Saturday, May 28, 2011

Pangarap Chronicles - Scene 6: The First Goodbye

"Anak, doon ka muna sa Zambales." Nagulat si Mariel sa tinuran ng kanyang inang si Tindeng.
"Po?" napamaang siya. Naghuhugas siya ng pinggan ng mga oras na iyon. "Bakit naman 'Nay?"
Agad itong lumapit sa kanya. "Hindi ka ba natakot sa nangyari sa 'yo, ha?! Muntik ka nang mamatay, ano ba, anak?"
Marahas na napalingon si Mariel sa ina. Oo nga naman. Kakabalik lamang niya sa ospital dala ng food poisoning. The weird part is, wala naman siyang kinain...
"Ano, anak?" untag sa kanya ni Tindeng. "Doon ka muna sa Zambales."
Napatango siya. Kahit sino na alam ang lahat ng detalye, mapapag-tagni-tagni ang mga pangyayari.
"Ihanda mo na ang mga gamit mo," anito. "Aalis ka na sa isang linggo."

Napabuntong-hininga si Mariel sa kanyang kama. Matagal na siyang nakahiga pero hindi pa rin siya makatulog. Iniisip pa rin niya ang nangyari sa kanya.
Gusto ko pa ring sabihin kay Via ang totoo. Sasabihin ko pa kaya sa kanya?
Ano ba? Baka sa susunod madedo ka na. Ang creepy pala ng house na ito. Daig pa ang haunted house.
Hindi ko alam kung bakit ayaw malaman ni ma'am Selina ni Via ang lahat. At kailangan pa niya akong lasunin.
Chunga! Kailangan mo talagang mag-isip para diyan? Anubeh!
Ah, basta! Sasabihin ko sa kanya ang lahat.


"Mariel!" Napalingon siya. Si Michael iyon.
"Sir," bati niya rito bagaman nagtataka siya at narito ito.
"Nakalabas ka na pala," anito. Nalaman niya na dumalaw ito sa kanya nung araw na malason siya.
"E, opo," aniya. Okay lang kaya kung sa kanya ko sabihin?
"Michael!"
Uh oh! Andito si ma'am Selina?
"Hi, tita!"
"Ipaghahanda ko po kayo ng maiinom," paalam niya sa mga ito.
"Favor naman, Mariel," anang lalaki sa nakikiusap na tono. Napatingin naman siya rito. "Baka pwedeng coffee ang dalhin mo rito for me."
Napatango na lang siya. 'Yun lang pala ang sasabihin nito, parang pa-cute pa ang dating nito.
"Pero in fairness, cute nga," nakangiting sabi niya sa sarili habang hinahanda ang maiinom ng mga ito.

"Sigurado ka ba, anak, okay lang na hindi na kita ihatid?" sa hindi na mabilang na pagkakataon ay sabi sa kanya ni Tindeng.
"Kaya ko na po 'to 'Nay," aniya. "Nakakapanghinayang nga lang na hindi man lang ako nakapagpaalam kay Via."
At nasabi sa kanya ang nalalaman ko...
"Sasabihin ko na lang sa kanya," anito. "O, ayan na pala ang jeep. Mag-iingat ka, Mariel, ha!"

Michael wanted to get rid of his thoughts for a while. He could not concentrate to work. He thought of driving around would work. His office suffocates him. He felt like a freakin gwardia sibil for always looking out at Gabriel whenever he makes a move to speak to Via. It's not his style.
But what can I do? I'm a man in love...
"Darn it!" Napatingin si Michael sa paligid. "Yeah, right! Napunta ako sa pier."
He was about to drive back when he saw a familiar figure.
Deja vu? Why do I always have to bump at her when I feel like I need someone to talk to? Someone who...
Napaungol si Michael sa naisip at nag-drive papunta sa direction ni Mariel.

Napalingon si Mariel sa tunog ng busina. Napakunot ang kanyang noo nang makita niyang dumungaw si sir Michael sa bintana.
"Hi!" Kumaway pa ito.
Pagkakataon nga naman! Bakit ba lagi na lang kaming nagkakamoment nitong crush kong 'to?
"Sir," bati niya rito nang umibis ito ng sasakyan. "Anong ginagawa ninyo rito?"
"Just driving around," kibit-balikat na sagot nito. "How about you? What are you doing here?"
"Pupunta po ako ng Zambales," aniya.
"Really? Why?"
"Doon daw muna ako, eh."
"May kinalaman ba ang pagkakaospital mo the other day?"
Nagkibit-balikat lang siya. Hindi niya alam kung sasabihin niya dito ang nalalaman niya. He cares for her friend so he'll do something right?
"Eh kasi sir Michael..."
"Mawalang galang na po, Boss." Naputol ang sasabihin ni Mariel nang may um-approach sa kanilang dalawa.
"Yes, any problem?" Nawala sa kanya ang atensyon ng kausap at nabaling sa epal na nakisabat sa kanila.
"Eh, nakaharang po kasi ang kotse ninyo," anang epal. "Mabuti pa hong i-park ninyo muna 'yan ng girlfriend ninyo."
"Hindi po niya ako girlfriend, kuya," namumula niyang sabi. Biglang hindi siya makatingin kay Michael.
"Ah, sige, ipa-park lang muna namin ito ng girlfriend ko." Nang-aasar na tumingin sa kanya ang lalaki na idiin pa ang dalawang huling salita na sinabi nito. "Hindi ba, baby?"
"Pasensya na, baby." Idiniin niya ang "baby." Matamis din ang ngiti niya rito. Marunong pala itong manukso. "Pero paalis na kasi ang barko kaya ikaw na muna ang magpark niyan mag-isa."
"Hay naku!" napakamot na sabi ng lalaking epal. "May LQ pa ata. Basta ipark ninyo yan."
Iyon lang at umalis na ito.
"Grabe ka naman, sir! Ganyan ka ba ka-broken hearted at talagang mang-aasar ka?" sabi niya nang makaalis ang lalaki.
"It's your fault!"
"At ako pa ang may kasalanan?"
"Talaga bang hindi ako boyfriend-material?"
Napakamot siya ng ulo sa pagiging emo nito.
"Sir, gwapo ka no!" bulalas niya. "Crush nga kita, eh!"
Napatingin ito sa kanya. Naka-smirk ito nang nakakaloko.
"Crush mo 'ko?"
"Alam mo, sir, kanina pa 'ko dito baka maiwan na ako ng barko." Iyon lang at tumalikod na siya at akmang iiwan nito ngunit pinigilan siya nito.
"Not so fast!"
"Sir naman, eh!" Napapadyak siya. "Nakakainis ka. Napahiya na nga 'yung tao, eh!"
Natawa naman ito na hinimas pa ang ulo niya.
"You're cute!"
"Ano ako? Aso?"
Lalo itong natawa.
"O, yung mga papuntang Zambales diyan! Aalis na ang barko!" anang announcer. (wala akong matawag :P)
"Hindi pa tayo tapos, sir," sabi niya rito na nagbabanta ang tingin dito.
Pinisil nito ang pisngi niya.
"Aray!"
"Okay! Okay!" Itinaas nito ang mga kamay nito. "Have a safe trip, Mariel."
"Salamat, sir!" Iyon lang at patakbong pumunta na siya sa daungan ng barko.

What a funny girl!
Nangingiting sabi ni Michael sa sarili at pumasok sa sasakyan. For some reasons, he feels recharged now and can work well. That girl has a calming effect on him.
I hope she'll come back here.


Magkikita pa kaya tayo, sir? Hindi ko alam kung pababalikin pa ako ni Nanay.
Hinaplos ni Mariel ang pisngi na pinisil ng lalaki.


When she comes back, I'm going to give her another doll.


Aalagaan ko ang manikang bigay mo, sir. Promise!


And I hope when we meet again, I'm not some pathetic guy who can't get over about his heart break.


Sana kapag nagkita tayo uli, hindi ka na mukhang Via.


I hope nothing will happen to her while she's away...


Lord, ingatan Ninyo po sana si Nanay, si Via, si Gabriel at ang pamilya niya pati na rin po si sir Michael. Wala po sanang mangyari sa kanila...

12 comments:

icleofe09 said...

galing talga...hmmm na miss ko nmn ang tropa moment na ito?
teka bakit ang tagal na walang exposure ni devon sa msp? missed her!

Lhee said...

i know right? sana bumalik na si mariel sa MSP..nakakamiss kasing mag-abang ng scenes niya dun especially mga scenes nila ni michael

jak said...

bitin mare!!

it'sJUSTme said...

ou nga miss ko na si mariel.. uhmm.. mas bagay talaga ang tropa.. sana ireconsider nila ung team up.. remake naman di ba? sana baguhin ang story tungkol ke mariel..

uber like ko to.. kaso biten.. :))

Lhee said...

yeah, it's kinda bitin kasi hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari sa soap mismo. gusto ko nang bumalik si mariel :(

Pia said...

Ms.lhee wala na po ba katuloy eto?ganda po kasi eh :)

Lhee said...

dear, kailangan natin si mariel para matuloy to :( pero kung di na talaga siya babalik, itutuloy ko to siguro pag natapos na..malayu-layo pa lol

it'sJUSTme said...

ayt.. kahapon ko lang napansin.. wala na yung name ni Devs sa starring ng MSP.. tsk..

Anonymous said...

pwde pala magbarko pa-zambales akala ko land trip lang kc lagpas lang nman ng subic hehehe...nweiz, ang ganda...sana may karugtong na...excited n q s pagkikita nila uli...like q rin ang magtropa... :)

Lhee said...

sa totoo lang, di ko alam kung pwede magbarko patungong Zambales lol..gawa gawa ko lang yan :P

Anonymous said...

hello po Miss Lhee, i'm a huge fan of this fanfic and waiting for the updates..

hmm..nanonood po ako ng MSP, devs is back already and Quen's character is gonna marry via soon.. wala lang share ko lang kasi baka makatulong sa pagconceptualize niyo..

sana po matapos niyo to. love ko ang Jaevon pero love ko rin ang tandem ng mag-bff eh.

thank you!

Lhee said...

aaaawwwwww! thank you :) you only did not give an idea for the next chapter but the direction of this fanfic as well. <3 seriously, thank you :)