Saturday, May 14, 2011

HATE THAT I LOVE YOU Ch. 37-42


CHAPTER 37

I really can't believe it! Is this Buddy's big plan?
"Precious, asan ang magaling mong kaibigan?" walang kangiti-ngiting tanong ni Papa Bear. Napakibit-balikat na lang ako, hoping that they won't notice something.
"Pretchie, my loves, magsalita ka na, please," pa cute na sabi ni Eslove.
"Ano namang sasabihin ko?"
"Ano nga ba?" duda pa rin si Papa Bear.
"Wala." It was technically true. Wala naman talaga akong alam. Dahil si Buddy mismo ay clueless sa susunod niyang hakbang.
"Sure ka?" si Yong iyon. Tumango na lang ako para matapos na. Nasaan na ba si Miss Kris? It's almost time na for her class.
"Bakit ba si Pretchie ang tinatanong ninyo?" ani Shey. Thank goodness! Mukhang may savior na ako.
"Nakapangako na ako kay Daniel, Mama Bear," ani Papa Bear.
"As if namang hindi namin alam 'yun," singit ni Kyra. "Pero 'asan si Maya? Waley? Mukhang absent."
"Bakit kaya?" takang tanong ni Eslove. Napatingin naman ang lahat sa akin.
"Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" Kinakabahan na ako. Will I tell a lie? Will they believe me?
"Sabihin mo nga sa amin, may sakit ba yang magaling mong kaibigan?"
"Malay ko." I can't look at them. Hindi man sabihin sa akin ni Buddy, mukhang ito nga ang plano niya --- ang um-absent.
"Class, go back to your seats!"
Whoa! Save by Miss Kris!

"Buddy, ano na?" Agad kong tinawagan si Buddy nang uwian na. Good thing, nakatakas ako sa mga bantay ko.
"A-anong ano na?" anang kabilang linya.
"Buddy, tigilan mo ko, ha," nandidilat ang mga mata niya habang lumilingon-lingon sa paligid. Kung bakit ba naman kasi walang signal sa CR? "May sakit ka ba o wala?"
"W-wala," mahinang sabi nito. "Wala na akong maisip na paraan kundi ito."
"I can't believe you!" bulalas niya. "Alam mo bang ngayon ko lang natakasan ang mga bantay ko sa pag-aakalang may alam ako sa mga pinaplano mo?"
"Sorry naman," anito. Napabuntong-hininga ako sabay lingon.
"Anong sasabihin ko ngayon ---"
"Ako nang bahala pagdating ko," I barely heard that.
"Hi, Pretchie!" seryosong bati sa akin ni Daniel. Patay kami ni Buddy!
"Anak ng! Si Daniel ba yan, Buddy?"
"Yes, it's me, you rascal," anito na naagaw na pala ang cell phone ko.
"Give it back!" sabi ko.
"Maya, I'm telling you, go to Creed Street," sabi ni Daniel habang effortless na hinawakan ang braso kong nagtatangkang agawin ang phone ko.
"Hey, ano ba?!"
"You wouldn't care what will happen to Pretchie?"
"What?!"
"I see," he smirked. Nang ibigay nito sa akin ang phone ay hindi pa rin nito binibitiwan ang braso ko. "Sorry, Pretcie, you're my hostage."

CHAPTER 38

Matalim kong tinitigan si Blet na inaalok ako ng C2. I can't freakin believe na naisahan nila ako. Oo nga pala, magaling maghanap ang mga ito ng mga taong nagtatago. Lalo na si Daniel.
"Precious, wala ka ngayon sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil kay Maya," ani Yong.
"Oo nga naman," ani Shey. "Kaya tigilan mo na ang pagsimangot mo diyan kay Blet at maawa ka naman. Parang iiyak na 'yung tao, o."
"I can't understand why you're taking me as a hostage," inis niyang sabi. "I have better things to do pa."
"Like what?" ani Daniel. "Like going to Maya and make another plan?"
"Hoy, Daniel, huwag mo ngang ma-terrorize-terrorize si Precious." Napalingon kami nang makita si Maya. Bakas ang inis sa mukha nito.
"It's you're fault," inis ding sabi ni DD. "It's you who cheated in the first place!"
"Excuse me, hindi ako nandaya," ani Buddy. "Wala sa usapan na kailangang hindi ako um-absent."
"Good point," ani Kyra. Tininggnan ito nang masama ni DD.
"Baka naman pwede ninyo na akong pakawalan?" Talagang idiniin ko ang salitang 'pakawalan.'
"Paano natin tatapusin ito, Daniel?" angas na tanong ni Maya nang makapunta na ako sa kanya. "Suntukan na lang, handa ako."
"It goes to show na wala ka ngang sakit," ani Shey. "Paano ka nga pala nakaalis sa inyo?"
"Magaling ako sa mga takasan."
"Na hindi uubra sa akin."
"Ang epal mo talaga kahit kailan, Daniel."
"Bago kayo mag-LQ, pwede tapusin ninyo muna ang kalokohang pustahan na 'to?" ani Eslove.
"We're not having LQ!" ani Buddy. "Anyway, ano na?"
"Let's play a game," ani DD. "Kung matalo ka, you'll be my date sa Prom. Pag nanalo ka, then hindi. Kapag tumanggi ka, isusumbong kita kay sir Kean."
"Fine," ani Buddy. "Anong laro?"
"Chess."

"Chess?" Hindi makapaniwalang sabi ni Buddy.
"Why not? Pantay ang skills natin sa chess," ani DD. "What are you thinking? Dadayain kita?"
"Ba, malay ko," nakangusong sabi ni Buddy. ""Siya, chess kung chess."
Lumapit na kami ni Buddy sa mga ito. Kinuha ni Blet ang chess board.
"Which color of the piece do you prefer, MM?
"White," sagot ni Maya.
"Then, it's black for me," ani DD. Inayos na nila ang mga piyesa.
"Precious, sinong gusto mong manalo sa dalawang 'yan?" tanong ni Kyra na nilabas ang cellphone upang kuhanan ang laro.
"Of course, si Buddy," agad kong sagot. Sino pa nga ba?
And the game started. Both MM and DD are serious.
"Seryoso ang love birds," comment ni Eslove.
"Seryoso nga at hindi ka inangilan ni Maya sa comment mo."

After thirty minutes...
"Kyra. hindi ka pa ba nangangalay diyan?" tanong ni Yong.
"Ano sa tingin mo?"
"Bakit ba kasi kailangan mo pang kunan 'yan?"
"Memorabilla lang," anito.
"Siguraduhin mo lang na hindi 'yan makikita ha."
"Ano namang akala mo sa akin, Shey? Chungaers?"
"Hmm..pag-iisipan ko pa," ani Shey.
"Checkmate!" deklara ni DD.
"Whoa!" ani Blet. "Walang lusot!"
Napasimangot naman si Maya. Wala nga naman itong lusot.
"So, I won," ani DD.
"Oo na!"
"Be beautiful for me, Maya," anito na kumindat pa.
"Susuotin ko kung anong trip ko sa prom, Impakto!"

CHAPTER 39

It's Prom Day. Andun kami nina Shey at Kyra sa bahay nina Buddy. Malayo kasi ang bahay namin sa school kaya nagpasya kami na mag-sleep over kina Maya. Pumayag naman ang mga magulang nito.
"Magpapaganda ka rin naman pala para sa date mo," comment ni Kyra nang makitang suot na ni Maya ang gown nito. Bagay kay Buddy ang suot nitong light blue gown na spaghetti straps at criss cross sa likod.
"Si Mommy kaya ang namili nitong gown," sabi ni Buddy.
"Echos ka, MM," ani Shey. "Mabuti pa, pumunta na tayo sa make up artist ni tita Carol."

"Ang gaganda naman ng mga daliginding!" bulalas ni Tita Monique nang matapos kami nitong ayusan.
"Thank you po sa pagdamay sa amin," nakangiting sabi ni Kyra.
"It's my pleasure hija," sabi nito. May narinig silang kumatok. "O, baka ayan na ata ang mga boylets ninyo."
Binuksan ni tita Carol ang pinto. Iniluwa nito ang mga escorts namin.
"Wow!" bulalas ni Blet. "You look beautiful, Pretchie!"
Napangiti naman ako.
"Teka, si Precious lang?" angal agad ni Kyra.
"Sige na, maganda ka rin ngayon," ani Yong. "Nagmukhha kang tao."
"Gusto mong mawalan ng partner?"
"Ah, actually maganda ka naman, dati pa."
"Aminan blues na ba ito?" tanong ni Shey.
"Ahm, DD, anong masasabi mo sa iyong date?" pag-iiba ni Yong sa usapan.
"Wala na, naengkanto na ata."
"Hoy! Daniel, mamaya pa tayo matutulog!"
"Ha? Hindi ko gets?"
"Ginigising ko si Daniel, ano ba kayo?!"
"Linawin mo kasi, Eslove."
"Tayo na," ani Maya na siya nang pumunta sa escort nito. "Hindi mo ba ako aalalayan, partner?"
"Huh?"
"Wala na."
"Ngayon pa lang, sablay na."
"Let's go," ani DD na in-offer pa ang siko kay MM. "By the way, look so bewitchingly pretty today I might have a hard time making you mine tonight."
"Ang maniac naman ng dating," nakataas ang kilay na sabi ni MM.
"How about I love you?"
"Tara let's na!"
"Sagutin mo muna si Daniel, Maya."

