naman: Junjun's dad - Junjun's mom - Junjun.
Tumawag na ng waiter si Michael. Agad namang may lumapit at ibinigay ang menu.
"Mariel, what do you want?"
"Ano po bang meron dito?" tanong nito na lumapit sa kanya dahil nasa kanya ang menu list.
Darn scent!
"Eto na lang karekare saka rice."
"Drinks mo?"
"Tubig na lang."
"Mariel, if you're holding back---"
"Masarap ang tubig, sir," agad naman nitong putol sa sinasabi niya. "Swak sa panlasa at maganda pa sa kalusugan."
Napailing na lang siya. Binalingan niya ang iba nilang kasama.
"How about you, guys? Meron pa ba kayong ibang gusto."
"Cake!" sabi ni Junjun na nagtaas pa ng kamay. "Yung black forest saka yung malaki. Hati uli kami ni ate Mariel."
"Junjun!"
"It's okay, tita," pag-aasure niya sa nanay ng bata. "Anything else."
"Si Mariel po ang sisihin ninyo," ani Neil. Ngumisi lang sina Mariel at Junjun. "At talagang ngumisi pa ang dalawang bubwit. Hay naku, 'pre. Baka ikaw ang susunod na biktima ng mga 'yan."
"Wala naman kaming ginawa ah," sabi naman ni Junjun. "Umorder lang naman kami ng pagkain."
"Oo nga," sabi naman ni Mariel. "Nagkataon lang na yung trip naming food, yun yung pinakamahal."
"So, Michael, hijo, are you working already?"
At nabaling na ang atensyon ni Michael sa mag-asawa.

Habang hinihintay ang order ay nakipagkulitan si Mariel kina Neil at Junjun. Buti na lang at kinakausap si Michael ng mga magulang ni Junjun kung hindi ay mapipilitan siyang kausapin ito eh hindi pa niya keri. Nahihiya siya sa amo niyang fake.
Sinasadya rin naman ng lalaki na hindi siya kausapin.
Buti naman.
Then, the food arrived.
“Wow, karekare!” tuwang-tuwang sabi ni Neil at basta na lang kumuha ng pagkain sa pinggan ni Mariel. At halos wala nang tinira sa kanya. Tiningnan lang niya ito nang masama.
"Ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng ulam ko," nakangising sabi naman ng magaling na karekare snatcher.
"Hipon?" lukot na lukot ang mukhang sabi niya. "Pakakainin mo ako ng hipon?"
"What's with the shrimp?" curious tanong naman ni Michael.
"Allergic po kasi ako diyan," nakasimangot namang sagot ni Mariel sabay hampas nang malakas sa braso ni Neil. Aangal sana ang lalaki pero hinampas uli ni Mariel nang mas malakas. Ang Junjun naman ay tawa lang nang tawa. Ang mga oldies naman ay naiiling na lang sa kanila.
"I can give you my food," offer ni Michael. "Tigilan mo na ang kakahampas diyan sa katabi mo."
"Okay lang po," automatic na sagot naman ni Mariel. Michael ordered for garlic chicken. At ayaw na ayaw niya sa bawang.
Sorry naman. Maarte ako sa pagkain eh.
"Mariel." Nagbabanta ang tono ng nag-alok ng bawang.
"Sir Michael." Dahil likas na pilosopo ang inalok, ginaya lang ng bawang hater ang tono nito.
"Junjun." Wala lang. Gusto lang umepal ang karekare snatcher.
"Bakit po, kuya Neil?" inosenteng tanong ng bagets. Hindi nito nagets.
"Tawagin mo rin ang name ko para cool."
"Huwag ka ngang epal diyan," ani Mariel.
"Ikaw talaga B1, hindi ka na nahiya sa parents ni B2."
"Ang sama mo talaga, K."

