Monday, December 19, 2011

Pangarap Chronicles Scene 13: Denied Jealousy

Unconsciously, Michael's eyes turned into slits when he saw Mariel with some man he doesn't even know. It made his blood boil with annoyance. Rinig na na rinig pa niya ang malakas na tawa nito habang kinikiliti ito ng kung sinumang lalaking iyon. Maging ang may-ari ng resort ay nakikisali rin sa biruan nila habang ang ka-jamming naman ay ang isang lalaking kasing edad nito.
He examined the guy. He's tall and good looking. Urg! And he seems playful!
"Hey, babe," untag sa kanya ni Faye, ang isa sa mga babaeng kasama niya. "Who are you looking at?"
Nginitian niya ito pagkatapos sulyapan uli si Mariel at ang kasama nito. "Oh, some girl."
"Oh, you're making me jealous?" Hinaplos pa nito ang dibdib niya. This woman is really hot.
"Are you?"
"Well, I'm the one you're with right now, lover boy." Then she moved closer and touched his cheek. He kissed her lips. If Mariel's having fun with some guy, why can't he do the same?
Ehem!
Okay! Hindi iyon ganun. Ito naman ang plano niya umpisa pa lang di ba? Ang maka-move on. Whatever Mariel's doing is her choice and hers alone.
"You're so good," the woman purred after the kiss. He smiled seductively at her and kiss her again.

Sa mga kasalukuyan pong kumakain, ipagpaumanhin po ninyo ang nakakasulasok na kaganapan. Live na live po nating napapanood ang amo ko pong fake, nakikipagtukaan na, ayan po oh! Uhm! Nakikita ninyo naman po! Pustahan po, mga katoto! Kapag natapos po sila sa kanilang paglalampungan ay wala na po silang mga nguso! Excuse me poh!
"Uy, Mariel, nakasimangot ka na naman diyan?"
"Ha?" Nilingon niya si Neil. "Wala. Nakakabwisit lang ang mga taong nag-pi-PDA na akala mo kanila ang swimming pool."
"Hmmm..." Dahil sina sir Michael at ang malanding babae lang naman ang naghahalikan sa swimming pool ay nakita agad iyon ni Neil. "Ang sexy ng babae."
Napaamang siya rito at tingin uli sa babae. In fairness, kung lalaki siya ay maglalaway din siguro siya sa babae. But still!
So, kailangan talaga nakanganga itong lalaking ito!
"Toy, peram lang nitong timba mo ah," paalam niya sa bata nang makita niyang mga timba itong hawak. Ininguso niya ang Neil na feel na feel sa panonood ng live soft porn show na nagaganap sa pool. Nakangising tumango ang bata na na-sense ang maitim niyang balak.
Sumalok siya ng tubig na pumwesto sa likuran ni Neil. Buti na lang at malapit sila sa may hagdan para makatuntong siya doon. Pagkatapos ay binuhos niya rito ang tubig. Napasinghap pa nga ito at inubo-ubo pa. Napahalakhak siya at ang bagets na may-ari ng timba.
"Ano, dude, bumaba na ba ang temperatura sa katawan mo?" pang-asar niyang sabi. Habang tawa pa rin nang tawa ang bata.
"Ah ganon ah," nakakalokong ngumiti ito at itinaas ang mga kamay nito. Nanlaki naman ang mata nila ng bata na sumiksik sa kanya. Nang lalapitan na sila nito ay sabay silang sumigaw nang...
"Monster!" At kumaripas sila ng takbo.

