"Sir, tumawag po pala yung Aquaventure Reef Club." Napataas ang tingin ni Michael sa secretary niya nang sambitin nito iyon. That was the resort he chose for Saturday. The scenery looks great and the facilities are cool. Mariel will surely enjoy. "Okay na raw po yung reservation ninyo dun."
"Good," napapatangong sabi niya. "Have they reserved two rooms?"
"Yes, sir."
Napatango siya. "How about the manager? Have you told him my request?"
"Certainly. At pumayag naman po sila."
"Thank you," natutuwang sabi niya. So far, so good. Buti na lang at pumayag ang mga ito na maging subject ang resort ng mga ito sa feasibility study. Mukhang hindi masasayang ang oras nila ni Mariel. Tiyak siyang magwawala ito kung wala itong mapapala.
Contented, he goes back on reading the documents. Tatapusin na niya iyon para wala na siyang iisipin for next week. He plans to enjoy his escapade.
"Mariel, bakit kanina ka pa nakatulala diyan?" ani Via na kadarating lang galing sa extended honeymoon nito with Gabriel. Habang nakikipag-usap si Gabriel sa mga katropa nito ay andun naman sila sa kwarto nito (at ng asawa nito) at nagtsitsikahan.
"Ha?"
"Sabi ko, bakit kanina ka pa nakatulala diyan?
"Nakatulala ako?"
"Ay, hindi," anito na natatawa sa kanya. "Ano 'yan, ha? Say it."
Umiling siya. Wala naman talaga. Well, kahapon meron pero nasolusyunan na iyon ni sir Michael. Hindi lang niya alam kung paano siya magpapaalam sa nanay niya na magmumukhang wala siyang tinatago. Wala naman talaga. Pero siyempre, ayaw niyang makahalata ang nanay niya.
Ang gulo mo, girl. Wala raw e di mo nga sasabihin sa kanya na kasama mo si sir Michael.
Wala naman kasing malisya iyon. Nagkataon lang na lalaki si sir Michael kaya ganun. Pero wala naman talaga.
Echos ka, girl!
"May hindi ka nga sinasabi sa akin," nakatitig na sabi sa kanya nito. "Ano ba 'yun?"
"W-wala," napapakagat-labi na sabi niya. "So, kumusta naman ang honeymoon ninyo ni Gabriel?"
What's taking that girl so long?
Kung makikita lang siguro si Michael ng kanyang mga tauhan, kung anu-ano na ang iniisip siguro ng mga iyon. Nakataas ang mga paa niya sa kanyang office table while leaning on his swivel chair. And he's at that while counting the number of rings he has heard on his cellphone. What is that girl doing? And why on hell is her cellphone located.
"H-hello, sir!" Napaayos siya ng upo nang sa wakas ay narinig na rin niya ang boses nito.
Finally!
"What took you so long?"
"Naghugas lang po ako ng pinggan," anito sa kabilang linya. "Kanina pa po ba kayo tumatawag?"
What the---
"Hindi naman. Anyway, I've made a reservation a resort somewhere in Batangas. Nakapagpaalam ka na ba sa nanay mo?"
"Hindi pa nga po, eh," anito. "Mamaya na lang po siguro. Magkano po ba dun?"
Mariel, seriously---
"It's on me."
"Nakakahiya naman po."
"Don't worry about it," sabi niya rito. "Anyway, magdala ka ng pamalit ha."
"Oo naman po," anito. "Siyempre, swimming po yun, eh."
Geez...
"Hmm, two days and one night ang pina-reserve ko so galingan mo sa pagpapaalam mo."
"Ahh. Mukhang may mga katropa po kayong kasama sa pangtsi-chicks ah."
"Nope," aniya na sumulyap sa relo. Alas siyete na pala. "It's just the two of us."
"Po?! Seryoso po?!"
Sandaling inilayo niya ang cellphone sa kanyang tainga. So the little girl is surprised, huh.
"You heard it right."
"G-ganon po ba? A sige po, thank you po sa pagsabi sa akin. Bye, sir."
"Good night, Mariel."
"Good night din po."
Then, the dial tone again.
Fifteen. She said it fifteen times. Geez!
Naiiling na niligpit ni Michael ang nasa table niya. Looks like mapapaaga ang 'pagpapakaemo' niya.
"Ano?!" Napangiwi si Mariel sa nakitang reaction ng nanay niya. Sinasabi na nga ba. "Mag-o-overnight ka kasama ni sir Michael sa resort?"
"Tinutulungan lang po ako nung tao sa feasibility study ko," aniya.
"Kahit na." Nasa mukha ng nanay niya ang pagtutol. "Kayong dalawa lang 'dun."
Napakamot siya sa ulo.
Hay! Subject na mukhang magiging bato pa.
"Mariel, hinahanap ka ni Michael." Out of the blue ay biglang sumulpot si Via sa kusina. Bakas ang pagtataka sa mukha nito.
Bakit kumpleto ang mga tao dito?
Hindi makatingin si Mariel kay Michael. Paano kasi ay andun sa sala ang buong pamilya ng mga Pereira bukod sa kanya at sa nanay niya. Andun din si Warren na mukhang makikitsismis lang yata at si ate Priscilla na kachikahan ni tita Magda (iyon na ang pinatawag sa kanya nito) kanina.
"Bakit ka nga pala napapunta rito, pare?" tanong ni Gabriel na nang-aasar pang tumingin sa kanya.
"Magpapaalam sana ako na isasama ko si Mariel sa resort for two days," nakangiti namang sabi nito.
"For two days?" tanong naman ni Don Fernando. "Kayong dalawa lang?"
"Yes, tito," cool na cool namang sagot nito. Samantalang siya ay hindi na mapakali.
"Nasabi na sa akin 'yan ng anak ko, sir Michael," sabi naman ng nanay.
"Michael will do, tita," sabi naman nito.
"Michael, sana maintindihan mo pero di ko mapapayagan ang sinasabi mong pagpunta ninyo sa resort na 'yan."
"Oo nga naman, hijo," sang-ayon naman ni tita Magda. "Hindi magandang tingnan na kayong dalawa lang ni Mariel sa resort na 'yun."
"I understand your concerns, tita Tindeng, tita Magda, but I just want to help Mariel with her project while me having a vacation as well," anito. "Hindi po ako masamang tao. Tito Fernando and Via can vouch for my character."
"E, alam naman naming mabait kang bata," anang nanay niya. "Pero..."
"You can have my cellphone number, tita," ani Michael. "I won't let anything bad happen to Mariel while she's at my care. Or if you want, you can join us. Sagot ko po."
"Tindeng, Michael is a responsible young man," ani Don Fernando. "Ako nang nagsasabi sa 'yo, mapagkakatiwalaan natin ang batang ito."
"That's true po, yaya," sabi naman ni Via.
Huminga muna nang malalim si Tindeng bago sumagot. "Ako eh hindi na sasama sa inyo dahil may aasikasuhin din ako. Pero Mariel, tawagan at i-text mo ako maya't maya."
Tumango na lang siya.
"Thank you po, tita."
"Pare, alagaan mo 'yan," ani Gabriel.
"Pamilya ang turing namin sa batang 'yan gaya ng nanay niya," sabi naman ni Don Fernando.
"Naiintindihan ko, Gabriel, tito Fernando."
"Mabuti kung gayun," ani tita Magda. "Kumain ka na ba, hijo?
"Hindi pa nga po, eh."
"Ganun ba?" Binalingan siya ng kaibigan ng nanay niya. "Mariel, ang mabuti pa eh ipaghanda mo ng makakain si Michael."
"Opo."
"Halika Michael at sasamahan ka namin ni Tindeng sa hapag."
"Yes, tita."
"Salamat po sa pagpapaalam sa nanay ko, sir," agad na sabi ni Mariel nang iwanan na sila ng nanay niya at ni tita Magda. "Pati na rin sa mga tao dito."
"It's no big deal, Mariel," nakangiting sabi nito. "So, dito na lang kita susunduin."
"Okay lang po sa akin," aniya. "Mga anong oras po ba tayo aalis?"
"I think around seven o 'clock," anito sabay subo. "The food is good. Sinong nagluto?"
"Ang nanay ko at si tita Magda. Napanood daw nila sa TV."
"Ikaw, marunong ka bang magluto?"
"Oo naman, sir," natatawang sabi niya. "Hindi nga lang po siya kasing sarap ng luto nina Nanay."
"Can you remove that?"
"Po?"
Hay, talaga naman!
"That "po," "opo," and "sir" thing," anito. "It's freaking me out."
"Bakit naman po, sir?"
Bakit nga ba, man?
Because she's starting to be a friend.
"Michael." Then, his eyes caught hers. "Call me that."
"M-Michael."
"Good girl," nasisiyahang sabi niya na pinisil pa ang baba nito. "Don't ever forget that."
Is she really starting to be just a friend?
Oh, shut up!
"A-anong mangyayari kapag kinalimutan ko?"
Call it rebelion pero trip ni Mariel na kontrahin ito kahit na ang laki ng naitulong nito sa kanya.
"Ipagkakalat ko na mayroong isang bata sa bahay na ito ang may crush sa akin." At talagang kumindat pa ito
At talagang 'yan pa ang pinanakot?!
"Excuse me nam---"
"Just call me by my name." Muli ay hinuli nito ang mga mata niya. And she lost her will to rebel. "Please."
Nang tumango siya, nangingiting binalikan nito ang pagkain nito.
6 comments:
mare!!!!kinikilig ako!!!asan ang karugtong nito?????ilabas mona!!! :D
i want more! char! ganda na..kakakilig...miss ko na ang devquen.
ayyiee! naiinlab na si SIR michael! ahhaha! bitin lang! hahah! :D
jak --> wala pa akong kasunod na eksena. nawalang parang bula ang nasa isip ko >.<
anon --> kakamiss nga ang magbes na yan Y_Y sana may bagong project na uli si baby devs
thanatos --> bwahahaha! natuwa naman ako sa comment mo
,,,,,,hai.....grabe kakakilig po tlaga,sana po my ksunod n,sna ipsok ng abscnb c devon s budoy,patner n enrique,,,,,,,,
awww!! nakakakilig nmn!! kaso bitin!! sana tuloy2 na paggawa u ng story... i'm so looking forward to this one :)
Post a Comment