Wednesday, November 30, 2011

Pangarap Chronicles 11: Why I Am Feeling Like This?

As soon as Michael saw himself on the mirror, his grin vanished.
Goodness! I kissed a girl and I look like a fool. And it's just on her nose. HER NOSE!
Admit it. She has a huge effect on you for a long time now. Even when you were so madly in love with Via.
I am STILL in love with Via!
Right. Keep convincing yourself.
Look, I'm here so I can move on. That's the only reason.
Sure. You are so in love with Via that you only thought on how Mariel will enjoy this vacation of yours. Yeah. That's one convincing sign that you're still in love with your first love.
Napaungol na humiga siya sa kama. Having an argument with somebody is tiring but having one with yourself is draining. Nakakasakit ng ulo. And for the love of Pete! He didn't even know why he had this every time he had his thing with Mariel.
W-wait! I don't have a thing with Mariel.
Yeah, dude. Keep on trying.
"Ugh!"

Habang si Michael ay nakikipagdebate sa kontrabidang part ng kanyang konsensya, si Mariel naman ay nakatulalang nakaupo sa kama. Dahil sa kissing scene (sa ilong) ay naligalig ang kanyang sistema.
Pero bakit ba ginawa niya 'yun? At may ibig sabihin ba iyon?
Napabuntung-hininga na lang siya at kinuha mula sa bag niya ang mga kakailanganin niya mula sa visibility project na iyon. Mas mabuting iyon na lang ang pagkaabalahan niya kesa ang isipin ang pesteng halik sa ilong na iyon na malamang sa malamang ay walang ibig sabihin.
Pero naiisip din kaya niya 'yun? Kinikilig din ba siya tulad ko?
Mariel, ang project mo ang atupagin mo. Hindi Cinderella ang peg mo, pwede ba?
Bago ba tuluyang magkainitan ang dalawang panig ng kanyang konsensya ay pinuntahan na niya ang dahilan ang almost heated argument sa kanyang isip.

"Yes, Mariel, you need anything?" agad na tanong ni Michael nang mapagbuksan niya ng pinto si Mariel. Napasulyap siya sa dala nitong mga papel.
"Ahm, magpapaalam lang sana ako," tila nahihiyang sabi nito. "Yung sa project ko. Kasi, ah, ha-hunting-in ko na yung mga taong kailangan ko para magawa ko siya. Baka lang kako, hanapin mo ko."
"Sure."
"Sige." Matapos siyang ngitian na parang magpapaalam ay tumalikod na ito.
"Mariel---" Lumingon ito, nagtatanong ang mga mata.
Don't. Give. Me. That. Look.
Ngunit lalo lang nitong pinaigting ang expression nito. Waiting for what he has to say. Lihim siyang napaungol.
Control yourself, Michael!
"Sasamahan na kita," sa wakas ay sabi niya. Nakatitig pa rin siya dito
"Sige." Nagkibit-balikat lang na sabi nito. "Pwede mo nang sabihin sa akin kung may dumi ba sa mukha ko. Don't be shy, sir ---ah, este, Michael."
"Paano mo naman nasabi na may nakikita akong dumi sa mukha mo?"
"Kanina ka pa kasi nakatingin sa pagmumukha ko na parang nagpa-nose lift ako o kung anuman," naiiling na sabi nito. "Kaya ano na?"
"You're saying silly things," natatawang sabi niya na inihilamos ang kamay sa mukha nito. "Halika na nga."
"Okay," anito. "Pero sure ka, sir, ah. Baka mamaya pagtawanan ako dun."
Tumikhim siya. "You look decent enough, sweetheart."
"Mariel po ang pangalan ko."
"And Michael's my name, not sir."
"Hindi rin malakas ang trip mo, Michael."
"Whatever you say, Mariel."

