Sunday, June 5, 2011

Husband And Wife Chapters 1-4

Chapter One: Debbie

"Magnanakaw!!!" tili ng isang dalagang nakapustura. Hinablot kasi ang bag nito. Dahil doon ay nagkaroon ng commotion. "Please! Tulungan ninyo ako!"
"Tumawag kayo ng pulis!" sabi ng isang ale na dumaraan lamang.
"Habulin ninyo, habulin ninyo!" sabi pa ng isa. Ngunit walang sumunod. Mangiyak-ngiyak tuloy ang babaeng na-snatch-an.
"Oh my God!" naiiyak na bulalas nito. "All my IDs are there. And there's money, too."
"Mabuti pa, ipa-blotter mo na lang 'yan sa pulis."
Tumango naman ang babae. Wala na rin naman kasi siyang magagawa. Tumalikod na ito upang pumunta sa police station. At nagulat siya nang sa kanyang paglingon ay nakakita siya ng isang pamilyar na mukha.
"Debbie, is that you?"
"Ako nga," sagot naman nito. "Anong ginagawa mo sa lugar na ito, Hannah?"
"Oh, my!" tili naman niya. Niyakap niya ang kakakitang babae. "It's been a long time, sis! How are you?"
"Ayos naman," sabi nito at kumalas sa pagkakayakap niya.
"Aren't you excited to see me, your sister?"
"Anong dapat kong ika-excite?" tanong nito na tumaas pa ang kilay. Nawala tuloy ang kanyang ngiti. "Anyway, di ba may police station ka pang pupuntahan? Ano pang ginagawa mo rito?"
"Debbie naman..."
"At nagmamadali na rin ako," putol nito sa sasabihin niya. "Sige!"

"Nagkita kayo ng sutil mong kapatid, Hannah?" agad na tanong ng lolo niya nang ibalita ni Hannah ang pagkikita nila ng kapatid niya. "Saan?"
"Sa Divisoria po, lolo," aniya.
"At ano naman ang ginagawa mo sa ganoong lugar?" kunot-noong tanong nito.
"For our project lang po, 'Lo," aniya. "Anyway, when she saw me, she wasn't as enthusiastic as me. I think she's still angry."
"Mana talaga siya sa kanyang ina," nakaismid nitong sabi. "Napakasama ng ugali ng kapatid mo."
"Hindi naman po siguro, Lolo," aniya. "Ngunit nag-aalala ako sa kanya. Mag-isa lang sa buhay si Debbie at pareho lamang kaming nineteen."
"Kung hindi siya naglayas, hindi sana siya maghihirap."
"Pero paano kung masira lang siya 'dun?" naiiling na tanong niya. "Gosh! That place is full of criminals."
"Hindi na siya parte ng pamilya natin, Hannah. Hindi na kaya wala na akong pakialam kung anuman ang mangyari sa kanya!"

"May balak ka palang sunugin ang baga mo."
Tiningnan lamang ni Debbie ang kaibigan saka muling nagyosi.
"Ano bang problema?"
"Wala naman, Mich," ani Debbie. "Nagkita lang kami ng kapatid kong hilaw."
"So, affected ka?"
"Bakit naman ako magiging affected sa isang 'yun?" tanong niya rito sabay muling nagsindi ng sigarilyo.
"Neng, panglima mo na 'yan," anang kaibigan. "At ngayon lang uli kita nakitang nagyosi."
Bumuntong-hininga siya at tinapon ang sigarilyo.
"Bigla lang akong kinabahan sa pagkikita namin ng bruha, Che," amin ni Debbie. "Puro kamalasan ang nangyayari sa akin 'pag nakaka-encounter ko ang isang 'yun."
"So, anong balak mo?"
"Wala." Nagkibit-balikat lang siya. "Ano naman ang dapat kong planuhin. Ipa-rape ang bruhang 'yon?"
"Sira ka talaga."
"Matagal na," natatawa niyang sabi. "O, pano, una na ako sa 'yo at shift ko na."

Chapter Two: Ryan

Muling tiningnan ni Donya Rosario ang kanyang relo. Naiinip na siya sa paghihintay sa kanyang kaibigan kahit na five minutes pa bago ang talagang scheduled meeting nila. Kanina pa kasi siya nasa restaurant na iyon.
"It's been a long time, Rosario!" Napangiti siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Finally ay naroon na ang kanyang hinihintay. Ang amiga niyang si Maria.
"Hi, Maria!" magiliw niyang bati rito. "Please take a seat. Kanina pa ako naghihintay dito, amiga."
"Hey, my friend, I'm not even late!" natatawang sabi nito. "Mukhang bored ka na sa inyo at kanina ka pa rito."
Umikot ang mga mata niya. "You can say that, Maria. Eduard's always out of the country at hindi naman ako maisama. Ano naman ang gagawin ko sa bahay?"
"How about your son?"
"My son?" sarcastic niyang sabi. "Hayun, nakalimutan na yatang may mundong nag-e-exist sa labas ng basement niya. Kahit man lang sa pagkain, kung hindi ko pa i-blackmail, hindi pa iyon kakain. And I'm worried about him."
"Ryan is a genius scientist, Rosario," sabi ni Maria. "Kaya siguro ganun."
"I don't care," inis niyang sabi. "Pinababayaan na ng anak ko ang social life niya kung meron man siya. Ni babaeng nagugustuhan, wala ang anak ko. And he's not getting any younger."
"Ano plano mo ngayon?"
"Well, speaking of that, how's your daughter?" matiim niyang tinitigan ito. Nailang naman ito.
"You mean Hannah? She's fine."
"And your company?"
"Can you get straight to the point?"
"Handa akong tulungan ang kumpanya ninyo kung magpapakasal ang anak ko at ang anak mo."

"What?! Mommy, ayoko!" ani Hannah sa ina nang ikwento nito ang usapan nito at ng amiga nito.
Naaawang tiningnan ni Maria ang anak. Hindi naman niya akalain na iyon ang kondisyon na gusto ng kaibigan niya. At lalong wala sa hinagap niyang seryoso pala ito.
"Hannah, apo," anang biyenan niya. "Hindi naman ako makakapayag na magpakasal ka dahil sa ganoong dahilan."
"Pero paano ang kompanya, Lo?"
"Kami nang bahala doon," anang kanyang asawa na hinaplos pa ang ulo ng anak. "Somehow, makakagawa rin kami ng paraan."

"Nasaan ang senyorito mo?" agad na tanong ni Rosario sa mga kasambahay niya nang umuwi siya.
"Andun po sa laboratory niya at may tinatapos daw po siya," sabi naman ng kasambahay.
"Kumain na ba?"
"E, ma'am..hindi pa po siya lumalabas mula kanina."
Napahugot siya nang hininga. Ito ang hirap sa anak niya. Ang kailangan talaga ng kanyang unico hijo ay isang asawa na handang mag-alaga rito.
"Dadalhan ko po ba siya ng pagkain, ma'am?"
"Maghanda ka ng makakain ng batang iyon at ako ang magdadala sa kanya."

Chapter Three: On Her Way

Hihikab-hikab pa si Debbie habang naglalakad. Papasok siya sa trabaho niya. Maaga pa naman kaya pepetiks-petiks siya siya habang papunta sa sakayan. Sanay na siyang inaantok habang papunta sa trabaho kaya naman nang makitang may nakaharang sa daanan niya ay umiwas siya agad. Ngunit tila nakikipagpatintero ata ang mga ito at muling humarang sa daan niya. Nang umiwas uli siya ay humarang uli ang mga ito.
"Ano bang problema ninyo?" naghihikab pang tanong niya. "Wala akong pera kaya kung pwede lang, paraanin ninyo na ako."
"Sasama ka sa amin, Miss," deklara ng isa sa mga ito at binuhat siya.
"Hoy, bitiwan mo nga ako!" Agad naman siyang nagpumiglas. Ngunit wala siyang laban dito. Kinakabahan na siya. Wala pa namang tao sa lugar na iyon. "Ano ba! Bitiwan mo ako!"

"Kayo ang nagpadukot sa akin?" Nagulat talaga si Debbie nang makita ang kanyang dating pamilya. Dati sapagkat, tinakwil na siya ng mga ito. "Huwag ninyong sabihing tinatanggap ninyo na ako uli sa pamilya ninyo?"
"Debbie, we're still your family," anang asawa ng kanyang ama.
"And you're not my mother," paismid na bara niya rito. "Ano bang kailangan ninyo sa akin? Spill it out nang makaalis na ako."
Tumikhim ang kanyang ama. "We have to meet important people and you need to be there."
"Okay," kibi-balikat na sabi niya. "But you have to pay me."
"Sirvenguenza!" Kung hindi pa siguro napigilan ni Hannah at ng ina nito ang lolo niya ay nasampal na siguro siya nito. Pero hindi siya tuminag.
"I don't have to do anything with your family, right?" taas-kilay niyang sabi. "I was on my way going to work when your goons forced me to be here. Don't you think I deserve compensation sa gagawin kong pagpapaka-plastic to those important people?"
"All right, all right," inis na sabi ng tatay niya. "I'll pay you."
"Thank you," aniya at nginitian ang mga ito nang matamis.

"Can you stop yawning?" inis na puna ng lolo niya. Nasa loob sila ng sasakyan at papunta na sa bahay ng mga importanteng tao na binabanggit ng mga ito.
"Can't," aniya na naghikab pa. "Puyat ako. And I assure you na I'll act as a perfect member of Zaragosa family once we get there."
"Don't be too hard on Debbie, papa," nakikiusap naman na sabi ng asawa ng tatay niya.
"And don't be plastic," sabi niya. "Besides, it's their right na sawayin ako for now. After all, I'm gonna get paid for this."
"Debbie, please," nakikiusap na sabi ni Hannah. Umakto naman siyang nag-zipper ng bibig at nginitian ito nang matamis.

Chapter Four: First Meeting

"Maria!" magiliw na bati ng isang ginang nang makita sila. Tumayo naman sila upang batiin ang mga ito. "I'm glad you came."
Bineso rin sila nito.
"O, siya tatawagin ko lang ang anak ko," anito. "Melba, pakibigyan mo muna sila ng mame-meryenda."
Ngunit ilang saglit pa ay dumating na ito kasama ang isang matangkad na lalaki na hindi pa yata naliligo. Magulo ang buhok nito, pati na rin ang damit nito. Makapal ang salamin na suot nito.
"I would like to meet you my son, Ryan," pagpapakilala nito sa anak. Ngumiti naman ang anak nito sa kanila. "Ryan, this is the Zaragosa Family. And this is Hannah, ang magiging asawa mo."
"Ah eh, mare, we are here to inform you na hindi pakakasalan ni Hannah ang anak mo," ani Maria. "I'm sorry."
"Pero akala ko ba ay pumapayag na kayo sa proposition ko?"
"Well, you see Rosario," anang ama niya. "Your son can still be married with my other daughter, Debbie."
"What?!" bulalas na sabi niya. "Kaya ninyo ako dinala rito ay para ipakasal sa mukhang ermitanyong ito!"
"Watch your words, young lady!" banta naman ng lolo niya.
"Why would I?!" gigil niyang sabi. "Pinadukot ninyo ako para gawing substitute ni Hannah? No way!"
"Hija, please calm down," ani Donya Rosario. "Pag-usapan natin nang maayos ito."
"With all due respect, ma'am, pero wala akong balak na magpakasal sa hindi ko kilala," aniya na tiningnan ang anak nito na no-reaction sa mga nangyayari. "Lalo na sa hindi ko type."
"My son is not your type, hija?" amuse na sabi ng ginang. Lalo tuloy siyang nainis.
"I'm out of here." Iyon lang at tumayo siya at naglakad patungo sa labas ng mansion ng mga ito.

Alam ba niya ang daan pauwi?
Napatingin si Ryan sa dinaanan ni Debbie, ang babaeng balak ipakasal sa kanya.
"Excuse me po," aniya sa mga ito at iniwan ang mga ito upang sundan ang babae. Nakita naman niya ito na dinadaan ang inis sa paglalakad. Hinabol niya ito at hinawakan sa braso.
"What do you want?" singhal nito sa kanya matapos siyang lingunin.
"Ahm, ihahatid lang kita," sabi niya.
"I don't need your help," inis na tinanggal nito ang braso niya sa kamay nito. "At please lang ha, kahit anong gawin mo, hindi ako pakakasal sa iyo."
"Kahit na tuluyang malulugi ang kompanya ng pamilya ninyo kapag hindi ka pumayag?"
"Ano namang pakialam ko dun?" Tinaasan siya nito ng kilay. Gamit ang daliri niya ay pilit niyang binaba iyon. Marahas naman nitong pinalis iyon at tinalikuran siya.
"Hintayin mo ako!"
Ngunit lalo lang nitong binilisan ang lakad. Kakamot-kamot ang ulo na sinundan niya ito.

8 comments:

yep_itshannah said...

SamVon ba toh? sana SamVon nga.....kinikilig ako sa mga characters......next chap na plssssss

Lhee said...

naku beh..di ito samvon..ryvon po hehe

Anonymous said...

hay makapag comment nga

bat ganun karebelde si debbie

at paanu kaya paaamuiin ng isang scientist este ermitanyo si rebelde

hmmmmmm......

thumbsup and handsdown sau lhee

-blue

clarence joy said...

next chapter pls....parang interesting yung story....

Anonymous said...

Next chapter na.... Salamat kahit sa ff lang buhay na bhay pa rin RyVon.... Haha

Lhee said...

Blue --> bwahaha! nawa matuwa ka sa mga next chapters :D

Clarence Joy --> thanks :)

Future Madame --> alam ko ikaw yan lol. ikaw pa, malakas ka sa akin :D

jak said...

mare!!!heto ka na naman!!si mambibitin!!hehehehe!!next na please!!!

Lhee said...

bishi mare..hopefully today, magawan ko na siya ng kasunod :D