Tuesday, July 12, 2011

Husband And Wife Chapter 11-12

Chapter 11: First Night

"Sigurado akong napagod ka," ani Ryan sa asawa nang nasa silid na sila. Pinagmasdan ni Debbie ang kwarto ng asawa.
"Hindi ka naman mahilig sa white," comment niya. Wala kasi siyang ibang makitang ibang kulay doon kung hindi puti. Well, maliban siguro sa kama nito na color blue naman. "Na may konting blue."
Pinagmasdan din ni Ryan ang kwarto niya. "Ganito pala ang hitsura niya."
"Hindi mo alam ang hitsura ng kwarto mo?"
"Mas madalas ako sa laboratory ko sa ibaba," kibit-balikat nitong sabi. "Anyway, since ikaw naman ang magiging mas madalas dito, feel free to redecorate it."
"Ay, gagawin ko talaga 'yan," aniya na naupo sa kama. "Masyadong banal ang kwarto mo."
"Do what you wish," anito at pumunta sa pinto.
"Saan ka pupunta?"
"Sa lab, may nakabinbin akong gagawin dun eh."

Nakapagligpit na si Debbie ng mga gamit niya at lahat ay hindi pa rin siya bumabalik si Ryan.
Mukhang concentrate kung concentrate ang drama ng ermitanyo ah. Good! Solo ko ang kwarto. Bwahahaha!
Excited na pumunta sa banyo si Debbie kung makapaglinis ng katawan. Ngayon lang uli siya nakatikim ng may solong banyo. Pumipila siya dati sa inuupahan niya dati para makapaligo.
"In fairness, sosyalin." Napangiti siya nang makita ang bathtub. Agad niyang hinanda iyon at lumublob doon.
Mukhang bukod sa kumpanya ay may pakinabang pa pala sa akin ang pagpapakasal sa ermitanyong 'yun!
Nakangiting ni-relax niya ang sarili sa tub habang nilalaro pa ang mga bula na galing sa sabon.

Samantala, ang asawa naman niya ay nasa paghaalo ng kung anu-anong chemical ang inaatupag.
Okay, Chemical Y plus Chemical X..this must be right --- what the ---
Kahit siya ay nagulat sa pagsabog.
"Ryan!" Narinig niya ang nagpapanic na wika ng mayordoma nilang si manang Celia. "Anong nangyayari sa yo diyan? Buksan mo ang pinto!"
"Manang, anong ingay 'yun?" Tinig naman iyon ng kanyang mama.
"I'm okay, Mama," sabi niya sa mga nasa labas ng lab niya.
"Ryan, buksan mo ang pinto," boses naman iyon ni Debbie. "Baka mamaya, kaluluwa mo na lang pala ang nagsasalita diyan."
"Are you talking about mumu, tita Debbie?" tanong ng pamangkin niyang si Denise.
"Hmm, don't worry, hija, Ryan is okay," assurance naman ng kapatid niya.
"It's not okay!" tinig iyon ng kanyang papa. "First night niya ng asawa niya ay mga chemicals ang pinagkakaabalahan."
"I'm sorry, Papa," napapakamot sa ulo na sabi ni Ryan nang mabuksan na niya ang pinto. Napasinghap si Debbie sa hitsura niya.
"Bakit?" maang na tanong niya.
"Nagtanong ka pa?!" nanggigil na sabi ng kanyang mama. Nagtatakang binalingan niya ang mga ito.
"Mukha ka kasing taong grasa," nakangising sabi ni Debbie. "Fit na fit sa image mo."
"Ryan, itigil mo muna 'yan," utos ng papa nito.

"Wawa naman ang ermitanyo, napagalitan," pang-asar na nam-baby talk pa si Debbie nang makapasok na sila sa kwarto. Binelatan lang siya nito nang tingnan niya ito nang masama.
"Isip bata," napapailing niyang sabi. Natawa ito at nagtatalon pa habang binebelatan siya. Tumataas-baba tuloy ang pantulog na suot nito na tila mas conservative lang nang kaunti sa nighties. Kitang-kita ang makikinis nitong hita at ang maging ang part ng dibdib nito ay nae-expose kahit na may robe itong suot. Lihim siyang napaungol.
Not good!
"Natulala ka na diyan, ermitanyo," pang-aasar pa ni Debbie. "Iiyak ka na ba?"
Hindi na niya ma-comprehend ang sinasabi nito. Basta nakatitig lang siya dito. Ang liit nito, kayang-kaya niyang ikulong ang katawan nito sa mga bisig niya. Malambot kaya ang katawan nito?
"Huy, anong nangyayari sa iyo?"
What the---
Something inside him is rapidly controlling his mind when he smelled the nearness of her. She smelled soap and shampoo and something else. Must be her natural scent. Whatever it is, it is doing wonders in his body, teasing him, making him excited. Making his blood boil.

