Thursday, June 30, 2011

Husband And Wife Chapter 7-8

Chapter Seven: Aftermath

"Nagyoyosi ka na naman." Nilingon ni Debbie ang nagsalita. Si Cheche iyon, katrabaho niya. "Nagkita na naman ba kayo ng kapatid mong hilaw?"
"Ano pa nga ba?" sabi nito sabay yosi. "May kasama pang resbak ang gaga."
"Kaya ba hindi ka nakapasok kahapon?"
"Ano pa nga ba? Pinakidnap ako ng lolo niya para ipakasal sa di ko naman kilala."
"Weh? Hindi nga." Hindi niya masisi ito sa naging reaction nito.
"Maniwala ka," gigil niyang sabi sabay muling hithit sa sigarilyo. "Para hindi malungkot ang pinakamamahal nila, ako na naman ang sinangkalan. Para talaga sa babaeng 'yun, gagawin nila lahat, walang pakialam!"
Napabuntong-hininga si Cheche. Alam nito ang istorya ng buhay niya.
"O, e di ikakasal ka na?"
"Sira ka ba?!" Muli ay nagsindi siya ng sigarilyo. "Tingin mo papayag ako? Ako? Magsasakripisyo para sa Hannah na 'yun?"
"Sabi ko nga," ani Cheche. "So, ano na? Ipapa-rape mo na ba 'yun?"
"Kailangan ko pa ng anda pambayad sa goons," aniya sabay hithit uli sa yosi. "Saka recorder at blank discs na rin para naman mapagkakitaan ko."
"Aba! Bilis-bilisan mo ang pag-iipon at baka makulong uli sina Goryo!"
"Pautangin mo kaya ako ng pansuhol sa pulis pag naisakatuparan ko na ang EBIL plan ko," nangingiti niyang sabi. Nang makita siyang nangingiti na ay natawa na rin ito.
"Sometimes, I wonder kung may balak ka ngang gawin ang mga EBIL plans mo," ani Cheche. Natawa lang siya sabay matiim na tumitig dito. Pagkuwa'y hinapit niya ito sa baywang. May mga dumaraan ng mga sandaling iyon at napasinghap ang mga iyon sa ginawa niya ngunit imbes na ilayo ang sarili mula sa kaibigan ay lalo pa niya itong hinapit.
"Ano sa tingin mo?"

Hay! Sinumpong na naman!
Lihim na napapalatak si Cheche sa ginawa ng kaibigan. Nang pasimple siyang tumingin sa paligid ay nakuha rin niya ang sagot sa tanong niya.
"Debbie, what is the meaning of this?" gulat na tanong ng isang eleganteng babae kasama ang dalawang lalaki at isang babae na kaedad lang siguro nila. Hindi mahirap hulaan kung sino ang mga ito.
"Debs, bitiwan mo muna ako," nakangiting sabi niya rito sabay haplos sa mukha nito. Hinalikan muna siya nito sa noo bago harapin ang umano dating pamilya nito.
"Anong kailangan ninyo?" kalmanteng tanong nito sabay sindi uli ng sigarilyo.
"Babalik tayo sa mansion ng mga Pereira," deklara ng pinakamatanda sa mga ito. Must be the lolo.
"I had other things to do," anito sabay malagkit na tumingin sa kanya. Matamis na nginitian niya ito.
"At ano iyon?!" galit na tanong ng tatay malamang ni Debbie. "Ang gumawa ng kalaswaan kasama ng babaeng ito?"
"Debbie, I can't believe you're like this."
So, this is Hannah.
"Mabuti pa siguro, Debs, mauna na ako," aniya dito. Sinadya niyang ipiyok ang boses niya saka yumuko. Inakbayan naman siya ni Debbie.
"No, sabay tayong aalis," anito. "I have nothing to do with those people anyway. Let's go!"
"Bumalik ka rito, Debbie!" gigil na gigil na sigaw ng lolo nito. "Napakawalang modo mo! Bukod pa sa pagiging imoral!"
"Papa, please calm down," anang biyenan nito.
"Hindi! Makakatikim sa akin ang babaeng 'yan! Kahihiyan siya sa pamilya natin!"
"Lolo, please! Ang puso po ninyo!"
Napahugot siya ng hininga at humilig dito. And hoping that somehow, she was able to comfort her even for just a bit.

"Son, it's rare to see you outside your lab," bati ni Rosario sa anak na kasalukuyang nasa piling ng mga alaga nilang German Shepherds.
"O, hi 'ma," bati naman sa kanya nito.
"So, anong chemical element ang dapat kong pasalamatan at naparito ka?"
"Hmm, nothing, I just can't concentrate," anang anak niya na napakamot pa ng ulo. That's new. Bihira na hindi makapag-concentrate ang anak niya lalo na kung nasa piling na ito ng mga chemicals na pinag-aaralan nito.
"And why is that?" tanong niya kahit may idea siya kung ano iyon.
"Ma, do you really think I'm a hopeless case?"
"So, it's about that incident, huh?" Tumango-tango siya. "You must understand that I did that because I'm worried about you."
"Ma, don't worry," anito na inakbayan siya. "I have plans to have a family. But not right now. So, please, that will be the last time that you'll do something drastic."
"Hindi mo ba tipo ang kahit sino sa dalawang apo ni Don Miguel?"

Napaisip si Ryan sa tanong ng kanyang ina. He's not the guy who has standards when it comes to women. Contrary sa naikilos ng kanyang ina ay nagkaroon din naman siya ng mga relasyon noon. At walang common denominator ang mga iyon except for the fact that they're all women.
"Hmm, I don't know, 'Ma," aniya. "They're still young so I really don't think of them that way."
"Kung gayun, bakit mo sinundan si Debbie?" tanong nito, wearing her knowing smile. "And you seem to get along well."
"Ma---" He was really about to explain, but stopped. "Ma, please don't think that way."
Tila kinikilig na tumawa ang kanyang ina. He finds it creepy, to be honest.
"Mind reader na rin ba ang anak ko?" pigil na pigil ang ngiti nitong tanong. "Anyway, how's your date, uhm, I mean, your experience going to the mall with Debbie?"
"How did you ---"
Napasinghap siya. This is bad.
"Why did you stop?" tanong nito. "And by the way, is that suppose to be a secret?"
"It's not like that, mama!"
"Well, if you say so."
"Ma, please don't do anything funny."
"Hmmm..."
"Ma!"

Chapter Eight: Proposal

Hindi ba talaga titigil ang mga 'yun?
Inis na tiningnan ni Debbie ang limang malalaking mama na nakaharang sa daan niya. Wala pa namang tao sa dinaraanan niya dahil short cut iyon.
"Ah, siya nga ang kailangan natin, boss," anang isa sa mga ito na sinulyapan pa ang hawak nitong picture na malamang ay siya.
"Ngayon mo lang na-realize?" pang-asar na tanong niya rito.
"Hmm, tama nga ang sabi ni madame, matalas ang dila ng isang ito," comment ng isa sabay buga ng usok ng yosi nito.
Desperado na nga ata ang mga iyon. Plastic talaga!
"Sumama ka na lang sa amin nang matino, 'Neng," anang pinakalider ng mga ito.
"Paano kung ayoko?" Kinuha niya ang patalim sa bag niya na pasimple niyang binuksan kanina.
"Walang sisihan." Creepy pang ngumiti ang mga ito.

"Kayo pala ang madame na sinasabi ng mga goons ninyo." Bagaman nagulat ay kalmado ang pagkakasabi ni Debbie sa mga salitang iyon. Sino bang mag-aakala na ipapakidnap siya ng nanay ng mukhang ermitanyong pinipilit sa kanya ng pamilya ng Hannah na 'yun?
"What happened?" Hindi nito sinagot ang tanong niya at sinipat ang mga galos niya.
"I must admit, magagaling ang mga goons na kinuha ninyo," aniya. "Kahit nanlaban ako, I lost to them terribly."
"Oh my!" shocked na sabi nito. Pagkuwa'y pinindot nito ang intercom. "Manang Celia, pakidala ang first aid kit, please."
Napamaang siya sa kinilos nito.

"Ma'am---"
"Oh, please call me "mama,"" magiliw na sabi sa kanya ng ginang habang ito mismo ang gumagamot sa mga sugat niya.
"Excuse me?"
"If you're uncomfortable, "tita Rosario" would be fine," nakangiting sabi nito.
Huminga muna siya nang malalim. "Tita Rosario, anong kailangan ninyo sa akin?"
"Oh, about that," anito habang pinapahiran ng Agua Oxinada ang mga galos niya sa mukha. "I just want to talk to you. What do you think of my son?"
"Mukha po siyang ermitanyo," sagot niya na nagpatawa dito.
"Kahit na you seek comfort by hugging him doon sa Robinson's?"
"So, sinabi pala sa inyo ng anak ninyo."
"Actually, pinasundan ko kayo ng anak ko. I like you for my son. You suit each other well."
"Hindi ninyo alam ang sinasabi ninyo."
"But I do," anito. "My son needs someone he would treasure. While you, hija, need someone who will treasure you."
"Let me guess," aniya. "Pinaimbestigahan ninyo ako?"
"As expected, you're smart, hija," anito na hinaplos ang mukha niya. "I hope you don't mind."
"How about you, tita? Do you mind na ang nirereto mo sa anak mo ay isang dating magnanakaw?"
"Not at all," nakangiting sabi nito. "I know, you're a good child."
Napabuntong-hininga siya. "Have you considered our feelings? Especially your son? What's his name again?"
"It's Ryan," natatawang sabi nito. "Anyway, dito ka na kumain."
"Huh?"
"I won't take "no" for an answer."

Nagulat si Ryan nang makita si Debbie sa hapag-kainan. Kaya pala pinilit siya ng kanyang ina na sumabay siya dito.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya. "Bakit ang dami mong sugat?"
"Nabangga lang sa poste," ani Debbie.
"Some post you ran into," comment naman niya. "So, bakit ka andito?"
"I, uhm, invited her," anang mama niya. "Anyway, maiwan ko muna kayong dalawa at may appointment nga pala kami ng mga amiga ko."
So, that was that, huh? My mom likes Debbie this much, huh?

"Ito pala ang lab mo," matapos suyurin ng tingin ang kabuuan ng kuta ng ermitanyo ay comment ni Debbie. "Anong pag-uusapan natin?"
"Tungkol sa future mo."
"Tungkol sa future ko?"
Tumango si Ryan.
"I want to marry you," walang kaabog-abog na sabi nito. Sa sobrang biglaan ay nawalan na siya ng pagkakataon na ma-shock. "Ako ang susustento sa pag-aaral mo at sisiguraduhin kong maganda ang magiging hinaharap mo pagkatapos mong mag-aral basta pakasalan mo lang ako."
"Pag-aaralin mo ko? Bibigyan ng magandang kinabukasan?"
"Oo naman, payag ka na?"
"How lame."
"Eh?!"
"Wala ka na bang ibang io-offer?"
"Hmm, a chance to have a power over the company of your family?"
"Bakit out of the blue ay biglang gusto mo akong pakasalan?"

"I don't know," napakamot sa ulo na sabi Ryan. "I guess, nang makita ko ang mga galos sa mukha mo, I just had this urge na protektahan ka."
"Kaya ko ang sarili ko," sabi naman nito. His hand reaches her hair. Napatingin ito sa kanya.
"Maybe, but I still want to protect you," aniya. Totoo iyon. Kahit na sandali pa lang silang nagkakakilala ni Debbie ay may impact agad itong iniwan sa utak niya. Kung gagamit siya ng idiomatic expression ngayon, he would say that Debbie surprisingly had a soft spot in his heart after their "date."
"Hindi nakakatawa ang joke mo, ermitanyo."
"Pero totoo ang sinabi ko," aniya dito.
"Weh? Cross your heart? Mamatay ka man?"
"Sumabog man lahat ng chemicals dito, totoo lahat ng sinabi ko."
"Hindi nga?" nagdududang sabi nito. "Na pakakasalan mo ko, pag-aaralin, bibigyan ng magandang future at power sa kompanya nina Hannah?"
"Totoo lahat 'yan."
"Promise?"
"Promise."
"Okay," matamis na nginitian siya nito. "Pakakasal tayo."
"Huh?"
"Pakakasal tayo," anito na pinitseran siya. "Huwag mong sabihing binabawi mo?"
"Of course not."
"Good."
Okay, Ryan, that was fast.

5 comments:

Lhee said...

at magko-comment talaga ako..wala na akong utak pero sana ayos lang ang mga scenes..hay! di ko talaga forte ang mga confrontations at drama -.-

Anonymous said...

kaloka din c ryan ha.....aayaw-ayaw may hero complex din pala...but i love it

Anonymous said...

naman 2chappie at proposal na agad...
yehey ryan ang bilis mo grabeh
thumbs up ms writer

-blue

Lhee said...

Anon --> natawa naman ako sa Hero Complex :P but kinda true, at medyo extreme ata ang nailagay ko kay ryan the scientist lol

Blue --> pasasaan ba at diyan din naman ang tuloy ng dalawang 'yan lol

jak said...

cute!