Tuesday, March 29, 2011

Pangarap Chronicles

maraming salamat kay mary ng pex para sa larawan

Magandang araw sa mga nagbabasa ng aking blag. Nagtataka siguro kayo ngayon kung bakit nasa wikang Filipino ang kasuluyang ipapaskil ko. Ako ay merong dahilan. Una, dahil nakasulat sa wikang Filipino na may kaunting wikang Ingles ang drama na aking pinapanood tuwing alas sais ng gabi. Ito nga ay ang Mula Sa Puso. At pangalawa, dahil balak kong gumawa ng mga maiikling kwento na may kinalaman sa sinusubaybayan kong palabas sa ngayon. At siyempre, ang mga kwentong ito ay isusulat ko gamit ang ating pambansang wika.

Gaya ng inyo na sigurong alam, ako ay kinikilig sa tambalan nina Devon Seron at Enrique Gil. Bagay ang dalawang ito sa akin palagay at isa ako sa nagagalak sa kanilang pagkakaibigang walang malisya. Kaya ako ay nakakaramdam ng konting kahungkangan na hindi sila magtatambal sa Mula Sa Puso. Ngunit iyon ay maluwag sa puso kong naiintindihan sapagkat ang kanilang mga karakter ay kaunti lamang ang ugnayan sa isa't isa. Si Michael (Enrique) ay lubos na umiibig kay Via at si Mariel naman ay katulong ng pamilya ng babaeng iniibig ng una, bukod pa sa iba naman talaga ang makakapareha ni Devon dito.

Ito ang nag-udyok sa akin upang gumawa ng mga kwento na aaliw sa akin at sana ay maging sa inyo. Hindi ko nais na maimpluwensiyahan ang skrip na nakabaybay na ngayon. Ngunit nais kong punan ang aking pantasya tungkol sa tambalan nina Michael at Mariel. At nawa ito ay aking masimulan at matapos.

Maraming salamat sa pagbabasa sa paskil kong ito. Muli, magandang araw sa lahat.

1 comment:

superior-minori said...

wooo!!! go!!!
marubdob at mula sa kaibuturan ng puso kong nais ipayag na aking aantabayanan ang anomang iyong handog bilang ang pagkakaibigan nila devon at quen o mariel at michael kung inyong mas mamarapatin ay isa na sa mga nagpapangiti sa akin

-gumagalang
tang