Tuesday, May 17, 2011

Pangarap Chronicles - Scene 5: Connected By A String Of Fate

Tuloooonnnnnngggggggg!!!!!!
Hindi malaman ni Mariel kung anong nararamdaman niya. Ang alam niya ay uminom lamang siya ng tubig. Ano itong tila may pwersang nagpaparalisa ng kanyang buong katawan? Kahit mga daliri ay hindi niya maigalaw. Hindi siya makahinga. Magkagayunman ay pinipilit pa rin niyang sumigaw. Ngunit bakit tila wala pa ring nakakarinig?
Diyos Ko! Kahit sino po, tulungan ninyo ako...


"What's that all about?" takang tanong ni Michael na pupungas-pungas pa. Hindi niya akalaing makakatulog siya sa loob ng kanyang opisina. Maybe his body really needs a real sleep which he didn't really get since Gabriel and Via had gotten together. Minsan ay nais na niyang tuluyang sumuko ngunit hindi niya kaya. He loves Via to destruction.
Tuloooonnnnnngggggggg!!!!!!
Napakunot ang noo niya ang kanyang panaginip. Nasa mall daw sila ni Via at masayang nagkukulitan. Nandoon sila sa Toy Section kung saan naroroon ang mga manika. Ngunit nagulat na lamang siya nang biglang bumula ang bibig nito at nangisay. She raised her one hand, trying to reach out.
Kahit sino po, tulungan ninyo ako...


Is that a premonition? May mangyayari na naman bang masama kay Via?
Ipinilig niya ang ulo sa naisip. Unlike other people, he doesn't believe between the connection of dreams and the future. There is no basis. Marahil kaya ganoon ang kanyang panaginip ay dahil subconsciously, hindi pa rin siya nagtitiwala kay Gabriel. At naroon pa rin ang takot niya sa nangyaring pagkidnap dito dati.
His phone rang.
"Yes dad?"
"Michael, can you go to Jose Reyes now?" tanong ng kanyang ama sa kabilang linya.
"Is there anything wrong?" bigla siyang nag-alala at naalala ang kanyang tita Criselda.
"Nothing son," anang ama. "I just need you to get your lola's medicine."
That's it?
"Can you do it for me, son?"
"U-uh, yes dad," may alinlangang sabi niya. He has a lot of things to do in the office but his instinct is telling him to follow his dad's request.

"Yeah right!" inis na nahampas ni Michael ang manibela. Halos hindi kasi gumagalaw ang mga sasakyang papuntang Jose Reyes na hindi madalas mangyari. Lalo pa at hindi naman rush hour. "Hell!"
Naisip niya ang mga kailangan pa niyang gawin sa opisina. Hindi niya maintindihan kung bakit siya pa ang kailangang utusan ng daddy niya just to get a medicine.
You shouldn't have agreed in the first place!
Urgh!
Lalong napakunot ang noo niya nang may kumatok na batang babae sa kanyang bintana. With an annoyed look, he opened the window of his car. What he saw is a malnourished girl. Morena ito ngunit singkit ang mga mata. At tila hindi ito natatakot sa obviously, not friendly expression na ipinapakita niya rito.
"Mamang Pogi, bili na po kayo ng bulaklak," nakangiti pa nitong sabi. "Para po sa gelpren ninyo!"
"Paano ba 'yan, wala akong girlfriend," aniya rito. Lumambot na rin ang expression ng mukha niya. Bungi kasi ito. At may something sa smile ng batang ito na nagpagaan ng loob niya.
"Imposible naman po 'yan. Ang pogi ninyo kaya," pambobola pa nito. "Sige na po, para mabili ko na 'yung Barbie!"
"Barbie ang bibilhin mo kesa pagkain?"
"Gusto ko po 'nun eh kaya lang di naman ako mabibilhan nina Inay," malungkot na sabi ng bata. "Kapag po nakita ninyo nanay ko huwag ninyong sabihin na nakita ninyo ako dito, ha!"
"Para namang kilala ko ang nanay mo," natatawang sabi niya at dumukot ng pera sa pitaka. "Sige, bibilhin ko na 'yang bulaklak mo."
Napakamot ito nang makita ang ibinayad niya.
"Mamang Pogi, wala ba kayong barya diyan?"
"Sa 'yo na lahat 'yan," aniya rito.
"Talaga po?" tuwang-tuwang sabi nito. "Salamat po, Mamang Pogi! Magkaka-gelpren na po kayo dahil sa mga 'yan!"
Natawa na lang siya. Hinatid niya ito ng tanaw habang tumatakbo ito papuntang bangketa. Good thing na nandoon na ito nang umusad muli ang mga sasakyan.

"Thank you so much tito Dante." Kinamayan pa ni Michael ang family doctor nila nang maibigay na sa kanya ang mga gamot ng kanyang lola.
"You're always welcome, Michael," nakangiting sabi ng doctor. "But you should have just called para hindi ka na na-hassle."
"It's no harm done," aniya kahit na gusto niyang sumang-ayon dito.
"Anyway, may dadalawin ka bang pasyente rito?" tanong ng doctor na nakatingin sa mga bulaklak na nadala pala niya.
"A-ah, yeah," sabi na lang niya. "I'll go ahead, tito."

Naglalakad sa hallway ng hospital si Michael nang makasalubong ang isang ginang na naka-wheel chair na itinutulak ng isang nurse. Bigla niyang naalala ang kanyang tita Criselda.


"Hello po! Ano pong kailangan ninyo?"
"What took you so long?!" inis na sabi niya sa katulong na nagbukas sa kanyang pinto
"Ha?!"
"I said ---" Umiling siya. "Nevermind. Is Via there?"
Ngunit tila hindi siya nito narinig.
"Miss, hello?!"
"Ha?"
"Ang sabi ko, nandiyan ba si Via?"
"Aahh, sina ma'am Via? E nasa ospital po kasi sinugod si ma'am Criselda."
"Ha?!" Bigla siyang nag-alala. Malapit sa puso niya ang ina ni Via. "Saang hospital?"
Sinabi niya rito ang pangalan ng ospital.
"Thank you, Miss." Iyon lang at umalis na siya.

Kung meron man sigurong mapagkakatiwalaan ko sa bahay nina Via, si Mariel yun. The girl is a true friend to Via.
He lost his thoughts nang mamukhaan ang isa sa mga nakakasalubong niya sa hallway. Isa ito sa mga kasambahay nina Via.
"Hi!" approach niya rito. Tiningnan lamang siya nito. Napansin niyang mugto ang mga mata nito. Bigla siyang nag-alala. "Nagtatrabaho po kayo kina tito Fernando, right? I'm Michael, a family friend."
Tumango ito.
"Nakikita ko nga po kayo na pumupunta sa bahay ng mga Pereira," anito. "Ano pong kailangan ninyo?"
"I'm just wondering kung bakit kayo nasa hospital," aniya. "May nangyari po ba?"
"W-wala namang nangyari sa pamilya," nakatungong sabi nito. Tila muli itong iiyak. "S-Sige, babalikan ko na ang anak ko."
"Anak ninyo?" Bigla niyang naalala si Mariel. Ito lang ang bata sa mga kasambahay nina Via. "Are you talking about Mariel? Siya po ba ang sinasabi ninyong anak ninyo?"
"Eh oo," anito. "Kilala mo nga pala ang anak ko."
"Ano pong nangyari kay Mariel?"
"N-Nalason po," humihikbi nang sabi nito.
Napatingin siya sa hawak niyang mga bulaklak.
"Sasamahan ko na po kayo."

Napasulyap siya sa kay Mariel. Kung walang nakakakabit na mga aparato dito ay iisipin niyang natutulog lang ito. Napaka-peaceful ng hitsura nito despite sa kalagayan nito.
"Maraming salamat sa mga bulaklak, Michael," ani Aling Tindeng. Sadyang sinabi niyang "Michael" na ang itawag nito sa kanya. "Paborito ito ng anak ko."
Napalingon siya rito. Bigla niyang naalala ang panaginip niya. Hindi ba nalason si Via sa kanyang panaginip? At nasa toy section umano sila nang mangyari iyon? He and Via never shared a special moment in that particular section...
Mamang Pogi, bili na po kayo ng bulaklak...para po sa gelpren ninyo.
"Ayos ka lang ba?"
"Huh? Ah, of course, Aling Tindeng."
"Maaari ko bang iwan muna kayo rito ng anak ko?" pagpapaalam nito. "Bibili lang akong pagkain."
Tumango naman siya. Binalingan niya ang walang malay na si Mariel nang makaalis na ang nanay nito.
Such an angelic face. You don't deserve being here. I hope you'll be okay.
May isang nurse na pumasok.
"Good afternoon," bati niya rito.
"Good afternoon po, sir," anito. "I-che-check ko lang po ang pasyente."
"Sure," aniya at nag-give way. "Ahm, miss. Do you know kung anong oras na-confine sa hospital si Mariel?"
"It's two hours ago po," anito. "Maiwan ko na po kayo."
Wala sa isip na kinuha niya ang cellphone niya at i-check ang call log nito. So, it was two hours ago nung tumawag ang kanyang ama para kunin ang gamot ng lola niya. And that's right after that dream...
Somehow, the events lead me to you. I wonder why...

5 comments:

it'sJUSTme said...

super like to.. hehe..

lalu na ngayon.. dume-destiny na si Micheal at MAriel.. ahahah.. like talaga! :))

sana mag-karoon ng webisodes ang MSP.. tapos eto ipakita.. (pwede naman mag-assume di be? :))

Anonymous said...

hi ms lhee..... bongga nmn...tlgng pinaglalapt ng tadhana cn mariel at michael....casey here.... tpos ko n l bsahin hate that i love u... thumbs up for u ms lhee.. i luv that story...simple pero nkkkkilig awayan nila mm & dd..linis nyo sumulat....gling... bye..bye...til my nxt visit....

bellie017 said...

oh my..destiny talaga yun...
ang cute naman nito kahit nakakalungkot dahil nalason si mariel...gusto ko nang mabasa ang karugtong nito.love ko din ang devquen:))

naihD said...

like!!!like!!more!!more!!

Lhee said...

at ngayon lang talaga akong nagbasa ng mga comments lol
i'm glad you like this chapter. i like devon's lts pero devquen ang pinakanagpapaligaya sa akin haha!