Monday, September 5, 2011

Pangarap Chronicles Scene 7: I Gotta Move On

It was more than he envisioned. Her, walking down the aisle, looking so divine in her white gown. She is definitely a reincarnation of a goddess in its highest form, giving mere mortals like himself a chance to be awed by the beauty she possesses. Her eyes is twinkling, her lips smiling. Her face is radiating some kind of light that everybody will be cheered on. It's definitely her day. Because today, after she finally finally stop walking, she will soon be bind to the one she promised eternity.
And he is there. At the end of her road. Smiling at her, patiently waiting for her while savoring the final moments that she will be free. And she finally get to where he was, she smiled gratefully, thankfully. He couldn't contain himself. He imprisoned her with his hug only to free her for the ceremony to start. And for her to be with the one she truly loves.
And when his hand held hers, he finally lost his princess.

Totoo nga ang kasabihan. Ang bride ang pinakamagandang babae sa araw ng kanyang kasal. Akala niya dati ay dahil ang bride ang may pinakamagandang gown, ang pinag-isipan ang make-up at accessories na babagay sa personality at sa gandang taglay nito. Of course, maganda ang kaibigan niya ngunit ngayon, nag-level iyon nang bonggang-bongga.
Hindi mapunit-punit ang ngiti nito kanina pa. Maging ang mga mata nito ay animo tala sa langit na kumikislap. Wala siyang masabi. Napakaganda ng kaibigan niya ngayon. At napakaligaya. Dapat lang. She deserves it. They deserve it.
Sa naisip ay bahagyang napalis ang ngiti niya. She thought about a particular man who did everything to get her back. Paano kaya nito kinekeri ang mga pangyayari?
Napasulyap siya sa kabilang bahagi ng simbahan. Nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang nakangiti ito at mukhang masaya naman sa seremonyang nagaganap. Kapag nag-dialogue ng: "Itigil ang kasal!" susungalngalin niya ito kesehodang makurot siya ng nanay niya sa singit.
Pero sana, makakita siya ng babaeng muling mamahalin at pakakasalan. May shortage na ng gwapo sa mundo, noh!

Reception. Did he have to attend?
Come on, Michael! Show Gabriel sportsmanship. And besides, ano naman ang gagawin mo sa bahay ninyo?
Now that the ceremony is over, he suddenly got bored. Nagtatawag na ang photographers ng mga grupo ng tao na gusto ng mga itong kasama ang bride at groom sa picture.
"May I call on the friends of the bride, please come to the stage," anunsyo ng photographer. He had attended weddings before and normally, he would stand up and smile for the camera. But he was not in the mood.
O well. I'm sure, Via will understand.

Namomoblemang napatingin ang kaibigan niyang si Via sa kanya. At ang suspect ay ang lalaking hindi man lang matinag-tinag sa pagkakaupo. Parang sirang plaka na ang photographer sa kakatawag at ang manhid na lalaki, hindi man lang na-gets na ito na lang ang hinihintay.
"Maybe, I should approach him," ani Via na tumingin sa asawa nito.
"Hay naku, Via," aniya. "Ako na lang. Back-up-an mo na lang ako pag ayaw talaga."

"Friends of the bride, please come on stage!" The photographer is making a fool of himself. Bakit ba hindi na lang ito kumuha ng litrato so that they can all get out of the church.
"Sir, malamang ikaw ang hinihintay nung photographer." Nagulat na napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig. That was Mariel.
"Huh? Go on, take pictures without me."
"Kailangan ka ni Via dun," anito. "Sabi nga di ba, friends of the bride."
Napabuntong-hininga siya.
"Hay naku, sir, mamaya ka na mag-emote," natatawang sabi nito. "Sa kwarto mo na lang ikaw umiyak, huwag dito."
"Sino namang nagsabing iiyak ako?" napatayong tanong niya. "I'm not gonna be here if I haven't moved on."
"Ayan, tumayo ka na rin," nakangiting wika nito na hindi pinansin ang sinabi niya. "Now, move closer."
"Are you treating me like a kid?"
"Malapit na, sir, konti na lang," obvious na pinagti-trip-an lang siya nito.
"Will you stop it?!" he hissed. Nabigla tuloy ito.
"Sorry naman, sir."
"Let's get it done with," aniya at lumapit dito. "And bear it in mind na I've moved on, okay?"
"Okay," anito na halatang pinagbibigyan lang siya.
This girl! I'm not some weakling like you think! Just you watch, Mariel! I'm gonna make you eat your words and change your mind about me!

5 comments:

Pia said...

wahhh miss lhee!!!thank you tagal kong nag wait dito!!

Lhee said...

hi! i hope it's worth that wait :)

jak said...

mare!!!!bitin!!!!!ang tagal kong hinintay nito!!!!galit???hehehe

JulianaRoberta said...

wow.. ang tagal ko inintay to ahh.. hangkyuut nila.. ayiee kilig much!

talagang aabangan ko ang susunod na kabanata.. salamat dito! :D

Lhee said...

hahaha! thanks :P