"Are you sure you can manage?"
"Sir, yes, sir!" At sumaludo pa talaga si Mariel. Natawa na lang si Michael sa kalokohan niya.
"Call me if you need anything."
"Ako nang bahala dito," aniya. Pagkuwa'y hinila niya ang braso nito patungo sa direksyon ng mga babae na kung makatitig dito parang wala nang bukas. "Yung mga babae na lang sa mga kubo ang atupagin mo. Kanina ka pa kasi nila tinutunaw with their laser eyes."
Lalong napalakas ang tawa nito nang nalukot ang mukha niya pagkasabi niyon.
"What can I do, if they can't resist my good looks, hmmm?"
"Oo na po, sir!" aniyang lalong nainis sa tinuran nito. Bakit, bakla? Ano bang gusto mong sabihin niya. Na ikaw lang ang papansinin niya? "Kayo na po ang may irresistible good looks."
Tila tuwang-tuwa itong pinisil ang ilong niya.
Demoted?
"I'll be back," anito. "Don't miss me too much, okay?"
She rolled her eyes.


"Hija, bakit mo ipinagtulakan ang iyong gwapong hombre sa mga girlalu doon?"
Napatingin si Mariel kay Miss Sunshine, ang manager sa resort na iyon.
Hombre? Mukha ko bang lalaki yun?
"Si sir po?" gulat niyang sabi. "Tinutulungan lang niya ako sa project ko."
"Really?" Tila duda pa ito. "Para kasing --- oh, never mind. Anyway, let's get started, my dear."

"Hi, handsome! Mind if we join you?"
Mula sa pagtanaw kina Mariel at Miss Sunshine ay napilitan siyang ibaling ang tingin niya sa pinagmulan ng boses. And what he saw are three beautiful ladies who look smoking hot with their skimpy swimsuits.
"I don't mind," he said showing his sexy smile.
"You look so lonely here," anang isa na umangkla pa sa braso niya. "Wanna have some fun?"
Saglit na napatingin siya sa isang kubo kung saan naroon si Mariel at ang manager.
"I would love to, babe. But I have some babysitting to do."
"Aww, that sucks," anang isa na umangkla sa isa pa niyang braso. Idinikit pa talaga nito ang dibdib sa braso niya. "Who are you babysitting anyway?"
"Oh, that cute girl over there," aniya na inguso ang kinaroroonan ni Mariel. Nang mapatingin ito ay nakangising tinanguhan lang niya ito. Kinawayan naman siya nito.

"Hija, dapat inirapan mo ang lalaking iyon," inis na sabi ni Miss Sunshine sa kanya. "Look at those girls! Are they not ashamed?"
Kalalanding mga babae!
"Hayaan ninyo na lang po sila," nakasimangot na sabi niya. "Mukhang masaya naman si sir Michael sa paglingkis sa kanya ng mga babaeng 'yun."
"And I can't believe na kinawayan ka pa. Ang kapal!"
Nagkitbit-balikat lang siya. Ano namang isasagot niya? Kung tutuusin nga wala naman siyang karapatang mainis dahil naging napakabait nito sa kanya.
Ahem! Sinong hindi mabwibwisit eh para siyang kung makaasta siya, parang gusto na niyang makipag-anuhan sa mga iyon! Ang sagwa!!! Ang babaw ng taste niya ha.
E ano naman kung yun ang trip niya? Ayaw mo 'nun? Move on kung move on na ang drama ng sir Michael mo?
"Mariel, my dear, don't frown too much," naiiling na saway sa kanya ni Miss Sunshine. "Pagkatapos natin dito, we will have some fun."
Napatingin na lang siya sa deklarasyon nito.

2 comments:

thanatos_delight said...

hahha.. ang saya! magsisimula na ang selosan! :P

bLaCk VaNiTy said...

..ang kyuut! sana may next na po.. :)

..nai-imagineko tuloy si quen na smoking hot talaga habang naka-topless.. woah!

..sana magsuot din si Mariel ng swim wear..haha..para lumaglag naman yung panga ni Michael..hahaha

->janine