Sunday, July 10, 2011

Husband And Wife Chapter 10

Chapter Ten: You May Now Kiss The Bride

So, the ceremony is finished. Napirmahan na nina Ryan at Debbie ang kanilang marriage contract na siya namang pinakaimportante sa kasal na iyon. Debbie is actually satisfied sa outcome ng kasal nila na iyon sa huwes.
"Lola, bakit hindi po nagkiss sina tito Ryan at yung wife niya?" inosenteng tanong ng limang taong gulang na pamangkin ng asawa niyang ermitanyo.
Nagkatinginan kami ni Ryan at napatingin sa mga kasama ng bata.
"Denise, hija, saan mo ba napulot ang kiss-kiss na yan?" alanganing tanong ni tita Rosario sa apo nito.
"Eh, yun po ang napapanood ko sa TV, eh," sabi naman nito saka binalingan nito ang ina. "Di ba, mommy ganun dapat yun?"
"Anak, gutom ka na siguro," sabi naman ng ina ng bata. "Mabuti pa ay dumiretso na tayo sa Maxx's."
"Mabuti pa nga," sabi naman ng ama nito.
Ang bata naman ay naguguluhang tiningnan ang mga magulang nito at saka sila ni Ryan.
"Ahm, let's go!" sabi naman ni Ryan. Pagkatapos ay kinamayan nito ang mayor na nagkasal sa kanila. Ganun din ang ginawa ni Debbie.
"Thank you, Mayor," nakangiting sabi ni Debbie.
"Oh, you're welcome, hija," nakangiti ring sabi ni Mayor. "And congratulations to you and your husband."
Nagulat na lamang sila nang biglang humagulgol ang bata.
"Denise, what's wrong?" Napalapit na si Ryan sa pamangkin nito at hinaplos ang ulo ng bata.
"I hate you, tito Ryan!" umaatungal na sabi ni Denise.
"What?!" gulat namang sabi ng asawa niya at kamot sa ulo. "W-Why?! When?! How come?"
"Nakalimutan mo ang where." Nag-peace sign siya nang tingnan siya nito nang matalim.
"Denise, princess, please stop crying na," sabi naman ng lolo nito. "Promise, bibilhan ka ng toy ni lolo."
Napatingin ang bata sa lolo nito. Akala niya noong una ay masungit ito gaya ng lolo niya ngunit ngayon ay mukha itong doting grandfather na ini-spoil ang apo nito.
"Tatahan na ang baby," akmang kukurutin ni Ryan ang pisngi ng pamangkin nito ngunit nakangusong inirapan ng bata ang tito nito. Pinigil namang matawa ni Debbie.
"Denise," nananaway ang tono ng daddy nito. "That's bad."
"Mas bad si tito," sabi ng bata na nag-cross arms pa. "Hindi niya love ang wife niya."
"Paano mo naman nasabi 'yan, Denise?" tanong naman ni Debbie.
At anong alam ng batang ito sa mga love-love na 'yan?
"Di ka niya kiniss," nakanguso nitong turan. "Ako nga, laging kinikiss nina mommy at daddy at lolo at lola at tito. Saka sa mga books, nagkiss sina Snow White at yung prince, pati rin sila Cinderella! Basta, laging may kiss! Sabi ni yaya, kaya ganun kasi love nila sila."
Speechless na nagkatinginan ang mga matandang nakapalibot dito. Ang bata naman ay nanatiling nakanguso.
"Denise, love ni tito Ryan si tita Debbie," anang lola nito. "Kaya nga may celebration tayo eh. Parang nung birthday mo. Di ba, nag-celebrate tayo? Kasi love ka namin."
"Pero kiniss ninyo ko," anang bata. Halatang hindi ito magpapatalo. "Bakit si tito Ryan, di niya kini-kiss wife niya? Bakit sina mommy at daddy laging nagki-kiss?"
Tumikhim ang lolo nito at matiim na tinitigan ang anak nito. "Love ng tito si tita Debbie, princess."
"Talaga, tito Ryan?"
Matiim na tiningnan si Ryan ng pamilya nito na ikinapawis nang malamig ni Debbie.
"Ano pang hinihintay mo, Ryan," sabi ng ama ni Denise.
"Show your love," anang lolo.
"Hindi ba, ayos lang, Debbie," sabi naman ng ina ni Denise na ikinatawa ni Debbie nang alanganin. Nangangati na ang kamay niyang kutusan ang mahaderang bata.
"Debbie, face me." Napapitlag siya nang marinig ang tinig ng asawa. Nakalapit na pala ito sa kanya. Rinig na rinig niya ang heartbeat niya ng mga sandaling iyon. Unti-unti siya humarap kay Ryan na agad namang ikinulong ang mga labi niya sa pamamagitan ng mga labi nito. Naikulong din ng mga labi na iyon ang pagsinghap niya na na-transfer ata sa pagsinghap ng bata.
Napapikit na lamang si Debbie and savor the moment of her very first kiss.

1 comment:

Anonymous said...

haha.. kailangan talaga may ganun scene bago mag kiss.....