Monday, June 27, 2011

Husband And Wife Chapter 6

Chapter Six: First Date

"Okay na ako dito," ani Debbie nang makarating sila sa gate. Ibinaba naman siya nito.
"Malayo ang lalakarin mo papuntang gate," napakamot naman sa ulo si Ryan. "Mabuti pa, ihatid na kita papunta sa inyo."
"Don't bother," aniya. Wala siyang tiwala rito.
"Pero wala kang makikitang masasakyan dito," rason naman nito.
"Marunong ka bang mag-drive?" Tinaasan niya ito ng kilay. Sa expression nito ay siguradong matagal pang kulitan ito at tinatamad siyang makipagkulitan.
"Oo naman," anito saka patakbong bumalik sa bahay ng mga ito. "Saglit lang."

"So, ito pala ang trip mong gawin," ani Debbie habang naglalakad sila sa Robinson's Mall. "Akala ko ba, may gagawin ka pa kanina."
"Well, nagbago ang isip ko," ani Ryan. "Naisip ko na ngayon lang uli ako makakalabas sa bahay namin after several months."
"Ermitanyo ka pala talaga," comment nito. "O, nandito ka na sa kabihasnan, ano namang gusto mong gawin?"
"Ano bang ginagawa sa mall?" inosenteng tanong niya na nagpatawa nang malakas sa babaeng kasama niya. "May masama ba sa tanong ko?"
"Wala naman," anitong natatawa pa rin. "Hindi ko lang akalain na may nag-e-exist pang katulad mo na napakainosente."
"Pero ngayon lang naman ako nakalabas uli," napakamot naman siya sa ulo.
"O siya, siya," anito. "Gawin natin ang lahat ng pwede nating gawin sa mall. Ang tanong, may pera ka ba?"
Tumango siya. Iniisip talaga niyang kaladkarin ito kung tatanggi ito.
"Good," sabi naman nito na tumatangu-tango pa. "Aabusuhin kita, okay lang ba?"

"Anong gagawin natin dito?" takang tanong ni Ryan habang iniikot ang paningin nito sa Time Zone.
"Matutulog," sarcastic naman na sagot ni Debbie.
"Asan ang kama?"
"Naniwala ka naman."
"Alam ko naman na laruan ito ng mga arcade games pero bakit dito mo ko dinala?"
"Saan mo naman gustong magpadala, ha, tanda?" naiiling na tanong niya rito. "Gusto mo sa teatro tayo at makinig ng mga kundimang uso nung kapanahunan mo?"
"Joke ba 'yun --- Aray!" Hinila kasi niya ang mahabang buhok nito. "Bakit ka ba nananakit? Pikon ka pala."
"Paano kasi, sa akin mo pinaubaya ang trip mo na ito tapos nung dinala-dala kita sa trip kong lugar, ayaw mo naman pala."
"O siya, sige," aniya at ginulo ang buhok nito. "Aabusuhin mo nga pala ako."
"Ang sagwa!"

"O ano?" tuwang-tuwang sabi ni Ryan. "Saan pa tayo?"
"Hindi rin mataas ang energy mo," nakasimangot na sabi ni Debbie. "Ano ba?! Ang buhok ko!"
"Pikon!" anito at pinisil pa ang ilong niya. "Sige, next time, magpapatalo na ako sa 'yo."
Hinila niya ang buhok nito. Pero natawa lang ito.
"Ano pa ba ang hindi natin nalalaro?"
"Nalaro na natin lahat," aniya na sumalampak sa isang upuan. "Para sa isang ermitanyo, ang taas ng energy level mo."
"Bakit? Pagod ka na ba?" Hinagod pa nito ang buhok niya. Napatingin siya rito. And involuntarily reach the hand that was on her hair. May concern siyang nababsa sa mga mata nito, sa mukha nito. Nag-aalala ba ito sa kalagayan niya?
Nagulat siya nang pahirin ng isa nitong kamay ang kanyang luha. Luha? Was she crying?
"What's wrong, Debbie?" puno ng concern na tanong nito.
"D-Di ba, payag ka naman na abusuhin kita?"
"Huh anong ---"
Niyakap niya ito nang mahigpit sa pagkagulat nito. But he didn't ask. Instead, he hugged her back while stroking her hair. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya sa mga sandaling iyon but she felt as if she was safe. At na-realize niya na hindi pala safe ang pakiramdam niya all these years. O siguro, ngayon lang niya naramdaman ito.
Cut the crap, Debbie! Are you falling for this man?
Of course not! But his hug feels nice. Too bad, it will be the last time.

"Ano, ayos ba ang mall adventure mo?" tanong ni Debbie nang makalabas na sila ng mall.
"Oo naman," anito. "Nag-enjoy ako."
Napangiti siya sa reaction nito. Obviously ay mas matanda ito sa kanya pero mas matanda pa siyang kumilos kesa rito.
"Good," aniya. "O, pano, sibat na ako!"
"Ihatid na kita."
"Huwag na," aniya.
"Hindi mo ba lulubusin ang pang-aabuso sa akin?"
"Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko," aniya. "Byers!"

3 comments:

Anonymous said...

first date na agad...
at maalalahanin pala si ermitanyo
napaiyak tuloy si debbie
at bakit byers na agad debbie,magkikita pa kau ni ermitanyo...:D

wats next ms.writer
first kiss na ba :bounce2:
next chappie post it :D

-blue

jak said...

mare!!bitin!!ahehehe

Lhee said...

Blue --> pers kiss agad? hahaha! tila mabilis ata iyon

Jak --> medyo nga hehe..yan lang kinaya ng powers ko lol