Chapter 19: The Bar
"You're late." Napasimangot si Debbie nang iyon ang ibinungad sa kanya ni Cheche nang makarating na siya sa tagpuan nila. Sinipat nito ang suot niya. "Don't tell me na-late ka dahil diyan?"
"You can say that," aniya. Tumango lang ang kaibigan niya at hindi na nagtanong.
"Let's go! Kanina pa tayo hinihintay nina Ate Cassie."
"O, son, bakit ang dali mo naman sa lab mo," takang tanong kay Ryan ng mama niya nang mabugaran siya nito sa harap ng nakabukas na ref at nag-ra-ransack ng pagkain.
"Bakit po gising pa kayo?"
"Oh, alam mo naman ang mama mo, sa sobrang dead na dead sa iyong papa, hindi na makatulog nang mahimbing na wala ito sa tabi niya."
Napangiti siya sa tinuran nito. "Bakit kasi hindi na lang kayo sumama sa mga out of the country trips ni papa. That way, you won't feel lonely."
"As much as I want to, but I can't leave you here," anito na hinaplos ang pisngi niya. "Baka mamaya, nalingat lang ako, hiwalay na kayo ng asawa mo."
"Ma!"
"Don't give me that," anito na naiiling pa. "Gaya kanina, kung anu-ano ang pinagsasabi mo sa bata, hindi mo na lang diniretso. Baka mamaya, magtampo sa 'yo 'yun."
"Why would she?" tanong niya rito kahit na na-bother siya. Has he reached his limit a while ago? "It's for her own sake."
"Di, umamin ka rin. Son, kung ako si Debbie, kapag nasabihan ako ng mukhang bolang apoy ng asawa ko, tiyak na masasampal ko siya."
"I said that to protect her," amin niya. Sa totoo lang, her wife looked delectable in that little red dress. No male can't resist her alluring look if they saw her with that piece of cloth. Hindi niya maaatim na may mangyayari sa asawa niya sa kung saan mang lugar na iyon. Prevention is better than cure, as they say.
"What a weird to express it, my son. What a weird way."
"Achoo!"
"Ano ba 'yan, Debbie," nangangantiyaw na sita sa kanya ni ate Cassie, ang nagyaya sa kanila na mag-bar. "Huwag mong sabihin na 'yan ang epekto sa 'yo ng beer."
"Baka naman may isang tao ang iniisip kay Debbie," sapantaha naman ni Jam.
"Hala! Umuwi ka na raw sabi ng asawa mo!" kantyaw naman ni Olga.
Natawa na lang si Debbie sa banat ng mga katrabaho niya.
"Speaking of your hubby, kailan mo siya ipapakilala sa amin?"
"Oo nga naman. We're curious you know."
"Guys, guys," napapakamot na sabi niya. "Iyong asawa ko, busy sa kakaimbento ng kung anu-anong chemicals na di ko ma-gets kahit anong try ko noh!"
"So, ibig sabihin hindi ka nadidiligan?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni ate Cassie.
"Ano ba 'yan, ate!" ani Olga.
"Hay naku, Olga, maghanap ka na kasi ng boylet nang malaman mo kung anong sinasabi ko." Talagang umirap pa si ate Cassie. "So, ano, Debbie? Malamig ba ang iyong mga gabi sa piling ng boylet mo?"
Ngumiti siya nang pilya.
"Hoy! Huwag kang pa-mysterious effect diyan!" ani Jam na kulang na lang ay yugyugin siya. "Spill it, bakla!"
"Bago ang lahat," biglang singit ni Cheche. "Nag-ri-ring ang phone mo, Debbie."
"Excuse me."
"Ano ba 'yan, istorbo!"
"Hello, ermitanyo, bakit napatawag ka?"
"Anong napatawag ako? Debbie, anong oras na? Alas diyes na, andiyan ka pa rin," anang asawa niya sa kabilang linya. Gusto niyang mapakamot sa ulo.
"Iyon 'yun, ermitanyo, alas diyes pa lang," aniya rito. Hindi ba nakaranas na mag-bar itong lalaking to? "Kung JS Prom nga namin dati, madaling araw na nagtapos, ito pa kayang mag-gu-good time ka sa bar?"
"Saang banda ba 'yan?"
"Anong saang banda 'to?"
"Pupuntahan kita, I'm driving right now."
"Ano?! Bakit?"
"Malamang para sunduin ka."
"Ha?!"
"Hay ewan ko sa iyo, Debbie." Narinig pa niyang bumuntong-hininga ito. "Ayan, nakikita na kita."
Nakakunot ang asawa niya nang madatnan niya ito sa labas ng isang bar. Napapakamot pa ito sa ulo. Pinuntahan niya ito.
"Ermitanyo," agad siyang sinalubong nito nang makita siya. "Di ba tayo pwedeng magtagal?"
Her expression while saying that hit him. Straight in the heart. He just wants to cuddle her cute little wife for making her eyes have those puppy-eye look, making image look so submissive.
"Nag-e-enjoy ka ba dito?"
Tumango naman ito.
"Di sige," aniya at inakbayan ito. "At andito na rin lang ako, ipakilala mo na ako sa mga kaibigan mo."
Tuwang-tuwang niyakap naman siya nito. "The best ka talaga, ermitanyo.
5 comments:
yeeyyyyyyy...sweet nmn ni ermitanyo....thumbs up ms lhee..casey here....cute lang ng story nila...followback nmn po dyan s twitter....hahaha...tnx
tyetttttt na ermitanyong to....
parang minor di edad kung ituring si debbie
sinundan pa tlga at gusto ng pauwiin
kalokaaaaaaaaaa
at feel din pala nia magbarhoping
at kawawang debbie kantyaw ang aabutin sa mga kaibigan nia
-blue
casey -> anu ba twitter account mo?
blue -> lolz..akshuli dapat alas nwebe tatawagan ni ermitanyo si debbie ROTFL binigyan ko lang siya ng konting kahihiyan ROTFL
mare!!ang twit twit naman nilang 2!
nyahahaha! nilalanggam na ba ta katwitan mare? lol
Post a Comment