Sa totoo lang, biglang nao-OP si Michael. Sinasama naman siya sa usapan nina Mariel pero may nalalaman pang code names ang mga ito na hindi niya alam ang ibig sabihin.
What the hell is B1 and B2? And K?
"Kayong dalawa, asaran kayo nang asaran," naiiling na sabi ni tita Melanie, Junjun's mom.
"Love, hayaan mo na," nakangisi namang sabi ni tito George, the dad. "Para namang hindi ka dumaan sa pagkabata."
Napangiti ang esposa nito. "Magyi-year 2012 na pero ang mga style ninyo, parang nung araw lang."
Okay, we have B1, B2 and K. And now a riddle. Urgh! Hang in there, Michael.
"Ay tama po kayo," sabi naman ni Mariel. "Kwento po sa akin ng nanay ko, hinahampas din daw po nila nung araw ang mga pasaway na nandedekwat ng ulam nang may ulam."
Natawa ang mag-asawa.
"Iyon nga lang ba 'yun, Neil?"
"P-po? Masarap lang asarin itong si B1."
Yeah, right.
Naiinis na siya sa takbo ng usapan kaya tumawag na lang siya uli ng waiter.
"Sir, ayos lang."
"Mariel, umayos ka, ha," banta niya rito na as usual hindi na naman sineryoso. Sinimangutan lang siya nito.
"Maayos naman ako, ah," pagsagot pa nito.
"Okay, have my share."
"Eeeehhh..."
"Isa---"
"Aswang kasi 'yan, pare," biglang singit ni Neil. Bakit ba kanina pa ito singit nang singit? "Ayaw niya sa bawang."
"Sweetie, problema ba 'yan?" Then, using his utensils, he put away those little pieces of garlic in the chicken. Pagkatapos ay nilagay ang ang ang manok sa pinggan nito. "O ayan, wala nang bawang. Kain na."
Tiningnan siya nito, then ang manok. Tapos ay ininspeksyon pa talaga. Natahimik pati mga kasama nila sa table. Ilang sandali pa ay tinikman nito ang manok.
"Ano, baby girl, masarap ba?" amused na tanong niya rito. Para kasi itong bata. Tumango naman ito.
"Salamat, sir! The best ka talaga!"
"Kain kung ganun," nakangising utos niya rito. Kumain naman ang baby. Lumayo pa ng konti kay Neil na tila grade one na b-in-ully ng kaklase.  And for that, nawala na ang tensyon. Balik uli sa dati.
Lalong lumaki ang ngiti niya habang kumain na rin.

Siyempre dahil makukulit silang mga bata na may kasamang super lenient na mga matatanda, kulitan lang sila nang kulitan sa table nila. Nakikulit na rin sa kanila si Michael. Ang iingay nila na pinagtitinginan lang sila ng mga tao at kung minsan ay sinasaway. Kapag ganun, parang mga estudyante lang ang peg nila --- tatahimik ng ilang minuto tapos mag-iingay uli. Kasalukuyan na nilang ine-enjoy ang black forest cake ni Junjun nang may lumapit sa kanila na hiphop kung hiphop ang style ng mga damit. Super extra large T-shirt ang suot ng lalaki at cargo shorts.
"Yoh! Wazz up, wazz up!" bati sa kanila ng mga ito.
"Tatang Shark!" agad na bati nina Mariel at Junjun dito. At may ginawa ang mga itong kung anumang special handshake. Maging si Neil ay naki-participate. Pagkuwa'y pinakilala ni Mariel ang iba nilang kasama sa bagong dating.
"You sure met a lot of people while we're separated huh," amused na sabi ni Michael.
"Ikaw lang sir, eh!" At nagyabang agad ang Mariel. "Wala ka kasing tiwala sa kagandahan ko!"
"Meron ba?" Umepal uli si Neil. Hinampas lang ito ni Mariel. Nakamasid lang si Michael sa dalawa. Mariel is really more comfortable around with Neil. Pinipilosopo at inaasar lang siya nito pero hindi hinahampas. Oh, well not that he wanted to be hit but he wouldn't certainly mind if she did.
"Tama na 'yan, kiddos," saway ng jeproks na matanda. Kasing-edad lang siguro ito ng mga oldies nila ni Mariel. "May showdown sa may pool. Baka gusto ninyong sumali."
"Showdown na naman?"
"Yes, pumpkin." Ginulo pa ni Tatang Shark ang buhok ni Mariel na ikinasimangot ng huli. "So get you butts with me and you're gonna join."
"Mama, sama po ako," paalam ni Junjun sa ina.
Napakamot sa batok si Mariel. "Tang---"
"Pumps, bago ka magtatanggi diyan, ten kyaw ang pustahan nila ngayon."
Nanlaki ang mga mata ni Mariel. "Ten kyaw?! Seryoso?!"
"Ten kyaw?" curious namang tanong ni Michael. "What's that?"
"Ten thousand," sagot naman ni Neil. Tumango naman si Michael. Habang si Mariel naman ay nagkakaroon ng internal battle. Siyempre, gusto niyang magkaroon ng chance para sa pera pero sinabi naman niya sa sir-sir-an niya na magpapahinga na siya.
Baka ma-conclude niyang affected talaga ako sa moment namin kanina.
"Ano, pumps?"
"Sali na tayo, Mariel," pakiusap naman ni Neil. "Nangangailangan din ako."
"It's a duo?" Agad na napaisip si Michael ng mga steps para sa partners na babae at lalaki sa sayawan. Shit! They will be intimate?
"Kailangan ko rin ng pera," ani Mariel. "Sige, join tayo."
"Sama ako ate!" excited namang sabi ni Junjun.
"I wanna watch as well," sabi naman ni Michael.
This will be a troublesome night.

2 comments:

bLaCk VaNiTy said...

eeeehh! kakabitin naman.. next na po sana.. :)

can't wait to read the next chap.. :)

Lhee said...

lol talent yan darling :P