Sunday, May 15, 2011

HATE THAT I LOVE YOU Ch. 43-46

CHAPTER 43

"Maya, tayo ba eh, magpapaikot-ikot lang dito?" tanong ni Shey. Obviously, gaya ko at marahil ni Kyra ay hindi ito naniwala sa statement ni Buddy.
"E talaga namang kaibigan ko ang Impaktong 'yun, ah!"
"Kaibigan na kung kaibigan," naiiling na sabi ni Kyra. "Ang tanong, kaibigan ba talaga ang turing mo dun sa tao?"
Hindi nakasagot si Buddy.
"Sawa ka nang magsinungaling, Buddy?"
""Precious!"
"Aminin mo na kasi!"
"Oo na!" bulalas ni Buddy. "Mahal ko pa rin 'yung hayuff na yun. Kaya nga pounchin siya! Nagpaparamdam pa kung kailan paalis na ako."
"Ano naman kung aalis ka?"
"Ano ba kayo?! Long distance love affair ang mangyayari sa amin kapag nagkataon! E diyan kaya nadali sina kuya Kean at ma'am Alex noon."
"Totoo, MM?"
"Oo! Sinabi ni kuya Kean nung nag-inuman kami nina kuya Ayven."
"Pinayagan ka nila? Cool!"
"Ganun talaga, magaling ako eh," ani Buddy. "Sa mga katulad kong tatamad-tamad sumulat at mag-a-update ng mga social networking sites na yan, aysus! Walang mangyayari sa buhay namin ni Daniel. Baka nga matulad kami kina kuya Kean! And that will suck!"

"Hi!"
"Ang awkward naman!"
What Kyra said is true. The atmosphere is awkward nang magkita-kita kami sa school two days after ng Prom.
"Shut up, Kyra!" angil ni Buddy dito. Tapos ay binalingan si DD. "Ikaw naman, Impakto, bakit ganyan ang tingin mo sa akin?"
"And what kind of look am I giving to you, rascal?"
"Aba, malay ko sa 'yo!" mataray na sagot ni Buddy. "Mata mo naman 'yan, eh! Hay! Huwag mo na nga lang akong tingnan."
"Sobra ka naman, Maya!"
"Oo nga! Heart-broken na nga 'yung tao sa news mo!"
"Lasing na lasing kamo nung Prom!"
"Talaga, DD?" gulat na tanong ni Shey. "Naglasing ka?"
Hindi sumagot si DD at tumingin lang kay Buddy.
"You'll get over it, Impakto," sabi ni MM na tinapik pa ang balikat ng lalaki.
"What if I can't?" tanong ni DD na hinawakan ang kamay ni MM na tumapik sa balikat nito. "I will still win you back."
"Don't be so hard-headed, Daniel," ani MM na inalis ang pagkakahawak ni DD sa kamay niya. Pagkatapos ay nag-walk out ito.
"Sino kayang matigas ang ulo sa inyong dalawa, Daniel?"

CHAPTER 44

"Truth or dare?" maang na tanong ni MM. "Ayokong sumali!"
"Ang KJ mo talaga!"
"Halata kasing may maitim kayong balak," katwiran ni Buddy.
"Ikaw lang ang may maitim na budhi sa atin dito, Maya," sabi naman ni Papa Bear.
"Whatever!" Umirap pa si Buddy. "Hindi ako sasali sa kalokohan ninyong 'yan. Diyan na nga ako."
"That's right!" ani DD na bigla na lang sumulpot. Hinawakan nito si MM sa may pulsuhan. "You're coming with me."
Hinila nito si Buddy palayo sa amin.
"Kailan pa andito si Daniel?" maang na tanong ni Shey.
"Kani-kanina lang," ani Eslove. "Wala bang magsa-suggest sa inyo na sundan natin ang dalawa, mga chismoso't chismosa?"
"Naunahan mo lang ako," ani Kyra. "Tara let's."
"Can't we give them privacy?" sabi ko habang sinusundan namin sila.
"Kailan ba nauso ang privacy sa atin?" ani Yong.
"Good point," ani Blet.

"Ano na namang problema mo sa buhay, Impakto?" tanong ni MM nang bitiwan na siya ng lalaki.
"Who else but you, rascal," ani DD. "I just have a question, Maya. Do you still love me? Please be honest."
Huminga muna nang malalim si MM bago sumagot.
"Oo, mahal pa rin kita," anito at tumalikod kay DD upang mag-walk out. Ngunit hinapit ito ng lalaki sa baywang at niyakap siya.
"Then why are you trying to stay away from me?"
"Dahil aalis na ako," ani MM. "Kung noon ngang lagi nating nakikita ang pagmumukha ng isa't isa, hindi tayo nagtagal, ito pa kayang hanggang email at tawag lang ang magiging communication natin?"
"Hindi ka ba naniniwala na makakaya natin?" tanong ni DD. "We love each other. Can that make up for the distance that you're having problems about?"
Kumawala si MM sa pagkakayakap.
"Chunga ka ba?" gigil na sabi nito. "Buti ba sana kung faithful ka e kaso ang dami-dami mong fans! Tingin mo ba magtitiwala ako sa 'yo? Saka paano ka makakasiguro na wala akong magiging lalaki dun sa States?"
"Correction, Maya, you were the only girl I had relationship with nung tayo pa. Sa 'yo na rin nanggaling, they're just fans. Wala akong nakarelasyon sa mga iyon. Maniwala ka man o hindi. Ikaw lang naman ang nag-iisip noon na may babae ako."
"Ako pa talaga ngayon ang mali! Hay, ewan ko, Daniel. Hindi ako sure diyan sa idea mo."
"How about a contract, Maya?"

CHAPTER 45

"Contract?" Buddy's reaction is the same as ours. "Ano namang contract 'yan?"
"Baka marriage contract na ang sinasabi nitong Daniel," comment ni Yong sa pinagkukublihan namin. Binatukan ito ni Kyra.
"Hmm, yes," ani DD. "It's a relationship contract."
"Anong relationship? Pumayag na ba ako?"
"Huwag ka munang magulo diyan," ani DD. "Makinig ka muna sa mga terms and conditions nitong kontrata ko. Kapag pumirma ka, ibig sabihin, tayo na."
"Fine, tell me about it."
May kinuha si DD sa bag nitong isang papel.
"These are my rules," anito na binasa ang nakasulat. "First, chatting every day is a must. You will set the time, Maya. Second, update your facebook account regularly. Post pictures and videos if available. Third, you must trust me. Because I will trust you. Fourth, visit me if possible. Fifth, if ever you find somebody else, tell me. I will do the same if I will be in the same situation."
"Parang pinag-isipan mo talaga 'to ha," ani Buddy.
"Of course," nakangiting sabi ni DD. "Payag ka ba sa terms and conditions ko. You can add if you want."
"Okay na 'yan," ani Buddy.
"So it means pumapayag ka na?" excited na tanong ni DD. Hinawakan pa nito sa mga balikat si MM at niyugyog.
"Oo na!" sabi ni Buddy. Pagkasabi na iyon ni MM ay binuhat nito ang babae at inikot-ikot. "Huy! Ibaba mo ako! Pagkatapos mo akong alugin, hihiluhin mo naman ako."
"I won't!" Ngunit ibinaba naman si MM. Iyon nga lang ay ikinulong niya sa mga braso ang babae. "I won't let you go again."
Hinalikan ni MM ang tungki ng ilong ni DD.
"Aba! May tukaan na palang nagaganap dito!" ani Papa Bear na lumantad na sa kinatataguan namin. Lumabas na rin kami.
"If I know naman, kanina pa kayo diyan, tse!"
"Ang taray mo naman, Maya," comment ni Eslove. "Iyan ba ang napapala ng pagkakaroon ng boyfriend?"
"Well, it's a good thing you're here," ani DD na pinakawalan man si MM ay inakbayan naman nito. "We need witnesses for our contract signing."
"Aba! "May I pronounce you husband and wife" contract ba 'yan?" nanunuksong sabi ni Yong.
"Para namang hindi mo alam," ani Kyra.
"Don't worry, darating din tayo diyan!" ani DD na lalong inilapit ang sarili sa girlfriend.
"Hindi mo sinabing may pagnanasa ka pala kay Yong, Impakto!" comment ni Buddy.
"Gusto mong halikan kita?" hamon naman dito ng nobyo.
"Bago kayo magtukaan diyan, magpirmahan muna kayo ng kontrata."

CHAPTER 46

"Wow!" nanlalaki ang mga matang sabi ng pamangkin ni Blet na si Ginger. Nasa simbahan kami at dahil nagta-tantrums ang bata ay kinuwentuhan ko ito. Which is very related sa occasion ngayon. "Paglaki ko, I want a boyfriend like tito DD."
Natawa naman si Blet. "Eh iyong love story namin ng tita Pretchie mo, ayaw mong marinig."
"Some other time na lang 'yun," sabi ko.
"Will you tell me kapag wedding day ninyo na ni tito Blet?"
Tumango ako.
"O, speaking of wedding," ani Blet na tumingin sa relo. "Bakit ang tagal ng bride?"
"Ano ka ba, Blet? Kung iyong groom nga, andun lang sa pwesto niya, cool na cool. Samahan mo na siya doon."
Sumunod naman ito sa akin. Binalingan ko si Ginger.
"And same goes for you, sweetie."
"Can I wait, tita MM here?"
"I guess, it wouldn't hurt if you do."
"Ayan na sina tita MM!" biglang humiyaw ang bata habang tinuturo ang bridal car. Lumapit naman kami ni Ginger.
"Ang ganda-ganda mo naman, tita MM!"
"Buddy, ano, sabihan ko na sina Papa Bear?"
Tumango naman si Buddy.

Nagsimula nang tumugtog ang wedding march. Habang isa-isang lumalakad ang mga kasama sa wedding entourage sa aisle ay nilingon ko si Buddy kasama sina tita Lynn at tito Sonny na animo hindi nagpa-treatment sa ibang bansa. Nginitian ko ang mga ito.
"Buddy, ano? Maganda ba ako?"
"Of course naman, Buddy," sabi ko. "You're very beautiful."
"Tingin mo, deserving ako sa Impakto?"
"Ngayon ka pa ba magkaka-wedding jitters!" hindi makapaniwalang sabi ko. "Of course! You deserve a man like him. You're meant for each other."
"Thank you, Buddy."
"At talagang nag-chikahan pa kayo," ani Shey. "Malapit na po turn natin."

The wedding was solemn and very romantic. Naiyak ako pati na rin sina Kyra at Shey nang sabihin ng mga ito wedding vows ng mga ito.

"I am so blessed to be married to my first love and you will be the last man I will love. Thank you for not giving up on me despite all the trials we had including my weird attitude. In the future, I will still call you "Hayuff" and "Impakto" and be angry at you but I will still love you and will not give up on this marriage and most especially you." - MM

"You are weird and you get angry easily but I am very blessed that you chose to give us a chance. And now, in the presence of Our Lord, I promise to love you and cherish you. In the future, I may do things that will make you cry or despise me but I swear, despite of that I will try my best to make you the happiest woman in the world which you truly deserve." - DD

--------------------------THE END--------------------------

8 comments:

Steve Finnell said...

you are invited to follow my blog

Anonymous said...

sa wakas natapos din
mamiss ko ang rascal at impakto na endearment
salamat lhee

keep it up

-blue

Lhee said...

thanks blue :)
ikaw na ang avid palower ng ff kong ito LOL

jak said...

ang cute!!worth the wait!!

Lhee said...

thanks jak :)
salamat sa pagfollow ng ff kong ito

it'sJUSTme said...

ahh.. pa-comment neman!

nito ko lang to nabasa.. at buti tapos na.. ang kuleet! kaya di ka-bore basahin!

kakatuwa ang mga chismoso't chismosang fwends!

hahaha.. good job po! idol! :))

Lhee said...

kailangan sila sa buhay hehe

Jeannine Salazar said...

Ang ganda naman po ng story worth it ang paghihintay ko dito...