Puro oneshots na lang ang nagagawa ko. Ang tamad ko talaga :P Anyway, I hope you guys will enjoy this product of my temporary insanity. ( feeling lang po, sana walang wrong grammar :P)
Bunchan: Ang gwapo-gwapo talaga ng Prince Charming ko.
Elle: Alam na ng buong campus yan! Kailan ka ba magtatapat?
Bunchan: Ano ako? Cheap?! May natitira pa naman akong dignidad sa katawan.
Elle: Di inamin mo ring nakakawala ng dignidad ang ginagawa mo. (nag-rolleyes)
Bunchan: E bakit ka naman sumasama sa akin?
Elle: Para dakdakan ka, ano pa ba?!
Bunchan: Waaaaaahhhhh!!!
Elle: Here we go again!
Bunchan: Elle, bakla! Tiningnan niya ako! Tiningnan niya ako! Ready na akoooooo!!!
Elle: Ako rin, ready nang itakwil ka!
Bunchan: You're so amazing, just the way you are! (nakisabay sa kumakanta)
Elle: Siguro naman, okay ka na?
Bunchan: Punta tayo sa sa backstage.
Elle: Ang lamok dun!
Bunchan: Ibibili kita ng Off at Downy, dali!
Aaron: Nice dude! You rock!
Samuel: Thanks, bro!
Quen: Success na naman ang concert natin.
Robi: The producer called again.
Aaron, Quen, Robi: (napatingin kay Samuel)
Samuel: Bakit ganyan na naman kayo makatingin?
Aaron: (sumulyap muna sa isang bahagi ng backstage) Ilibre mo na lang kami.
Samuel: Jollibee tayo? Magpapa-burger ako!
Robi: Oo na!
Quen: Tara let's!
Elle: O, sa Jollibee daw?
Bunchan: Solve na ako!
Elle: (binatukan ang kaibigan) ano namang tingin mo dun, pagkain?
Bunchan: Elle, tingnan mo ang mga shots ko! Wala ka talagang angle na itatapon sa Samuel ko!
Elle: Kailan - (di natuloy ang sasabihin dahil kinaladkad ng kaibigan palayo sa backstage)
Robi: Di ka na ata susundan.
Samuel: (napabuntong-hininga lang)
Quen: Ewan ko sa 'yo!
Samuel: Alam ninyo naman lagay namin.
Aaron: Kailan mo ba balak ilantad ang ginagawa ng prinsesa mo? (nag-quote pa talaga sa prinsesa)
Elle: Nakakabuwang ka, bakla! Bakit ayaw mo pang ilantad ang sarili mo?
Bunchan: Alam mo naman ang lagay namin.
Elle: Ewan ko sa inyo! Ewan ko sa iyo! Ipaglalaban ka naman nun eh!
Bunchan: Alam ko naman.
Quen: You'll fight for her naman di ba?
Sam: Sana lang, ma-realize niya yun.
Elle: E bakit, para kang tanga na sumusunod sa kanya?
Bunchan: Para naman sa kanya to eh. Sana lang, di siya mabwisit sa pang-i-stalk ko.
Sam: Sana lang, ma-gets niya na mas mahalaga siya sa akin. Malapit na akong mapuno eh!
Elle: Timang ka talaga! Paano kung mapuno yun?
Sam: Heto nga o, bumili na ako ng engagement ring namin.
4 comments:
ate lhee,bitiners....sana ituloi mow..ayeiiiii :)
its_me_penny^^
..cute nmn ni2..
..don't get me wrong ah..
..mganda ang ff mo..
..pero para sa akin..
..mas touching ang oneshots mo..
..cute sila..
..<3..
penny --> iniisip ko nga rin kung gagawan ko ng sequel :)
anonymous --> it's okay. honestly, di ako masyadong nagagandahan sa ff ko :P
ay bitin!!hehe
Post a Comment