Chapter 12: First Night Part 2

"Huy, natulala ka na diyan!" Inilapit pa ni Debbie ang mukha niya kay Ryan habang naka-make face para gulatin ito. Ngunit nanatiling matiim ang pagkakatitig nito sa kanya. "Wala na! Ligo lang katapat niya --- aaay!"
Nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hinapit at kinulong sa mga bisig nito. Nanlaki ang mga mata niya at pumunta ata ang lahat ng dugo niya sa mukha niya nang may maramdaman kakaiba sa pang-ibabang parte ng katawan nito.
"Tama ka," he whispered into her ear, making her shiver. "Ligo nga lang ito."
At binuhat siya nito. Titili sana siya ngunit naikulong na iyon sa mga bibig niya nang bigla siyang halikan nito.
"Huwag kang maingay, baka magising sina Papa."
"A-ang dumi na ng damit ko." Hindi siya makapaniwala. He really is turned on! At...at...at ang sexy nito! Tila nakadagdag pa ata sa appeal nito ang "taong grasa" look nito that made him look like a mad man that will attack you any moment.
"Kaya nga maliligo tayo, eh!"

Nang maibaba na siya nito sa tapat ng shower ay binuksan nito agad iyon at marubdob siyang hinalikan. It is different from the kiss they shared in the municipal hall. That was just an obligatory kiss that took longer than necessary.
But this kiss is hot and demanding. Na ewan kung bakit niya tinutugon sa parehong intensity. To think na hindi naman siya sanay humalik. She moaned when she felt his hand --- Huh?!
"H-huy ermitanyo, ang kamay mo!"
"Shut up!" bulong nito sa tainga niya at kinagat-kagat ang punong-tainga niya. And his hands continued to explore the secrets of her body which drives her wild.
Ano? This is it na ba?
Shut up!


"Sorry, I didn't know," pabulong nitong sabi. After they made love ay binuhat siya nito papunta sa bathtub. Ngayon ay nakakulong ang katawan niya sa pagitan ng mga hita nito. "I was rough."
Tumango lang siya habang pinaglalaruan ang mga bula sa tub.
"Magsalita ka naman diyan, Debbie!"
Tiningnan lang niya ito at muling ipinokus ang atensyon sa mga bula. Yep. The cat just got her tongue.
Sorry naman! Malay ko bang mako-consume ang marriage namin.
"Anong iniisip mo?" palambing na tanong sa kanya ng asawa habang muli na namang naglalakbay ang mga kamay nito.
"W-Wala."
"It's okay, don't talk," he said and claimed her lips.

"Debbie, baka gusto mong magbihis," nakapamaywang na sabi ng asawa na naka-sando at boxer shorts na. Siya naman ay nakatalukbong ng kumot, basa pa rin ang buhok.
"Matutulog na lang ako nang ganito," aniya.
"Magkakasakit ka niyan, eh," iiling-iling nitong sabi sabay kuha ng damit para sa kanya.
"I'm tired!" aniya. At kasalanan nito iyon. Gustuhin man niyang magbihis ay tinatamad siya. "Bihisan mo na lang ako."
"Pagkatapos mong gamitin ang katawan ko, gagawin mo akong yaya?!"
"Corny mo," aniya at binelatan pa ito.
Iiling-iling na lumapit ito sa kanya at binihisan nga siya. Pagkuwa'y kinuha nito ang blower niya at b-in-lower ang buhok niya.
"Ayan, mahal na prinsesa, pwede na po kayong matulog," anito.
"Salamat, alipin," sakay naman niya. "Maaari ka nang magpahinga."
Natawa sila pareho at nakatulog na.

8 comments:

Lhee said...

pa comment! pasensya na po sa labsins :P sana wala siyang eewww factor sa inyo..pers taym ko po ito so pagpasensyahan ninyo na lang po :P isipin ninyo na lang ham yan :P

Anonymous said...

super funny yet super kilig!
good job lhee!
di halatang pers taym mo,lol!
more chaps to come..

Lhee said...

hahaha! thanks :) buti na lang at natakpan ko ang pagiging inexperience ko lol (at talagang nagiging berde na siya hahaha)

jak said...

mare!ang cute!!

acheena21 said...

Nice one Sis!!!! Elaborate on it next time pero its a good start! hahahaha :-)

Lhee said...

jak --> thanks mare :D sa totoo lang kabado ako rito hahaha!

ate acheena --> thanks sa advice ate :D

Anonymous said...

archer

elaborate mo daw lhee... hahaha..
ang cute cute talaga... hahahha

nice story lhee...

Anonymous said...

ang cute... galing galing ng IMAHINASYON mo... :)