Chapter 20: Someone From The Past
"Halika na, ermitanyo," yaya ni Debbie sa asawa nang kumalas siya sa pagkakayakap dito. "Sigurado akong mapupunta ka sa sibilisasyon kapag na-meet mo mga---ano ba?!"
May nakabangga kasi sa kanya.
"N-naku, sorry miss," di magkandatuto namang sabi ng nakabangga sa kanya. "Hindi ko sinasadya! Nasaktan ka ba?"
"Ay, hindi!" sarcastic niyang sabi.
"S-sorry talaga!" hinging paumanhin muli nito.
"Yvonne, let's go!" Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. Familiar.
"Yvonne?" Kilala ng asawa niya ang nakabunggo sa kanya?
"Huh?" maang na sabi ng babae na sinipat pang magaling ang asawa niya. "Kuya Ryan?"
"Yvonne, halika na!" tila inis nang sabi ng tumatawag sa babae na Yvonne ang pangalan. Nang lingunin muli ito ni Debbie at makita nang malapitan ay nagulat siya.
"Samuel?"
"Debbie," anito na parang di man lang nagulat nang lingunin siya. "Nice seeing you here."
"Magkakilala kayo?" sabad naman ni Yvonne.
"Yeah," casual na sabi naman niya sa babae. "At mukhang kayo rin ng asawa ko, ah, magkakilala."
"May asawa ka na?!" magkasabay pang sabi nina Samuel at Yvonne.
"Si Ryan, asawa ko," pakilala ni Debbie sa mga kaibigan nila nang nakabalik na ito. Binati naman ito ng mga kasama nila. Napatingin siya sa babaeng kasama ng mga ito. Nakayuko lang ito at parang isang nerd lang sa school ang dating nito sa ayos nito. Thick eyeglasses, unruly hair, super old-fashioned clothes. "At siyanga pala si Yvonne."
"A-ahm, pinsan ako ni kuya Ryan," alangin ang ngiti na sabi nito. Nginitian naman nila ito.
Sa hindi malamang kadahilanan ay nagkatinginan kami ni Debbie sa sinabi nitong Yvonne na ito. Based sa body language niya, confirmed! Nagsisinungaling ito.
"Ah, o-oo, pinsan ko." Napataas ang kilay ko nang marinig iyon kay Ryan. Maging si Debbie ay napaangat ang kilay.
"Anyway, they wanna join us daw," sabi ni Debbie. "I hope you don't mind."
"Of course we don't mind!" ani Jam na hinila pa ang mga 'magpinsan.' "I-interogate-in namin ang asawa mo."
"Bigyan mo ng beer, Jam," sulsol naman ni ate Casey. "Ikaw din, Yvonne, chill lang! Huwag kang mahiya."
"Eh, thank you po," alanganing sabi ng babae.
"Huwag ninyo namang masyadong i-terrorize yang dalawa," saway ni Olga sa mga ito.
"Okay lang, game naman yang mga yan," sabi ni Debbie.
"Inom lang nang inom!" masayang sabi ni Jam.
"Baka masobrahan!" ani Olga. "Parang di naman sanay uminom yang mga 'yan."
"Huwag mong pansinin si Olga, Ryan," ani ate Casey. "Anyway, hindi ba pinapasakit nitong si Debbie ang ulo mo?"
"Hindi naman po," sagot naman ni Ryan. "Kayo po, di ba sakit sa ulo ang asawa ko sa trabaho?"
"Depende sa definition mo sa sakit ng ulo."
"Baka nakakalimutan ninyo, andito pa ako."
"Ate Casey, mamaya na 'yan!" excited na turan ni Jam na ininguso pa ang stage. "Ang gwapo ng boylet sa stage!"
Napalingon naman sila. At napatingin muli si Cheche kay Debbie nang makita ang vocalist ng banda na nasa stage.
"Anong ginagawa ni Samuel dito," pabulong niyang sabi.
"Di ko rin alam," pabulong namang sagot ni Debbie. "Mamaya ko na ikukwento sa yo."
"Hoy, Debbie wag mong sabihing pinagnanasaan mo pa ang boylet na 'yan, andito ang asawa mo!" kantiyaw ni Jam nang makitang nagbubulungan ang dalawa. Hinampas tuloy ito ni Olga.
"Kampay!"
Chapter 21: Someone From The Past Part 2
"Magsi-CR lang kami ni Debbie," paalam ni Cheche sa mga kasama. Tumango naman ang mga ito. Agad silang tumayo ni Debbie. Pero siyempre, hindi sila sa CR pupunta kundi sa backstage. Kailangan nilang makausap si Samuel.
Papunta na sila roon nang harangin sila ng isang bouncer.
"Miss, pasensya na pero bawal pumunta sa backstage."
"Anong bawal?!" maiiyak nang sabi ni Cheche. "Tigilan mo nga ako sa mga bawal-bawal na yan! Baka mamaya, takasan ako ng walanghiyang Samuel na 'yan!"
At tuluyan na itong humagulgol at yumakap sa kanya.
"Cheche, it will be alright." Binalingan niya ang bouncer. "Baka naman, pwede mo kaming papasukin. My friend really needs to talk to Samuel. It's important."
"E, miss," napapailing na sabi nito. "Ako naman ang malilintikan niyan."
"No!" naghihisterya na si Cheche. Napapatingin na sa kanila ang mga tao sa parteng iyon ng bar. Buti na lang at malayo iyon sa upuan nila. "Samuel! Lumabas ka diyang walanghiya ka!"
"Miss, miss, sandali lang!" Nataranta na ang bouncer. Pagkuwa'y may tinawag ito.
"Miss, may kailangan daw kayo sa vocalist ko?"
"Oo!" gigil na gigil na sabi ni Cheche. "Ilabas mo ang hayop na yun dito!"
"Pero---"
"Ilalabas mo siya o mag-e-eskandalo ako!" Ayaw taalagang paawat ni Cheche kahit na pinipigilan na niya.
"Please, my friend just needs to talk to him," nakikiusap na tiningnan ni Debbie ang manager pati na rin ang bouncer.
Napabuntung-hininga naman ang manager. "I'll get him. Wait here."
"Walanghiya ka!" Walang preno-prenong sinampal ni Cheche si Samuel pagkalabas nito sa backstage.
"Anong---"
"Hayop ka!" Tila hindi pa nakuntento si Cheche at pinagsusuntok si Samuel sa dibdib. Worried namang luminga-linga si Debbie sa paligid. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang nagpa-panic na rin ang manager. "Bakit mo nagawa sa akin 'to?!"
"Cheche, stop it!" Pinigilan naman ni Samuel ang mga kamay ng kaibigan niya. "Maraming tao, nakakahiya!"
"Samuel, ang mabuti pa, mag-usap muna kayo ng mga bisita mo," asiwang suggestion ng manager. "Pinagtitinginan na kayo ng mga tao."
Marahas namang nagpakawala ng hininga si Samuel.
"Let's go!"
"Anak ng tikling!" napapasinghap-singhap pa si Samuel habang sapo ang pisnging nasampal. "Ang lakas nun, Che. Ngayon na nga lang tayo uli nagkita, sampal pa ang isasalubong mo sa akin."
"Sorry naman," sabi naman ni Cheche. "Na-carried away lang."
"Bakit ka ba kasi sumama-sama pa dito kay Debbie? Dapat tinanggap mo na 'yung offer sa 'yong mag-artista eh --- aray!" Binatukan kasi ito ni Cheche.
"Mamaya na nga 'yang kalokohan mo!" ani Cheche. "Bakit kasama mo yung pinsan kuno daw 'nung asawa ni Debbie? Yung Yvonne?"
"Bakit sa tono ninyo eh parang di kayo naniniwala na pinsan nga 'yun nung Ryan na 'yun?"
"Hindi niya kami maloloko, no," sabi naman ni Debbie. "Obvious kaya siya. So, anong istorya ninyo nung Yvonne?"
"Magsyota kami."
"Yeah right!"
"Kunwari naniniwala kami. What's next?"
"Di ba kapani-paniwalang girlfriend ko 'yun?"
"Nagbago na ba ang taste mo sa mga babae, Samuel?" tanong dito ni Debbie. "Huwag mong sabihing pumapatol ka ba sa mga nerd na hindi nagsusuklay ngayon?"
"Ah, Debs, hindi mo naman siya kailangang okrayin."
"Nagsasabi lang ako nang totoo."
"Baka naman nagseselos ka diyan?" nakakalokong sambit ni Samuel na inangat-baba pa ang mga kilay. "Pareho ang style nila ng asawa mo at magkakilala sila. And from what I see, mukhang sumegunda ang Ryan na yun na sa sinabi ni Yvonne. Bakit?"
"Ahm, Samuel, bakit kailangang may "na 'yun" na kasunod kapag binabanggit mo ang pangalan ni Ryan?"
"Che, si Debbie ang inaasar ko, wag kang epal."
"Okay." Kumibit-balikat lang ito. "Papunta rito sina ate Casey, baka gusto ninyong magtago."
"Doon! Doon!"
"Uuwi na raw sila," ani Debbie na ininspeksyon ang cellhpone. "Nag-text sa akin ang asawa ko."
"Debbie, sunduin mo na yung dalawa," nang-aasar ang ngiti na suggest ni Samuel. "Baka mamaya, kung ano na ginagawa ng Ryan na 'yun kay Yvonne."
"Hayan na naman po ang 'na yun.'"
"Shut up, Cheche!"
"Walang pwedeng sumundo sa dalawang 'yun sa atin," aniya. "Tatawagan ko na lang si Ryan nang sila ang pumunta rito."
"Uy, easy lang kayo kay Yvonne mamaya, ah!"
"Concerned?"
"Malamang!"
"Huwag muna kayong magulo diyan," saway ni Debbie sa dalawang kaibigan habang pumipindot sa cellphone. "Samuel, magtuos tayo mamaya pag andito na yung Yvonne mo."
No comments:
Post a Comment