CHAPTER 40

"Tigilan ninyo nga ako!" angil ni Buddy sa mga nang-aasar. "Lalo ka na, Daniel, tigilan mo 'ko!"
"Sige, mamaya na lang uli."
"Aba! Bumabanat ka na talaga nang matindi."
"Tara let's na," ani Shey.
"Have fun, kids!"

"Wala ba kayong balak magsayaw?" tanong nina Kyra at Yong kina MM at DD. Kakabalik lamang nito sa dance floor.
"Daniel, baka gusto mong isayaw ang isa sa mga chikas mo diyan?" ani MM.
"You're my partner, remember, partner?" sabi naman ni DD.
"As if naman, gusto kong ikaw ang maging partner ko, partner," sarcastic na sabi nito.
"Mag-aaway lang ba kayo dito?" di makapaniwalang sabi ni Shey.
"Seems like it," sabi ko naman.
"Ano bang nakita mo kasi dito sa babaeng 'to?" naiiling na sabi ni Eslove. "E lumalaban ito ng paastigan sa 'yo!"
"Don't ask me, man. I don't know either!"
"Sorry ha, kung naging ganito ako," inis na sabi ni Buddy. "Pwede naman kasing iba ang ayain mo diyan, hindi ka pa mag-e-effort na manalo sa chess at mag-espiya kay Buddy. Kung iba ang partner mo, partner, malamang na enjoy ka sa dance floor ngayon, nakangiti, nagsassayaw at hindi sa lahat hindi nakikipagbalitaktakan sa mga 'to."
"SONA ba yan?"
"Oo, SONA na kung SONA!" ani Maya. "Makipagsayaw ka na kasi sa iba, Daniel. Mabubulok ka lang dito kasama ko kasi wala akong balak magsayaw."
"Then I'll rot here with you," mahinahong sabi ni Daniel. "I have my PSP with me. Wanna play?"
"Dala mo PSP mo?"
"I know how weird your thinking is, Maya."
"Aba! Boyscout! Prepared!"
"Ikaw na, Daniel!"
"Tse!" singhal ni Maya sa mga ito. "Magsisayaw na nga lang kayo!"
"Magpi-PSP ka nga?"
"Paki mo ba, Papa Bear?"
"Oo nga, hayaan na lang natin sila."
"Come on, let's dance!"

CHAPTER 41

"Hoy, Yong, sure ka ba na gagana to?" bulong ni Kyra. Unlike what MM and DD know, we're not dancing. We are actually in the mango tree spying them with a device Yong gave Kyra.
"Oo, gumagana 'yan," anito.
"Are you sure about this, guys?" I asked. "It's like invading their privacy, don't you think?"
"Hindi na uso 'yan, Precious," ani Shey. "At huwag kang maingay diyan."
"Ayan na, nag-uusap na sila," excited na sabi ni Papa Bear.
"Paano ba 'yan, panalo na naman ako!" Narinig nilang sabi ni MM.
"You're cheating!" bulalas naman ni DD. "Let's have a rematch!"
"Ano ba naman 'tong mga to?" reklamo ni Kyra. "Talagang sineseryoso ang paglalaro."
"Sa 'yan ang trip nila eh!"
"Hi, Daniel!" Isang pa-cute na boses ang narinig namin. "Can you dance with me?"
"Ang arte naman ng babaitang 'to!" inis na bulong ni MM. Natawa kami.
"It depends on my partner," narinig naming sabi ni DD.
"Anak ng! Impaktong 'to! Pa-cute pa ang hayuff!" bulong nito. 
"May sinasabi ka ba, partner?" tanong ni DD.
"Ha? Ang sabi ko, ayos na ayos lang sa akin na isayaw mo siya, partner," ani MM. "Nakakahiya naman, niyaya ka pa!"
"What are you trying to say?" nairitang sabi ng babae.
"Ang galing talagang gumawa ng away ng kaibigan mo, Precious!"
"Wala naman," ani Maya. "O, Carl! Anong ginagawa mo rito?"
"Can I dance with you, MM?" tanong nito.
"Ahm, actually, she's dizzy," biglang banat ni DD.
"Ha? Anong nahi----"
"And I'm gonna take her to the clinic so please excuse us, guys!"
"Ayan, Miss, kay Carl ka na lang makipagsayaw!"

