Sunday, November 6, 2011

Pangarap Chronicles 10: Tonight's Gonna Be a Goodnight

Tahimik lang si Mariel habang nakasakay sa kotse ni Michael. Ngayon lang siya nakarating sa ibang lugar maliban sa Zambales kaya naman tinatanaw niya ang mga tanawin doon. Kahit sabihing napag-trip-an lang ata ng kasama niya na isama siya sa pag-re-relax nito ay excited siya sa mga magagawa niya sa resort. Well, siyempre, pagkatapos niyang kulitin ang mga dapat kulitin para sa project niya.
"Mariel, are you okay?"
Napalingon siya sa katabi. Hindi ito nakatingin sa kanya sapagkat naka-focus ito sa daan.
"Oo naman, sir."
"Ayan ka na naman."
Napakamot siya. "Sorry naman. Mahirap naman po kasing baguhin ang nakasanayan."
"At talagang nag-po ka pa," naiiling nitong sabi.
"Sabihin mo na lang sa buong mundo na naging crush kita, sir," aniyang tumingin din sa daan. "Tutal, past na iyon. Tinatamad kasi akong i-monitor ang sarili ko kung pino-po kita o tinatawag na 'sir.'"

From the road, his eyes quickly averted to the girl beside him. And he can't help but smile.
Sabihin ko daw sa buong mundo na naging crush niya ako pero namumula naman at di makatingin sa akin.
He decided not rub it on her face. Tiyak na mahihiya lang ito sa kanya at ayaw naman niyang mangyari iyon. As much as possible, gusto niyang maging komportable si Mariel sa company niya. Baka makatulong iyon para tawagin siya nito sa pangalan niya.
Dude, why is it a big deal to have her call you by your name? It's not like you see each other everyday or something...
Masama ba? Anong magagawa niya if he hates formalities like that?
Ehem! Dude, just to remind you, your secretary calls you 'sir.' The maids call you 'sir.' Your employees call you 'sir.'
Mariel's not my secretary, my maid nor my employee, damn it! And why am I talking to myself?! Geez!
Think harder, bro!
Ugh! Shut up! I don't have a split personality or something. And I'm not freaking gonna have one today.
"We're here!"

"Welcome to Aquaventure Reef Club, sir, ma'am!" masiglang bati sa kanila ng babaeng sumalubong sa kanila. "Do you have reservation?"
"Ah, yes, miss," ani Michael. "Can you show us to our rooms?"
"Receptionist na po ang bahala sa inyo," anito.
"Please lead us the way."

"Your room's just next to mine, Mariel," pag-inform sa kanya ni Michael habang ibinigay sa kanya ang susi ng kwarto sa harap nila. Iyon daw ang magiging kwarto niya. "Just knock on my door if you need something."
"Salamat, sir," nakangiting sabi niya habang inabot ang susi. But Michael won't let her. Kaya naman nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.
"Say my name first."
She rolled her eyes. "Michael."
"Good girl." Ginulo muna talaga nito ang buhok niya bago ibinigay sa kanya ang susi. Napasimangot tuloy siya. Natawa tuloy siya at nanggigil na pinisil ang mga pisngi nito. Napangiwi tuloy ito habang pilit na tinatanggal ang mga kamay niya sa pisngi nito but he didn't let her.  "Remember, room 215's my room. Baka mamaya iba ang makatok mong kwarto."
"Oo na," anito na pilit pa ring inaalis ang mga kamay niya. "Pakibitiwan na po ang pisngi ko."
"May narinig yata akong mali." He smiled smugly as he decrease the distance between their faces.
"Michael, pakitanggal na yung kamay mo."
"You are really so cute!" aniya at dinampian ng halik ang ilong nito.
Napatulala naman ito.
"Be a good girl and go to your room."
Tila wala sa loob na tumango ito at pumunta nga sa kwarto nito. Siya man ay abot-tainga ang ngiting pumasok sa kwarto niya.

3 comments:

JulianaRoberta said...

hahha.. na-cu-cutan si na si SIR. nakow nakow.. dyan yan nagsisimula.. :D

Anonymous said...

ang cute hehehe...nakakatuwa...next chap please :D

Lhee said...

thanatos --> lol..infer, ang tagal ko nang di naririnig ang expression na yan

anon --> magkakaroon na po :P