Monday, April 4, 2011

Pangarap Chronicles - Scene 1: Ang Nasa Isipan

Disclaimer: Hindi akin ang Mula Sa Puso. Sa ABS CBN po. Please watch Mula Sa Puso from Monday to Friday at 6 o'clock.

Sa Amerika siya lumaki at nagkaisip. Bagaman marunong magsalita ng wika ng mga magulang ay Amerikanong amerikanong mag-isip si Michael. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit ayaw pumayag ni Via sa gusto niya. It's no big deal. Everybody does it in America.
"Women!" he muttered. Kahit kailan ay hindi niya ito maiintindihan. Ayaw nitong makipag-sex sa kanya pero ayaw rin nitong makipag-sex siya sa iba? That's being selfish, right? He's just a man. May mga pangangailangan na kung hindi mapunan ay kailangang mairaos one way or the other.
Napabuntong hininga siya at tinitigan ang phone. How many times did he call Via for this day? He lost count. Nakaka-miss ito. For his eighteen years of existence, he came to know what love is. For him, it is and will only be Olivia Pereira. Napapikit siya nang maalalang hindi pa rin sila nakakapag-usap nang maayos. Ayaw nitong makipagbati sa kanya. Paano kung makahanap ito ng iba doon? Someone who will be contented with boring holding hands and kisses on her cheeks?
"Damn!"

"Nay, bakit kailangan ninyo pa akong ipakilala sa mga Pereira kanina?" tanong ni Mariel sa nanay niya nang nasa kusina na sila.
"Anak naman, siyempre para makilala ka nila," umiiling na sabi nito. "Para hindi tayo mapaalis dito nang basta-basta."
"Bakit naman nila tayo paaalisin e ginagawa naman natin ang trabaho natin?" Napailing siya. "Nay, maganda  ba ako?"
"Anak," sinalat siya ng nanay niya. "May sakit ka ba?"
"Nay naman!"
"Oo naman," nakangiting sabi ng nanay niya. "Mana ka yata sa akin!"
"Tingin mo, maaakit ko si sir Gilbert sa ganda ko?" matamis ang ngiting tanong niya. Binatukan siya ng kanyang kausap. "Nay naman!"
"Hoy, Mariel ha! Tigil-tigilan mo yang pag-iisip nang ganyan!" pasinghal nitong sabi. "Teka nga, may relasyon ba kayo nun?"
"Wala nay!"
"In love ka ba dun?"
"Naks! Si nanay, nag-i-English," kantiyaw niya rito.
"Sagutin mo ko, kundi tatamaan ka sa akin!"
"Wala po," nakasimangot niyang sabi.
"Mariel, ha! Huwag ko na uling maririnig sa 'yo 'yan! Sa iba mo gamitin yang alindog na na ewan ko kung meron nga." Napasimangot siya lalo sa tinuran ng kanyang ina. "Huwag sa amo natin! Huwag na huwag."
"Ang paranoid mo naman 'Nay! Wala akong gusto dun."
"Mabuti nang nagkakaintindihan tayong babae ka!"

Straight from his flight to the Philippines ay pinuntahan agad ni Michael si Via sa bahay ng mga ito. He is actually worried dahil hindi nito sinasagot ang cellphone nito kanina pa. Actually ay tangan niya ang cellphone niya upang ma-contact ito but to no avail.
Why the hell no one isn't opening the gate? Shit!
Sa sobrang frustrated niya ay ilang beses niyang pinindot ang doorbell.

"Ay, kabayo!" Nagulat si Mariel nang marinig ang sunod sunod na doorbell. Kanina pa niya iyon narinig ngunit may ginagawa siya sa kusina kaya hindi niya pinansin. Saka andun naman si manang sa may sala. "Ang OA naman nung kung sinuman na yun! Sino ba 'yun?"
Upang manahimik na ang kung sinumang nagdo-doorbell ay tinungo na niya ang gate.
Ang gwapo naman niya!
May ngiti sa labing pinuntahan niya ang nakakunot noong lalaki. Baka sakaling mabura ang inis nito.
"Hello po! Ano pong kailangan ninyo?"
"What took you so long?!" inis na sabi nito sa kanya. May accent ito at sa sobrang bilis ay hindi niya na-gets ang sinabi nito.
"Ha?!"
"I said ---" Tila nagbago ang isip nito. "Nevermind. Is Via there?"
Ang sarap pakinggan ng boses niya. Para siyang kano kung magsalita pero Pinoy naman siya. Mas gwapo pa siya kay sir Gilbert. Hihihi!
"Miss, hello?!"
"Ha?"
"Ang sabi ko, nandiyan ba si Via?"
"Aahh, sina ma'am Via? E nasa ospital po kasi sinugod si ma'am Criselda."
"Ha?!" Nabakas sa gwapong mukha nito ang pag-aalala. "Saang hospital?"
Sinabi niya rito ang pangalan ng ospital.
"Thank you, Miss." Iyon lang at umalis na ito.
Jowa kaya yun ni ma'am Via? Sana friends lang sila para may pag-asa pa ako kay Pogi. Hihihi!

7 comments:

noljame said...

wew!! so far so good ^.^ i like it! keep up the good work girl..

Leyzell said...

GANDA!!! hehe. uber si mariel. napatunganga sa kagwapuhan ni michael!! ganda. love it. update soon!

tanya said...

wow ate lhee!. bravo. galing

Lhee said...

maraming salamat sa lahat ng natuwa sa gawa ko. di ko to expected! (trip lang magdrama) hahaha!

katluvnjade said...

i love this lhee:)

ang ganda! ginawan mo talaga ng paraan ang pangarap natin...ha,ha!
natutuwa ako promise!

michael and mariel go!!!

-----kat

Lhee said...

halu kat! mabuti naman at ikaw ay natuwa sa aking kalokohan :P

bellie017 said...

i love Jaevon but i admit, among all the great loveteams baby devs has, Devquen is the next one that captured me.

i love them...hope that you'll do another chapter of this one!

love MSP!