Saturday, September 25, 2010

Ezra Band



I like Ezra Band. Magagaling kasi silang lahat. Nang una ko silang mapanood sa Pilipinas Got Talent, nagduda ako sa talent nina Kaye, Jester at John. Akala ko si Norr lang ang magdadala ng banda dahil sa kapansanan niya. Hehe. Abnormal talaga ako kasi ang inabangan ko ang ibubuga ng tatlo hindi siya. Kumbaga, gets ko na magaling siya. Kaya nga siya nandun.

And so, they performed. And I couldn't get enough. Isa ako sa ginawang MP3 ang version nila ng Wonderful Tonight. Pinatos ko lahat ng videos na featured sila sa youtube. Sila actually ang sinaunang dahilan ng pagiging nocturnal ko. At may fanfic ako for them (na nakasentro kay Karen - walang pakialaman, yan ang bet kong itawag sa kanya haha) pero naka-stuck sa utak ko. Ganyan kalakas ang epekto nila sa akin.
Kahit na alam kong hindi sila ang mag-ga-grant champion sa Pilipinas Got Talent, nasaktan pa rin ako na hindi sila nanalo. I know, deserving si Jovit pero Ezra Band especially Karen Cal unleashed the fangirl in me. Pero I know they are meant to be known. Sikat na sila. And may the good God always bless them.

Anyways, here's their song, Walang Iba which I think is composed by my first ever female celebrity crush - Karen. Enjoy.

AN: Ngayon ko lang naalalang i credit ang video sa owner! Churi! :p

No comments: