Chapter 18: Fashion Guru
"Kahit anong gawin ko talagang pag-intindi sa mga pinaggagawa mo dito sa lungga mo, di ko ma-gets," naiiling na comment ni Debbie habang sinisipat ang isang bond paper na punung-puno ng kung anu-anong formulas. Formula daw iyon ng mga chemicals ng ermitanyo para makagawa ito ng isang gamot.
"Huwag mo na lang kasing intindihin," comment ng asawa niya habang naghahalo ng mga likido na iba iba ang kulay. "Besides, mga scratch papers lang naman 'yan. At lahat yan, palpak pa."
"Kaya pala ultimo direction ng mga pinagsusulat mo, magulo," aniya. "E, kumusta naman yang hinahalu-halo mo diyan? Kung alak ba naman 'yan, willing akong maging guinea pig mo."
"Asa ka naman na makakainom ka ng alak habang nakabantay ako." Ibinaba nito ang mga chemicals at hinarap siya. Para lang mapakunot ang noo nang makita ang get up niya. "Bakit ganyan ang ayos mo?"
"Bagay ba?" pa cute niyang tanong dito. Gigimik sila ni Cheche sa bar kaya pambar ang ayos niya. Naka-sleeveless red dress siya na umabot lang sa kalahati ng hita niya ang haba at high heeled sandals. Naka-make up din siya at nakasuot ng contact lens na wala namang grado. "Magba-bar kami ni Cheche at now na 'yun."
"At kaya ka nandito para magpaalam sa akin?" nakaangat ang kilay na tanong nito na nakakrus pa ang mga braso.
"Well, parang ganun na nga," nakangiting sabi niya. "Huwag kang mag-alala, di ako hihingi ng pera sa 'yo."
"Hmmm, alam mo, Debbie, di bagay sa yo 'yang damit na yan," anito na ikinamaang niya. Nilapitan siya nito. "Hindi bagay sa yo ang kulay. Nagmukha kang santelmo."
"Santelmo?! As in yung bolang apoy daw?!"
Tumango naman ang ermitanyo.
"Tapos, bakit nagmake-up ka rin lang, yung makapal pa," pansin pa nito. "Mukha ka tuloy bakla."
"Mang-okray ba?" aniya na hinila ang buhok nito.
"Sinasabi ko lang ang opinion ko," anito at inakbayan siya. "Ang mabuti pa, magpalit ka ng damit. Sasamahan kita."
"O, hija, I thought may lakad kayo ng kaibigan mo," maang na sabi ni Rosario nang makitang pababa ng hagdan ang manugang kasama ang anak niya. Nag-change outfit pa ito.
"Nagpalit lang po ako ng damit," anito. "May nagsabi po kasi sa aking fashion guru na mukha daw po akong bolang apoy sa red dress ko."
"Really?" Napatingin siya sa anak niyang biglang ngumisi. Sadya bang kakaiba ang taste ng anak niya? She thought Debbie looked good in that dress. O baka naman... "O well, okay ba naman sa fashion guru na 'yan ang jeans at white blouse na 'yan?"
"Hindi na raw po ako mukhang kung anong type ng lamang-lupa," anito at inismiran ang asawa. "Anyway, I have to go. Baka masabunutan na ako ni Cheche kapag pinaghintay ko na naman 'yun."
"Have fun, hija."
"Ma, I'll go ahead na rin," sabi ng anak niya nang makaalis ang asawa nito. "May tatapusin pa ako sa lab."
"Son, wait!"
"Yes, Ma?"
"I just want to ask kung hindi ka ba nagandahan sa dress kanina ni Debbie."
"Bakit mo naman naitanong 'yan, Ma?" Napataas ang kilay niya nang parang umiwas ito ng tingin sa kanya. Hay! Sabi na nga ba...
"Well, I thought she looks gorgeous in red," aniya. Pinakita muna ni Debbie sa kanya ang get up nito bago magpaalam sa anak niya at umokay siya. Kung iyon ang suot ng manugang niya, mangangabog ito tiyak sa bar.
"I thought not," anito na halatang tinatapos ang usapan. "Anyway, I'll go ahead."
My son is really weird. Hindi na ako nagtataka na walang tumatagal sa kanyang girlfriend noon.
No comments:
Post a Comment