Chapter 22: Samvon
"Nasa labas na raw sina Debbie." Nagtatakang napalingon si Yvonne kay Ryan. Bakit nasa labas ang mga iyon? Hindi ba nag-CR lang naman sila at naturally ay babalik sila sa upuan nila?
Tila nabasa naman nito ang nasa isip niya at nagkibit-balikat lamang ito. "Mabuti pa, puntahan na lang natin."
Tumango siya at tumayo na sila.
"Don't worry, Yvonne, mababait naman ang mga 'yun," pag-a-assure nito. "Ako na ang magbibitbit ng bag mo. Ang laki pala niyan."
Alanganing natawa na lang siya. "Ako na lang, kuya. Salamat."
"Hoy, Debbie, Cheche, huwag ninyong i-terrorize yun ah," paalala niya sa mga ito. Binatukan tuloy siya ni Debbie. "Bakit ka ba nambabatok?"
"E paanong di ka babatukan e ilang beses mo nang sinabi sa amin 'yan," naiiling na sagot naman ni Debbie sabay suntok pa sa braso niya. "Ano namang akala mo sa amin, nangangagat ng mga nerd na hindi nagsusuklay?"
Umismid lang siya.
"O ayan na pala sila," ani Cheche. "At para silang a-attend sa costume party."
Napalingon silang dalawa ni Debbie sa direksyon nina Yvonne at Ryan. Oo nga. Parehong makapal ang salamin ng mga ito at pareho din ang pang-itaas. Not to mention na parehong long hair ang mga ito na akala mo ilang araw nang hindi nagsusuklay. Pinagtitinginan na nga ang mga ito.
Nagulat si Yvonne nang basta na lang siyang hablutin ni Samuel palayo kay Ryan. Nang lingunin naman niya ito at poker face lang ito.
"Bakit ninyo kami pinalabas?" tanong ni Ryan. Ngunit tumingin lang ang asawa nito kay Samuel. Maging ang isa pang babae na sa pagkakatanda niya ay Cheche ang pangalan ay tumingin lang sa kasama niya. Sino ang mga ito?
"Tigilan ninyo nga ako," naiiling na sabi ni Samuel. "Kailangan ko nang bumalik sa stage at nagte-text na ang manager ko."
Iiwan siya ni Samuel sa mga ito?
"Dito ka muna sa mga 'to." Nabasa yata nito ang nasa isip niya. "Huwag kang mag-alala, hindi ka naman aanuhin ng mga ito."
"Anong 'aanuhin,' Samuel," nakakaloko ang ngiti na tanong ng asawa ni Ryan.
"Debbie, ha! Umayos ka!"
"Maayos naman ako ah." Nagmaang-maangan pa ito. "Ano naman ang pwede kong gawin sa pinsan ng asawa ko?"
"Cut it out!" asik ni Samuel sa babae. "You know she's not."
"Ha?"
"Sorry, obvious ka, girl."
"At obvious din ang ermitanyong 'to."
"Ermitanyo?"
"Mukha naman siyang ermitanyo, eh."
"Hay Debbie," natatawang sabi ni Samuel. "You really haven't changed!"
Really haven't change? Sino ang Debbie na ito kay Samuel?
"Basta, kayo muna ang bahala dito, ha." Kailangan na talagang umalis ni Samuel para mag-perform. Bad trip naman kasi ang entrada ng dalawang babaeng 'to, napaka-wrong timing. Not that he wanted to meet with them, in the first place. At least, not in the situation he and Yvonne is into.
"You can leave Yvonne with us." Sa wakas ay nagsalita rin ang asawa ni Debbie.
"Text mo ako, Yvonne," aniya. Mukha namang okay si Yvonne at ang asawa ni Debbie. Sa ngayon, pagkakatiwalaan niya muna ito. Sa ngayon.
Chapter 23: Ryvon
"Ang tahimik naman," comment ni Cheche. Kanina pa sila nasa Starbucks pero walang nagsasalita sa kanila. Nakikiramdam lang sina Debbie at Ryan, text lang nang text si Cheche at nakayuko lang si Yvonne at nakikipag-staring contest sa kape nito.
"Alangan namang i-interrogate ko 'tong isang 'to eh di patay naman ako kay Samuel," ani Debbie na umismid pa.
"Itanong mo na lang kaya kung anong nakaraan nila ng asawa mo."
"Ha?!" Biglang nagtaas ng tingin si Yvonne. "Wala kaming nakaraan ni kuya Ryan."
"Ah, okay." Napatango lang si Debbie though napansin niyang medyo pwersado ang pagkakasabi nito. "Paano kayo nagkakilala nitong si Ryan."
"Ahm, ano kasi..."
"Kasi ano? Huwag mong sabihing may something din sa pagkakakilala ninyo ni Ryan?"
"Something?" Ryan inquired. "Ano naman ang magiging something sa amin ni Yvonne?"
"You tell me, Ryan," napapakamot sa leeg na sabi ni Debbie. "She said you're cousins yet you're not. Baka naman, mag-cousin kayo talaga. As in, mag-cousin-tahan."
"What?!" di makapaniwala ang ermitanyo sa sinambit ng asawa. "You're my wife yet pinagbibintangan mo akong may girlfriend?"
"Aba, malay ko." Akala mo ay chill lang si Debbie. "Bakit nauutal pa itong si Yvonne e tinatanong ko lang naman kung paano kayo nagkakilala?"
"E kayo nung Samuel na 'yun? Paano kayo nagkakilala?"
"Ermitanyo, use your head!"
"Huwag mo nga akong ma-use-use your head diyan! Sagutin mo ako nang matino."
"Ako, kailangang sagutin kita nang matino pero itong Yvonne mo, okay lang na magsinungaling at magpaligoy-ligoy?!"
"Ah, guys, kasi---"
"Shut up!" Tiningnan nang masama ni Debbie ang nagsalitang si Yvonne kaya di na nito natuloy ang sinasabi.
"Hey!" saway ni Ryan dito. "Huwag mong ibaling sa iba ang init ng ulo mo."
"Right," ani Debbie. "Then, I'm gonna get out of here so I can freakin shup up!"
Iyon lang at nag-walk out na ito.
After that, isang nakaka-tensyong katahimikan na naman. Until Yvonne decides to say something.
"Ahm, kuya Ryan, sorry."
"Don't be," napabuntung-hininga si Ryan. "It's my fault."
"Good thing, you're aware of that," banat ng kaibigan ni Debbie na si Cheche. "I'm gonna check out on her. Nag-subside na siguro ang init ng ulo 'nun."
"Ako na," pagbo-volunteer niya. "Ikaw na muna ang bahala kay Yvonne, Cheche."
"Yvonne, baby ka ba?"
"Huh?"
"Nagmumukha kasi kaming babysitter pag kasama ka namin."
"Ha?! Naku, sorry!"
"No biggie," nagkibit-balikat lang si Cheche nang makita ang di makapaniwalang-tingin ni Ryan dito. "O, akala ko ba, ikaw na ang bahala sa asawa mo?"
"Excuse me."
"Masama sa katawan ang paninigarilyo." Nagulat na lang si Debbie nang may kumuha ng yosi niya sa kanya at itapon iyon. It was her husband.
"Hindi mo nga pala alam na naninigarilyo ako," aniya. "Ang dami pa nating hindi alam sa isa't isa."
"Tama ka," ayon naman nito. "Sabagay, madalian ang pagpapakasal natin. Ni hindi man lang tayo nagkaligawan at nagkagustuhan."
"Nagsisisi ka ba na ako ang pinakasalan mo?"
"Hindi," diretsong sagot naman nito. Napalingon siya rito. "Dahil sa 'yo, naeengganyo akong kumain sa labas ng lab ko. Natutulog ako sa kwarto natin gabi-gabi. You made me want to do simple things an ordinary husband does. Gusto kitang i-date, bilhan ng mga magagandang bagay, payagan ka sa mga lakad mo gaya ngayon. And then sunduin ka para mag-request sa akin ng extension sa pakikipag-party mo with you friends. At kapag napapangiti kita, I felt that I did my best as your husband."
"Ang lalim nun ah," nakangiting sabi niya.
"Hindi ka na galit sa akin?"
"Hmm, pag-iisipan ko pa."
"Ah ganun?" Iyon lang at kiniliti na siya ni Ryan.
"Anak ng! Ermitanyo!"
5 comments:
mare,kilig:)))))
tyet! ang sweet ni ermitanyo! hahahha!
wahahahahahahah ermitanyo na talaga ang tawag sa kanya...at nag walk out si debbie at ang dali namang nasuyo ni ryan si debs
at may ganun na linya nag ermitanyo akaa ko mga word chemicals ang ang alam sabhin lol....
anak ng!ermitanyo....:)))
-blue :))
ang sweet nga ng ermitanyo lolz
blue, dapat lang na wag mag-inarte si debbie, may kasalanan din naman siya eh hahahaha! at natawa naman ako sa chemical lang ang alam sabihin ROTFL pero in fairness, alam niya ang santelmo LOL
hi po, Next po sana ng Husband and wife. I love the story
Post a Comment