"Daniel, ano ba?" ani Maya. "Saan mo 'kong dadalhing impakto ka?"
"I'll just gonna get you away from that Carl!"
"Mag-aaway na naman ba ang mga 'to?"
"And more importantly, bakit lumalakas ang mga boses nila?" takang tanong ni Yong.
"Parating sila dito," pabulong na sabi ni Eslove.
"Ha?" Nataranta naman si Shey. "Saan tayo magtatago?"
"Doon tayo!" aya naman ni Papa Bear. Sumunod naman kami at nagtago sa mga halaman.

CHAPTER 42

"Daniel, ano ba?!"
"We're gonna talk, Maya," ani DD.
"Talk about what?"
"Talk about us, rascal!"
"Ha?"
"Yan lang ba ang magiging reaction ni Maya," inis na comment ni Kyra. "Ha?"
"You know what I mean, Maya," sabi ni DD who sighed in frustration. "Last year, we broke up. We became friends again, despite of the petty quarrels that we're having all the time. We still treat each other like we used to. I still care about you."
"So, anong gusto mong sabihin, Daniel?" naguguluhang tanong ni MM.
"You're our future valedictorian and you didn't get it?" pilit ang tawang sabi ni DD. "I still love you, Maya. Can we have another chance?"
"Chance?" pag-uulit ni Buddy. Napapikit ako. This is hard for her. Of course, she's still in love with DD. I know it best. If Buddy can throw her stupid childish beliefs, she can be happy with the one she still loves. "Daniel, lagi tayong nag-aaway nung tayo, nagkakasakitan tayo kahit hindi natin ginusto. Didn't we agree to split up because we want to have our friendship and respect intact? Ano itong pinagsasabi mong gusto mo ng isa pang chance?"
"MM---"
"DD, you wanted this!" Napalakas na ang boses ni MM sa emosyong nadarama. "You said this is for the best! I still believe this is the best for both of us. Lalo na ngayon."
"What do you mean lalo na ngayon?"
"After graduation, I'm leaving," sabi ni Maya.
"You're leaving us?!" Napatayo na ako sa pinagtataguan ko. Pati ang mga kasama ko ay ganun din.
"Buddy?"
"What do you mean you're leaving?" sabi ko na gulat sa nalaman. Dinaluhan naman ako nina Shey at Kyra. Siguro ay dahil napapasigaw na rin ako. "At bakit hindi ko alam? I'm supposed to be your best friend!"
"I'm sorry, Buddy," anito na lumapit sa amin. "I just don't know how to spill it to you. We're always having fun. H-hindi ko alam kung paano ako magsisimula."
"Bakit kailangan mong umalis?"
"Dad has a c-cancer, s-sa..s-sa dugo," ani Buddy na hirap nang magsalita at umiyak na nang tuluyan. "K-Kailangan namin pumunta sa States para..para mabuhay pa siya nang matagal. Ayokong mawala ang daddy ko! Hindi ko kaya kapag..k-kapag!"
Niyakap na siya ni Daniel. Ngayon ko lang nakitang ganito si Buddy. She is tough, I have never seen her cry like this.
"I'm so sorry for not telling!"
"It's okay, MM," pabulong na sabi ni DD. He kissed her hair. Nahihirapan din itong makitang ganoon ang babaeng mahal nito.
"I'm so sorry for making you sad, sa occasion pa na ito! I'm so sorry!"
Kung gaano kami katagal umiyak doon, no one can tell. Basta, we just hug each other as if it will give MM strength.

Dahil sa nangyari, umuwi na kami agad.
"I spoiled your fun," ani MM nang makapunta na kami sa kanila. Andun kami sa kwarto niya.
"Don't worry about it, Maya," ani Shey.
"Kaya ba hindi mo masagot si DD dahil sa aalis ka?" tanong ni Kyra.
"Kahit na mahal mo siya?"
"Friends lang kami," tanggi ni Maya. Hinila tuloy ni Shey ang buhok nito.
"Huwag ka ngang echos diyan!" ani Kyra. "Obvious na obvious po na mahal ninyo pa rin ang isa't isa. Kami na nga ang naiinip sa habulan ninyo eh."
"Kaya nag-spy kayo?"
"It wasn't my idea," ani Shey.
"Liars go to hell!"
"Fine, it was! But not the recording thiny!"
"You went that far?!" gulat na sabi ni Buddy.
"Hindi ka galit?"
"I don't know!" natatawang sabi ni Buddy. "Mami-miss ko kayo!"
"Kahit si DD?"
"Siyempre naman," hindi makatingin na sabi ni MM. "Friends pa rin naman kami nung Impakto na 'yun!"

No comments: