Monday, July 18, 2011

Husband And Wife Chapter 13

Chapter 13: Morning After That

Tutututut! Tutututut! Tutututut! Tutututut!
Half-sleep, hinanap ni Debbie kung saan galing ang tunog na iyon. Inaantok pa siya at masakit ang katawan niya, particular na sa lower body niya, sa may balakang. Kinapa-kapa niya ang study table na malapit sa kama at natagpuan niya ang cause ng tunog, ang kanyang cellphone na mistula na ring alarm clock. Halos nakapikit pa rin ang mata ay tiningnan niya ang oras.
Alas sais na pala. Tanghali na!
Kahit tinatamad ay pinilit niyang bumangon. Ngunit hanggang pilit lang iyon dahil bukod sa nananakit niyang lower body ay tila may bato pang nakadagan sa kanya. Particular na sa kanyang mga hita at baywang.
At ang hangin naman sa may bandang batok ko?
Lumingon siya sa pinanggagalingan niyon at nakita niyang natutulog si Ryan. Bigla tuloy niyang naisip ang mga nangyari kagabi.
Hmm..sumugod siya sa kompanya ng dati niyang pamilya. Kinasal sila ng ermitanyo, nagkiss dahil sa mahadera nitong pamangkin, kumain, umuwi sa bahay. Then, bumaba ang ermitanyo sa lab nito, may sumabog, nakita niya ang taong grasa look nito, inasar niya, tapos...
Biglang nag-init ang magkabilang pisngi niya.
"Debbie, ayos ka lang?"
Gsfjfhue! Kailan pa nagdilat ng mata ang ermitanyong 'to? At fhrgjvs! Naisip ko na gwapo siya?
"G-Gising ka na pala." Bigla siyang umiwas ng tingin dito. "Nagugutom ka na ba?"

Napangiti si Ryan sa naging reaction ni Debbie. Obvious na iniiwasan siya nito kahit na wala pa naman siyang ginagawa rito.
"Ano, ermitanyo?" untag nito sa kanya at tinanggal ang braso niya sa pagkakayakap sa baywang nito. "Gutom ka na ba?"
"You sounded like a wife," comment niya at hinapit ito. "And to answer your question, wifey, yes, I'm starving."
"A-ah, e-eh, ganun ba," tila biglang nagpanic na sabi ng asawa niya. Ang cute-cute nito, blushing like that. "E di bumangon ka na diyan at---"

Hindi na natuloy ni Debbie ang sinasabi niya ng bigla siyang halikan ni Ryan. Dahil nagpanic na siya ay buong effort na pilit niyang itinulak ito but to no avail.
"Ano trip mo ba sa buhay?!" agad niyang singhal dito nang pakawalan nito ang mga labi niya.
"Ahm, sinusunod ko ang asawa ko," sagot naman nito na leeg naman niya ang pinuntirya. "Sabi mo, kumain ako di ba?"
Kumain?! Mukha bang fried chicken ang leeg ko?
"A-ano ba, ermitanyo, tigilan mo nga 'yan," pilit pa rin niyang itinutulak ito ngunit hindi niya akalain na malakas pala ito.
"Gusto mo ba talagang itigil ko?" anito na sige lang sa ginagawa. Ang mga kamay nito ay naging busy na rin. "Ano? Debbie, itutuloy ko ba?"
Anak ng tokwa naman, oh!
Sa totoo lang ay hindi naman niya gustong tumigil ito. Pero hindi tama ang ginagawa nila nito.
Correction, hindi mo lang akalain na magkakaganito.
"I guess, silence means yes." Nagulat na lang siya na nakatapat na ang mukha nito sa mukha niya. And then, he claimed her lips once again.

Chapter 14: Breakfast

"Good morning po," alanganing bati ni Debbie sa mga in-laws niya.
"Oh, good morning hija," bati sa kanya ng manugang niyang babae. "Did you sleep well last night?"
"Ah, eh, opo," alanganin pang tumawa siya. Siyempre, half-truth iyon dahil hindi naman sila maagang natulog ng ermitanyo kagabi.
At malamang dahil sa ubos na ang physical strength mo kaya nakatulog ka agad.
"Hija, naiinitan ka ba?" concerned na tanong sa kanya ng manugang niyang lalaki. "Namumula ka."
"Ayos lang po ako." Pull yourself together.
"O siya, maupo na kayo ni Ryan at sabayan ninyo na kaming kumain," sabi nito na agad naman nilang sinunod.
"Nasaan nga pala sina kuya Robert," tanong ni Ryan sa mga magulang habang nilalagyan ng fried rice ang plato niya. Inosente lang itong tumingin sa kanya nang sikuhin niya ito kaya napapabuntong hininga na lang na hinayaan niya ito sa trip nito sa buhay.
Tumikhim ang papa ni Ryan. "Maaga silang umalis at papasok pa sa school si Denise."
"Kain lang nang kain, hija," sabi naman ng mama nito. "Huwag kang mahiya. Tutal ay bahay mo na rin ito."
"And while you're at it, I think we have to discuss some matters, Debbie," sabi naman ng papa nito. Mukhang may idea na siya kung ano iyon.
"Tungkol po saan 'yan?"
"Tungkol sa pagpapakasal ninyo ng anak ko," diretso namang sabi nito. "Your motive for marrying my son is not something I will agree at wala na akong magagawa doon but I won't tolerate it kung ipapahiya mo ang anak ko sa mga pinaplano mo."
"Papa, must we talk about it while eating?"
"Why not?" anang papa nito na nang-uuring tiningnan pa siya. "Ayoko lang na magpapauto ka sa babaeng 'yan, hijo."
And this is the same old man who forced the hermit not to stay on his lab. Old people!
"Pinakasalan ko po si Debbie nang walang pumipilit sa akin," sabi ni Ryan. "And besides, kung meron man po siyang gawing kapalpakan, I will take responsibility for it."
"Na hindi ko naman papayagan," aniya at uminom ng juice. "Sir, pinakasalan ko man ang anak ninyo para sa pansariling interes but rest assured na hindi ako gagawa ng kahit ano para ipahiya ang anak ninyo. At anuman ang mangyari sa plano ko, sisiguraduhin kong hindi makakanti si Ryan."
"Debbie, what are you talking about?" ani Ryan. "I'm your husband, you know. Tungkulin kong protektahan ka."
"And I'm your wife," aniya na nginitian ito. "Kaya tungkulin ko na huwag kang ipahiya sa ibang tao."

Hmmm..the atmosphere suddenly changed...
Napangiti si Don Eduard Pereira habang nakatingin sa newlyweds. It reminded him of himself and his lovely wife when they had just gotten married. Mukhang tama ang kanyang asawa tungkol kay Debbie.
Well, the first time he saw the woman yesterday, he got a good feeling about her. Ngunit siyempre ay natatakot siya para sa anak niya dahil sinabi sa kanya ni Rosario ang tungkol kay Debbie. That's why he had to test her. At sa nakikita niya naman ay mukhang kaya nitong paligayahin ang anak niya.
"Oh my, how sweet!" tila kinikilig na sabi ng asawa niya na biglang nag-break sa titigan ng anak nila at ng asawa nito. Sabay pang tumingin ito ang mga ito sa kanila na parehong namula. Tumikhim siya upang hindi tuluyang matawa.
"Ipagpatuloy na ninyo ang pagkain," aniya at binalingan si Debbie. "And Debbie, hija, call me Papa."

4 comments:

Anonymous said...

naiimagine ko parang boy next door dito si mr.ermitanyo..bwahaha..ang kulit lang. nahuhulog naba si debbie kay ryan? mare ano ba work ni ryan jan? chemist para saan? curious lang aketch....hehehe... good job again.... *wink *wink... - archer

Lhee said...

thanks mare :) ang work ni ryan, well yeah, isa siyang chemist, uhm, sort of bilang balak kong gawing matalino si ryan ditech hahaha! at regarding kung napo-fall na si debbie kay ryan..chiklet :P

dhian said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

next nxt next nxt na... :)
ang sweet naman ni ryan....