Michael broke the kiss with Faye and watched Mariel and a kid run after shouting "Monster!" to the guy. Parang batang si Mariel na hagikhik lang nang hagikhik habang akay ang bata. Nang abutan ito ang mga ito ng lalaki ay kiniliti nito nang kiniliti ang dalawa.
Again, his blood boiled. That prick has no right to touch Mariel! His Mariel!
Possessive much?!
"T-Tama na!" Hindi na halos makahinga si Mariel habang walang awa pa rin itong kinikiliti. Ganon din ang bata. "T-Tap out na ako!"
But that ass of a guy didn't listen and mercilessly touched his sweetheart. Hindi ba nito naisip na baka ma-out of balance si Mariel lalo pa't may akay itong bata? Paano kung mapilayan ito at maospital? Or worse, mahulog sa pool at malunod?
Uhm, dude, that's being exaggerated! They're just having fun.
But he can't take it anymore. Nilapitan niya ang mga ito at tumikhim nang malakas. Napatigil naman ang mga ito.
"Do you know these people, baby?"
Oh right. He's with Faye. Damn. He forgot.
Tumikhim siya uli at inakbayan ang babae.
"Oh, this is Mariel and..."
"Si Neil po..."
"At ako naman po si Junjun!" bibong sabi ng bata.
"Oh! Nice meeting you," magiliw nitong sabi.
"Hello," alanganing bati naman ni Mariel. "Ahm, sige mauna na kami. Ibabalik pa namin itong si Junjun sa mga magulang niya."
"Pakainin ninyo muna ako," sabi naman ng bata.
"Sige 'pag pumayag mga magulang mo," sabi naman nung Neil.
"Sige sir! Una na kami. Enjoy!"
She's not affected?! I mean, she saw me kissing a girl...
Ipinilig niya ang ulo sa naisip.
E ano naman ngayon?

Magaling, magaling, magaling! Ikaw na ang artista, Mariel.
Arista? Sinong artista? Siya? Totoo naman ang ipinakita niya kay Michael at sa sawang babae, ah? Hindi naman talaga siya affected na ang kamay ng sir niya eh nasa balikat ng seksing babae. Hindi nga niya naisip na sabunutan ang babaeng iyon na sumingit agad kahit na hindi naman ito kasama. Tuwang-tuwa nga siya na may kalingkisan ito at kahalikan kanina. Kahit na ang halay, ayos lang! Buhay naman nila 'yun. Really. Malalaki na ang mga iyon. Mas matanda pa nga sa kanya di ba? Really. It is REALLY okay.
Mag-speech ka pa, girl! Dali! Malapit na! Malapit mo nang maloko ang sarili mo.
"Nawawala ka na naman sa sirkulasyon, Mariel," untag sa kanya ni Neil. "Ipagpapaalam pa ba natin ang bubwit na to?"
"Ang sama mo, kuya! Isama ninyo na ako."
"Huwag kang maniwala diyan sa kapreng 'yan, Junjun," naiiling naman niyang sabi at binuhat ito. "Uubusin pa natin ang pera niyan."
"Sobra naman kayo!"
"Ganyan talaga ang parusa sa mga nanonood ng porn."
"Porn? Ano po 'yun ate?"
"Wala 'yun, Junjun. Para lang iyon sa mga matatangkad na kailangang manlibre."
"Manlilibre din po ba ang lalaking may kasamang babae?"
"Hay naku, Junjun, pagtiyagaan mo na lang itong matangkad sa tabi natin," aniya. Sumimangot naman si Neil.
"So, second choice lang ako, ganon?"
"Beggars can't be choosers, dude!"
"Pang-aasar ba 'yan o may bahid ng katotohanan?"
"Ang lalim nun ah!"
"Sagot."
"Pang-aasar," aniya dito na tiningnan ito wearing "Are you kidding me?" face. "Mukha bang gusto kong kasama si sir? E di makagulo pa ako sa moment nila nung chick."
"Huwag mo nang isipin yung lalaki, ate," anang bata na malambing na niyakap siya. "Nandito naman kami ni Kuya Neil!"
Natatawang ginulo niya ang buhok nito. Bakit naman iniisip ng batang ito na iniisip niya si Michael eh hindi naman?
Ow.kay.

No comments: